31

46 2 0
                                    

Chapter 31

Daren

I secretly sighed in relief matapos basahin ni Kaede ang text ni Athena sa kanya habang nasa kotse kami ngayon. That means walang nangyaring masama.

"See, I told you!" Napailing kong turan kay Kaede na nakatitig parin sa messages.

"Why is that? Pakiramdam ko may iba eh! Parang may kakaiba talaga." She said as she paced back and forth.

"Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Puntahan na natin si Kaezryll." I grabbed my sister's hand and held it. Bumalik kaming resthouse. She sighed at umupo sa sofa.

Someone's PoV

"Wag kang mag-alala, balak ko namang sabihin kay Daren eh, yun nga lang pagkatapos ng dalawang araw. Alam mo kung bakit? Dahil gusto ko maghirap ka muna at hindi kita pakakainin hanggang sa hindi ka na makagalaw pa saka kita papatayin. Ganda ng plano ko no?" Hulakhak ako nang makita si Athena na umiling-iling at humihikbi.

"N-Nagmamakaawa ako s-sayo. Please pakawalan mo ako. B-Balak ko naman talagang bumalik ng Australia eh lalayo sa kanya. Kaya m-makukuha mo na siya." Mahina niyang turan.

"Hah! At siya ba ay sasama sa'kin? Hindi! Kaya kailangang mawala ka na para sasama siya sa'kin!" I forcefully grabbed her hair saka nginisihan. "Magiging akin siya, tandaan mo yan!" I walked out of the room at lumabas para magpahangin. "Peste! Ang lansa ng amoy! Pwe!"

Daren

It's been two days since Athena left and andito na kami sa Maynila. Si Kaede naman maya't mayang tumitingin sa cellphone niya.

"Bakit hindi pa rin nagtetext si Athena?"

"Ayan ka na naman." Sabi ng asawa niyang si Zares.

"Tawagan ko kaya." Ni-loud speaker niya ang kanyang cellphone kaya rinig naming hindi makontak si Athena. "Hays!"

Bumangon ako nang may nagdoor bell at binuksan ang gate. "Mom? Why are you here? I thought nasa company ka?"

"Let me in and let me talk to you." Nagulat ako sa pagiging seryoso ni mommy at dretso siyang pumasok sa loob. Oo nga't nagseseryoso minsan si mommy pero ngayon ko lang naramdamang sobrang seryoso siya.

"Mom, magandang tanghali. Nagtanghalian na po ba kayo? Hahandaan ko kayo." Nagmano si Kaede at Zares kay mommy pero hindi parin nagbago ang expression niya.

"No need. Let's all sit." Nakaupo kaming apat sa sofa habang kandong ni Zares si Kaezryll.

"Baby, play ka muna ng mga toys mo." Zares whispered to his daughter and Kaezryll obediently nods her head. Bago bumaba sa pagkakakandong sa papa niya.

"What is it, mom?"

"It's about Athena." Ani mom habang nakatingin sa'kin.

"May nangyari sa kanya?" Kaede gasped.

"That's not what I mean. Nitong mga nakaraang araw o linggoㅡhindi ko alam kung kailan inabot pero pinaimbestigahan ko siya." Pagkasabi ni mom nun, biglang kumalabog ang dibdib ko.

"Mom, you know you shouldn't do that!" Asik ko.

"I know but I have to! And I discovered something that will you regret your decisions!" Mas lalo akong na-curious.

Napalunok ako. "W-What do you mean?"

Mom sadly sighed. "According to my private investigator, she... she suffered from a tumour called glioblastoma three years ago. It's a malignant brain tumor and as the tumor grows in size, that makes the person will start having cognitive and memory disorders. That make sense kung bakit wala siyang MAALALA." May diin na sabi ni mommy habang nakatingin na naman sa'kin. "Kaya walang kwenta lahat ng mga hinanakit mo sa kanya where in fact mas naghirap pala siya kesa sa'yo."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now