10

46 2 0
                                    

Chapter 10

Athena

Ilang araw na ang nakalipas mula nung nagkita kami ni Daren at hindi na yun nasundan pa na ipinagpasalamat ko.

Siguro dahil na-realize niya ang ginawa niya at na-realize niyang galit pala siya sakin kaya dapat hindi niya ako pinapansin.

"Sis, why don't we bring Skier to our school?" Suggest ni Astheria.

"Really?" Tila nagningning ang mga mata ni Skier. "I'm going to change now." Kahit hindi pa ako nakasagot, ayun, dali siyang nagtungo sa CR para maligo dahil parehas na kaming bihis ni Astheria.

Nang matapos si Skier, natawa nalang kami ni Astheria ng nauna pa siyang lumabas ng unit ko at nag-abang ng elevator.

****

"This is our school, ta-da!" Ibinuka ko pa ang dalawang palad ko. Final kasi namin ngayon ni Astheria so Skier dito sa school namin para naman makita niya kung saan kami nag-aaral.

"Wow!" Skier's reaction made us roll our eyes. Halata namang peke yun eh!

"We know you too well, cousin." Ani Astheria.

"Hehe.." nag-peace sign lang siya.

May pa-wow pa siya, e wala nga tong school namin kumpara sa school na pinasukan niya sa Australia.

"So, let's go!" Naglakad kami papasok at buti nalang ayos lang kay Manong guard na papasokin si Skier.

Ti-nour lang namin si Skier at dahil parehas naman kaming walang pinagkakaabalahan ni Astheria. Yun lang ang ginawa namin at kapag may klase naman kami, iniwan lang namin si Skier sa batibot upang doon magtambay at hintayin kami.

Pagkatapos nun, lumabas kami at kumain sa McDo.

"Masarap ba?" Tanong ko kay Skier.

Tumango-tango siya. "Yup! Masarap!" Ngumisi ako dahil sa accent niya.

Sa apat na araw niya dito sa Pilipinas, masasabi kong marami-rami na siyang nalalaman na mga Tagalog words.

"Hmm.. magwi-withdraw pala ako pagkatapos nito kaya ikaw muna sa condo mag-isa, Skier." Sabi ko.

"Hatid ka na namin, sis."

"Wag na. Dumiretso na kayo sa condo para makapagpahinga na si Skier." Nagthumbs-up pa ako kay Skier.

"Okay. Tss! Close na close talaga kayo." Napailing si Astheria.

"E hindi niya kasi masabayan ang pagkabad-ass mo!" Tumawa ako.

"Hmp!" Pinisil lang ni Skier ang pisngi ni Astheria.

Gaya ng sinabi ko, naghiwalay na kami ng landas.

****

Tapos na akong magwithdraw at nag-aabang nalang ng taxi.

Naglalakad ako ngayon dahil wala pa akong napaparang taxi. "Hays! Gusto ko ng mahiga!" Pagmamaktol ko.

Maya-maya pay, may naramdaman akong presensya sa likod ko. Lilingon na sana ako ng may naramdaman akong matalim na bagay sa may bandang likod ko.

"Wag kang kikilos at subukan mong sumigaw, papatayin kita!" Mariing sabi nang mama.

Pakingshet! Sana pumayag nalang ako na ihatid ni Astheria!

"Ah-um.." tumango-tango ako.

"Ibigay mo sakin lahat ng pera mo, pati na ang wallet mo at cellphone mo! Lahat ng dala mo!"

Napalunok ako. Handa ko ng ibigay ang wallet ko pero napatigil ako. Kakawithdraw ko lang eh! Tapos eto pa ang nangyari!

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now