29

49 1 0
                                    

Chapter 29

Athena

Nakasimangot akong nakaupo sa stool andito sa sala habang pasilip-silip sa loob dahil sa bisitang dumating kaninang umaga. Isang magandang babaeㅡpero syempre mas maganda ako, na halatang close kay Daren dahil kanina pa sila hindi maipaghiwalay sa isa't isa. hmp!

Sabi ni Titaㅡmommy ni Daren, pamangkin niya raw yun na taga-dito at oo, close daw talaga Sila ni Daren kaya mas lalong nawala ako sa mood.

"Baka matunaw na yan kakatitig mo." Tinig ni Astheria ang narinig ko kaya ngumuso ako.

"Kanina pa yan dikit na dikit kay Daren ah!" Maktol ko.

"Edi puntahan mo!"

Napatigil ako. Puntahan ko ba? No! Ayokong maging bastos! Bisita yan nila Tita kaya respetohin mo, Athena!

"Let's eat! Athena, Astheria, let's eat." Kaede immediately grabbed my hand and pulled me to go inside.

Tanghalian na kaya manananghalian kami. At oo! Kasama yung babae na Deia ang pangalan, na ngayon ay nakapwesto na sa gilid na NAMAN ni Daren. Kaya sa harapan nalang ako umupo.

"Enjoy the food, everyone." Ani Tita katabi ang parents ni Zares. Kung nagtataka kayo kung kasama ba ang daddy ni Daren, hindi siya sumama kasi sabi ni Tita may business meeting daw sa ibang bansa.

Tahimik kaming kumakain hanggang sa narinig namin ang tinig ni Deia. "Sure! Sure, punta tayo later." Alam kong si Daren ang kausap niya.

"Sabi mo yan ah!" - Daren.

Kaya nawalan nako ng gana. Pero kahit na ganun, tinapos ko parin ang pagkain ko. Ang bait-bait niya sa iba, amp!

Nang matapos, nagpresenta akong maghugas ng plato. Ayaw pa sana ni Kaede na pumayag pero buti nalang napilit ko siya. Wala din naman akong ginagawa at gagawin kaya nagpresenta nalang ako.

Nagha-hum ako habang hinuhugasan ang mga pinggan nang may marinig akong mga yabag sa stairs pababa. Nang tingnan ko, nagulat ako dahil si Deia at Daren pala yun, NA NAMAN. Parehas silang D, ah!

Inis kong binuksan ang faucet at sinabonan ang mga plato habang pasilip-silip ako sa pinto para tignan ang dalawa. Nanlaki pa ang mata ko at tarantang bumalik sa ginagawa nang mapatingin si Daren sa gawi ko na alam kong nahahalata niya ako. Hays! You're so stupid, Athena! Pinagpapalo ko pa ang noo ko kahit pa may mga sabon ang kamay ko. Argh! Nakakahiya!

"May pupuntahan lang kami." Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses niya.

"H-Ha?"

"Sabi ko may pupuntahan lang kami..." Inulit niya ang sinabi niya. Wait, di ba sya galit? Para tingnan kung totoong di siya galit dahil sa sinabi ko kahapon, dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

Wala, emotionless. Ano nga bang aasahan ko? Wait, bakit siya nagpapaalam sakin? I-Ibig sabihin, gusto niyang malaman ko na may pupuntahan LANG silaㅡ

"...pakisabi kay mom kung hahanapin niya ako." Aniya saka napaangat ang tingin sa noo ko. I even noticed his face lit up a little as if he just saw a thing humors him. Saka walang sabing tumalikod at umalis.

Ako naman, napatanga pa rin dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman nagpapaalam siya sakin yun pala ipapasabi lang sa mommy niya. Wag kasi assumera, Athena!

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz