13

46 1 0
                                    

Chapter 13

Athena

Dumaan ang ilang mga araw mula nung naging kami. Palapit ng palapit ang midterm kaya naman nagiging busy na kami parehas. Ako busy sa school siya naman busy sa trabaho niya, alam kong engineer na siya dahil nakapasa siya sa exam. Pero wala rin namang araw na hindi kami magkasamaㅡI mean, kahit gaano ka-hectic ang schedule naming dalawa, naghahanap at naghahanap kami ng time para sa isa't isa at masaya ako dun.

"Hey..." Anang tinig sa likuran ko. Hindi ko masyadong binigyan ng pansin yun dahil maya't maya kong finafamiliarize ang mga nireview ko kagabi plus napuyat pa ako kaya medyo masakit ang ulo ko. Napatigil nalang ako ng may yumapos sa bewang ko kaya napaharap ako. "Babe, you okay?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Teka, anong ginagawa niya dito sa school namin?

"What are you doing here?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayokong ipakita sa kanya na hindi okay ang pakiramdam ko dahil alam kong mag-aalala lang siya at baka hindi na naman siya papasok sa trabaho niya gaya nung isang araw. Nagkaroon ako ng dysmenorrhea which is normal lang sakin kapag dinadalaw ako pero siya alalang-alala kaya hindi siya pumasok sa trabaho niya ng dalawang araw dahil na rin inaasikaso niya ako.

"To give you these..." Ipinakita niya ang nakatake-out na pagkain. Natawa ako. "Maganda to sa memorya para naman masaulo mo lahat ng nireview mo." He smiled kaya napangiti narin ako.

"Wow, thank you. Ang swerte ko naman."

"Oo pero mas maswerte ako." Hinalikan niya ang buhok ko. "Ilang oras vacant mo?"

Tumingin ako sa relo ko. "45 minutes nalang ang meron ako tapos exam na namin for next subject."

"Goodluck babe, kaya mo yan. Ako yata ang inspiration mo."

Natawa ulit ako at napailing sa kahanginan niya. "Yeah, thanks babe. Bumalik kana, baka may trabaho ka pa."

"Ah yeah, sunduin kita mamaya."

"Wag na. Magpahinga ka nalang ng deretso alam kong pagod ka mamaya kaya wag na."

"Butㅡ"

"No buts! Kaya ko ang sarili saka para namang eto ang first time na magcocommute ako." Sabi ko pero bakas parin sa mukha niya ang pagtutol pero kalauna'y napabuntong-hininga siyang tumango.

"Call me when you get home." Aniya na tinanguan ko lang.

"Take care, babe."

"Ikaw ang mag-ingat." Sabi niya bago ako hinalikan sa noo.

"Opo! Sige na, magrereview pa ako." Sabi ko kaya umalis na siya.

Nang mawala na siya ay napabuntong-hininga ako at nakangiting pinagmasdan ang pagkaing dala niya. Ang swerte ko talaga...

Nagpatuloy ako sa pagrereview habang kinakain ang mga pagkain. Kahit papano ay bumuti ang pakiramdam. Ewan ko ba pero napapansin kong napapadalas ang pagsakit ng ulo ko. Hindi man araw-araw pero ilang beses naman kapag sumakit sa isang araw. Minsan nga iniisip kong magpacheck-up dahil wala naman akong sakit pero iniisip ko ring baka dahil sa init ng panahon. Sobrang init kasi dito sa Pilipinas kumpara sa Australia kaya siguro naninibago ako sa temperatura.

****

Hay sa wakas natapos din ang exam namin ngayong araw. Naglakad ako sa hallway habang sapo ang batok kong kanina pa nangangalay dahil sa pagyuko.

"Astheria!" Nagulat ako ng may kumalabit sakin. Nakita ko ang isang magandang babae na may color pink na nakahighlight sa buhok niya.

"Um... I'm sorry I'm not Astheria." Sabi ko agad dahil gusto ko ng makauwi at humiga.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now