21

37 1 0
                                    

Chapter 21

Someone's POV

Hindi ko hahayaang magkabalikan kayo. Gagawin ko ang lahat para hindi kayo magkabalikan! Akin lang si Daren, akin lang siya!

"Bakit kasi nabuhay ka pang babae ka!" Sigaw ko habang nakatingin sa litrato ni Athena. "Kung kailangan kong gumawa ng masama para lang mapunta sa akin si Daren, gagawin ko!" Tumawa ako ng malakas saka tinago ang picture.

Athena

Nakakalungkot isipin na ang bilis matatapos ng love story ko. :(
Ayoko ng mangulit pa kay Daren, nakakadagdag lang ako sa nagpapasakit ng ulo niya.

"You mean, titigilan mo na siya?" Tanong ni Astheria.

Tumango ako. "Eh kasi naman, nakadagdag lang ako sa problema niya. Saka kung ayaw sakin nung tao wag ko nalang pilitin."

"Akala ko ba hindi ka titigil hangga't di siya nahulog sa alindog mo?"

Ngumuso ako. "Ayoko na. Hinding-hindi siya magkakagusto sakin. Masaya na sila ni Liane eh!" Nangunot ang noo ni Astheria sa sinabi ko.

"Tss! Hindi naman sila."

"Sila!" Pagpupumilit ko.

"Sino nagsabi?" Nakataas-kilay niyang tanong.

"Ako!"

"Maraming namamatay sa maling akala. Saka sabi ni Sir magkaibigan lang sina Daren at Liane. Alam mo, masama kutob ko sa babaitang yun eh! Parang may binabalak siya! Naku, kung alam lang niya ang nakaraan niyoㅡ" Nanlaki ang mata niya. "I-I mean, kung nakilala lang niya si Daren noon, iisipin kong may binabalak siyang masama ngayon."

"Hindi naman siguro ganyan si Liane." Sabi ko.

"Psh! Sinasabi ko sayo, Athena. Mas masahol pa yan sa aso." Tinampal ko ang kamay ng kakambal ko dahil sa sinabi niya.

"Ang bad mo. Hindi naman masama si Liane."

"Hays, ewan sayo."

Napailing nalang ako. "Nga pala, gusto kong maghanap ng part-time job. Nabo-bore ako dito pag ako lang mag-isa."

"Ano? Wag na! Samahan mo nalang ako palagi sa trabaho ko." Sabi ni Astheria.

Bigla kong naalala yung gabing yun. Yung kinausap ko si Daren, yung gabing yun pinagdesisyonan ko na tigilan ko na siya.

"Ayoko, hindi ko na nga guguluhin si Daren eh!"

"Hindi naman siya ang ipinunta mo dun!"

"Ehh ayoko nga!" Maktol ko.

"K, fine! Nakakatampo ka na!" Kibit-balikat na sabi niya kaya natatawang niyakap ko ang kambal ko.

"Tulungan mo akong maghanap ng trabaho, please."

She rolled her eyes pero sumagot din naman. "Sa Delicious Café ka nalang. Naghahanap silang cashier."

"Eh? Bakit alam mo?"

"Duh! Sissy ko, ang laki kaya ng poster nila sa loob at labas." Nagulat ako. Bakit wala akong napansinin doon? Oh well, di na mahalaga yun.

"Okay! Samahan mo ako!"

"Oo na!"

***

"Tanggap ka na po, ma'am Athena." Nanlaki ang mata ko.

"T-Talaga po? Waaa! Thank you po!" Dahil sa sobrang saya ay napayakap ako sa lahat ng employee sa Delicious Café.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now