6

45 3 0
                                    

Chapter 06

Athena

"No, let me rephrase that. Let's talk!" Aniya at nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin paalis sa table.

"Um.. kaya kong maglakad." Sabi ko at buti naman binitawan niya ang kamay ko.

Nang makarating sa gilid ng bahayㅡsa may swimming pool, umupo kami sa upuang nandun.

Tahimik kami at walang nagsalita. Awkward!

"Kung wala kang sasabihin, aalis nalangㅡ" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Why?" Tanong niya.

"H-Ha?" Takang tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Are you really a stalker.. of mine?" Napalunok ako.

Gosh! Anong isasagot ko? Bat ba pag ganito ang tanong, ang hirap sagutin?

"Um.. y-yeah.." sagot ko lang.

"Why? Why did you became my stalker?"

"Ah haha! Kailangan pa bang malaman mo? Sa akin na yun." Tumawa pa ako ng peke.

"Stop it!" Aniya. Sa pag-aakalang ang pagtawa ko ang tinutukoy niya, tumigil agad ako sa pagtawa. "Hindi ang pagtawa mo ang ibig kong sabihin."

"Ehh? Ano pala?"

"You, being my stalker. Stop it, it's.. it's so freaking annoying!" Mahinang sigaw niya. "Stop it, okay?" Hindi ko alam pero bigla akong nag-aapoy sa sinabi niya. Tumayo siya at aalis na sana pero nagsalita ako.

"Bakit ako hihinto? Dahil ba may girlfriend ka na at baka magalit siya? Pwes, sinasabi ko sayo, I'm your stalker whether you like it or not! Buhay ko to kaya ako ang magdedesisyon para sa sarili ko!" Madiing sabi ko.

Humarap naman siya sakin. "Buhay mo? It's my life your pestering with, so whether you like it or not, you're going to stop doing this nonsense!" Pagkatapos, umalis siya.

Sumigaw naman ako. "Hah! As if I'm going to do that!"

Napatingin sakin ang ibang mga tao. Naalala ko bigla yung babaeng kasama niya nung makita ko sila sa grocery store. Girlfriend ba siya ni Daren? Siguro, sa ganda ba naman niya.

"Susmaryosep, andito ka lang pala. Kadadating lang nila Ley, Coreen at Jaiden. Halika na!" Hinila ako ni Pomela papasok ulit ng bahay. Ewan ko ba, parang nawalan bigla ako ng gana.

Daren

It's weird for me to feel that I am happy. Why? Dahil sa sagot sakin ni Athena, ewan ko kung bat ako nakaramdam ako ng tuwa.

Ako itong gustong huminto na siya sa panggulo ng buhay ko pero may parte din sakin na gustong manatili siya. Tangina! What the fvck is happening to me?

"Pao, uwi na ako. Salamat sa pagkain and happy birthday ulit." Sabi ko kay Paolo.

"Ano? Agad-agad? Mamaya ka na umuwi." Aniya. Si Paolo, nakilala ko siya minsan sa club, broken-hearted siya nun kaya lasing. At dahil lasing siya, nabangga ng kotse niya ang kotse ko.

Todo hingi naman siya ng tawad sakin nun pero pintawad ko din siya kasi hindi din naman gaanong kalaki ang nadamage sa kotse ko.

Simula nun, naging magkaibigan na kami.

"I really have to go. May gagawin pa ako para sa reporting namin." Pagsisinungaling ko. Sorry, Pao..

"Fine! O sya, mag-iingat ka."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now