28

44 1 0
                                    

Chapter 28

Daren

Nakasimangot akong bitbit ang dalawang travelling bag papalabas ng airport. Oo, dalawa talaga! Akala mo magbabakasyon ng ilang buwan when in fact, isang linggo lang naman kami dito sa Palawan. Mom is so exaggerated! Argh!

"Let's go, guys!" Excited na sigaw ni Kaede habang nakakrus ang mga kamay sa braso ni Athena.

Kalalabas nga pala namin sa airport ngayon at andito na kami sa Palawan. "Where's mom, Kaede?" Tanong ko.

My sister just shrugged. "Sa isang van sila sasakay. Tayo, dito." Turo sa van na huminto sa tapat namin.

"What? Hahayaan niya akong buhatin tong travelling bag niya na sobrang bigat?" Binitawan ko ang travelling bag ni mommy.

Kaede cleared her throat. "Duh! Isip-isip din, Kuya! Alangan naman kay mommy yang dalawa eh isang linggo lang naman tayo dito." Ani Kaede habang inalalayan ang anak na sumampa kay Zares.

I frown. "Kaya nga, mom is so exaggerated! Sumusobra na sa pagdala ng mga gamit. Ang bigat-bigat pa!"

"Um. . . T-That's mine." Napatigil ako nang magsalita si Athena. Hindi rin ako nakakilos nang kunin niya ang isa at hinila yun kahit halatang nabibigatan siya. Mom, tsk!

I composed myself and cleared my throat. "Akin na." Kinuha ko ang travelling bag sa kamay niya pero nagpumiglas siya.

"Ako na. Kaya ko naman." Mahina ang pagkakasabi niya nun.

"Yiiee, I'm out of this. Babush!" Sa isang iglap, nakapasok na si Kaede sa loob ng van katabi ng asawa niya sa driver seat.

"Tss! May kaya bang nahihirapan?" Parinig ko saka matagumpay na nakuha sa kamay niya ang travelling bag. Papalag at kukunin na sana niya ulit kaya binuhat ko ang travelling bag at nilagay sa compartment pati na rin ang travelling bag ni mom.

"Athena, bayaan mo na si Kuya. Halika na!" Napailing nalang ako sa sinabi ni Kaede. Kapatid ko ba talaga yun? Ba't parang lahat sila kampi sa kanya? Psh!

Pagkatapos ma-settle ko na ang lahat, saka ako pumasok. Bahagya pa akong nagulat nang makitang ang bakanteng upuan nalang ay katabi ni Athena. Ang nasa likuran ay sina Levin at Astheria na kanina pa tahimik kaya aakalain mo nalang na wala sila rito.

Ayaw nga sanang sumama ni Levin ngunit nung nalaman niya na sasama si Astheria, bigla nalang um-oo. Weird. . .

Umupo nalang ako dahil wala naman akong choice. Nakita ko pa sa rearview mirror ang pagngisi sakin ni Zares at pagkindat ni Kaede. These twoㅡ!

Nagheadset nalang ako habang nagbabyahe kami papuntang resthouse namin at kina Zares. Oo, parehas may resthouse dito ang pamilya namin at pamilya ni Zares.

****

"Aba, ang dalawa mga tulog mantika! Bagay nga!" Rinig kong boses ni mommy kaya naalimpungatan ako. Kumunot ang ulo ko nang maramdaman ang bigat sa kaliwang bahagi ng balikat ko.

"What theㅡ" naiusal ko dahil nangangalay na ako sa pwesto ko.

Narinig ko nalang na may suminghap at biglang gumaan ang balikat ko. "S-Sorry..." Napalingon ako.

There. I saw Athena scrubbing her eyes. Halatang kagigising lang. Agad akong lumabas at nadatnan ang nanunudyong tingin ni mommy na nakadungaw pala samin. "Ano na naman, mom?"

"Wala! Ikaw talaga! Tawagin mo na si Athena."

"Momㅡ" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang titig ni mommy. Para bang nag-uudyok yun na gawin ko ang sinabi niya. Hays! She did this on purpose. Bumalik akong loob at tatawagin sana si Athena nang makita kong wala na siya sa loob kaya nilingon ko ulit si mom. "Momㅡ" napatigil ulit ako dahil nakita ko lang naman si Mommy kasama si Athena at talagang nakalingkis pa ang braso ni mommy kay Athena. Napasimangot ako. Aping-api na ako ni mommy ah! Hindi naman siya ganito sakin dati. Alagang-alaga pa nga ako eh, tss!

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now