18

36 1 0
                                    

Chapter 18

Daren

3 years later...

"Woahhh! Shot puno!" Sigawan naming lahat sabay tungga bote ng beer.

Nagkayayaan kasi kaming magkatrabaho para magbar. Mga kapwa engineers din sila na nakasama ko sa iisang field.

"Happy birthday, Engineer Alonzo!" Nagulat ako nang bigla nilang sigaw.

"You know my birthday?" Gulat kong tanong.

"Liane, told us it's your birthday today. Kaya naman, napagdesisyonan naming magpunta dito at isama ka." Sabi ni Engineer Colin.

Napailing ako. Liane is my friend. I met her 2 years ago nang magpunta akong Europe for a quick vacation with Kaede and Zares kasama ang kanilang bulilit na 1 year old lang noon, ngayon ay mag 3 na. Ang bilis ng panahon. May 3 years old na ang mag-asawa habang ako ay..... hays!

Nagkakilala kami ni Liane dun dahil na-snatch siya na timing namang nakita ko kaya tinulungan ko siya. Mula noon, naging magkaibigan na kami. She's a good person kaya naman ayos lang sakin na maging kaibigan siya.

"Hi, boys!" Sulpot ni Liane sa gilid ko. "Happy birthday, Ren..." Bahagya pa akong natigilan dahil sa tinawag niya. Pero kalaunan ay ngumiti ako.

"Thanks, Yan." Yan tawag ko sa kanya short for Liane.

Nagkasiyahan lang kami pero wala akong balak magpakalasing dahil magagalit si mom.

Nang magbandang ala-dos na ay napagdesisyonan naming umuwi.
"Ren, pwede pasabay? Nagtaxi lang kasi ako papunta rito kasi flat ang gulong ng kotse ko."

"Sure, hop in!" Pinausad ko na ang kotse. Habang nagmamaneho ako ay nagpatugtog naman si Liane.

"Thank you, Ren." Nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa pisngi.

"What are you doiㅡ"

"Pasalamat lang. Bye, ingat!" Natulala ako sa kawalan ng ilang segundo bago pinausad paalis ang sasakyan.

Sa tatlong taon na nakalipas, wala akong naging girlfriend. Ewan ko ba, gusto kong ibaling sa ibang babae ang atensyon ko ngunit hindi ko magawa. May kung ano sakin na mas mabuting huwag na munang magirlfriend. Siguro trabaho talaga ang prioridad ko ngayon.

Nang maging kaibigan ko si Liane, kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan. Kahit pa halos araw-araw na kaming nagkikita dahil palagi niya akong binibisita sa site kung saan ako nagtatrabaho. Minsan nga napagkakamalan kaming magjowa pero I just simply said to them na friends lang kami ni Liane.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nilapitan ni Kaede. "Kuya...." Aniya na parang may nangyaring hindi maganda.

"What's wrong?" Pati ako kinakabahan na rin. "Kaede, what's wrong?"

"She's back."

Nangunot ang noo ko. "Who's back?"

"Athena..." Nawala ang pagkunot ng noo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahil sa naramdaman, umigting ang panga ko at kumuyom ang kamao ko. Naramdaman ko ring naging matalim ang tingin ko.

"Kuya, you okay?" Kaede asked dahil nakita niya ang matalim kong tingin kaya agad gumaan ang mukha ko.

"Silly, where's mom?"

Gulat ang rumehistro sa mukha ng kapatid ko. "Wait, bakit wala lang sayo?"

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now