4

53 3 0
                                    

Chapter 04

Daren

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Magmamadaling araw na pero hindi parin matanggal sa isip ko ang nangyari kahapon. Bumabagabag parin sa isip ko ang inakto niya at ewan ko sa sarili ko kung bakit apektado ako dun.

"Baka naman nagsawa na siya at na-realize na kahit anong pagpapapansin niya ay hindi siya magtatagumpay." Sabi ko sa sarili ko pero iba ang ini-react ng katawan ko. "Dapat nga masaya ako diba kasi hindi na niya ako pepestehin sa araw-araw! Pero.. bakitㅡhays!" Inis akong tumagilid ng higa. "Tsk! Ano bang nangyayari sakin?"

Pumikit ako pero ng maramdamang nanghapdi ang mata ko sa kakapikit, bumangon nalang ako at lumabas ng kwarto.

Natigilan pa ako ng madatnan ko si Mommy sa dining. "Mom, ang aga niyo atang nagising ngayon?" Nilapitan ko siya saka hinalikan sa pisngi.

"Oh, good morning, handsome. Wala lang, namimiss ko lang ang daddy mo. Isang taon na pala siyang nakakulong sa ibang bansa." Naging malungkot ang tono ng boses niya.

Bumuntong-hininga akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Sorry mom, wala pa kaming mahagilap na ebidensya laban kay Fuentes. Na-miss ko rin si Dad."

"No Daren, it's not your fault. Kung andito lang ang daddy mo I'm sure sobrang proud yun sayo dahil isa ka na talagang ganap na lalaki. Independent ka na eh. At malulungkot ako dahil mag-isa na pala ako dito sa bahay mula mamaya."

"Yiiee, si mommy nagdrama haha. Don't worry mom, lumipat lang ako at hindi naglayas. Araw-araw kitang pupuntahan dito at pwede mo rin akong puntahan sa condo."

"Haha, of course. Tama na nga ang drama ang mabuti pa magluto na ako."

"Buti pa mom, makakain man lang ulit ng luto mo bago ako lumipat."

"Okay, okay. Maligo ka muna habang nagluluto pa ako." Tumango ako saka umakyat sa kwarto ko.


Athena

Kakagising ko lang nang matanggap ko ang text ni Amber.

From: MyTwin💜
Sis, umalis na ako ng maaga dahil may gagawin kami sa school at nagkita pa kami ni Maxyl. Kumain ka na, pinagluto na kita. You're welcome. Love you, sis. Take care!

Pansin ko nitong mga nakaraang araw, palaging busy si Amber. Well, alam ko naman ang tungkol dun sa grupo nila. Magpupusta sila na akitin ang lalaking target nila tapos kapag ang lalaki ang unang nahulog, panalo sila.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang pustahan nila. Parang may galit lang sa lahat ng mga lalaki.

Napailing akong pumunta sa kusina. Hindi naiiba ang ginawa nila sa pinanggagawa ko ngayon. Ang naiiba lang ay may pustahan sila samantalang ako, para makamove-on.

Muli ko na namang naisip si Jamie. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nung lumipat kami dito. Hindi ko maiwasang isipin kung ayos lang ba siya, masaya ba siya.

"Syempre masaya siya. Siya na mismo nagsabi sayo na napapasaya siya ni Melissa!" Pagmamaktol ko. "Ang unfair lang, dahil ako.. nandito parin yung sakit sa puso ko habang siya patuloy na nagsasaya." Kaya gagawin ko ang lahat para makalimot.

Napangiti ako nang makita sa lamesa ang paboritong pagkain ko. Ito siguro ang niluto ni Amber.

Nagutom ako bigla nang maamoy ko ang mabangong amoy ng atay. Yup, isa sa paborito kong Filipino food ay atay. Napangiti ulit ako ng sa wakas, natikman ko ulit to after so many years.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Où les histoires vivent. Découvrez maintenant