24

40 1 0
                                    

Chapter 24

Daren

"Kailan po siya magigising, doc?" Alalang tanong ni Kaede sa doctor.

"I can say maybe tomorrow. Let's just wait. Marami-rami rin siyang nainom ng tubig kaya naman hindi siya magigising agad." Sabi ni Doc Calvin. Kaibigan ni Daddy.

"Oh my god! Kasalanan ko to eh! Napahamak si Athena ng dahil sakin. Kung sana hindi ko siya pinilit na pumunta sa bahay edi sana hindi mangyayari sa kanya to." Napabuntong-hininga nalang si Zares ng umiyak ang asawa niya.

"Babe, it's not your fault. I'm sure ayaw din ni Athena na sisihin mo ang sarili mo. Don't worry, she'll be okay." Pag-aalo ni Zares.

Ako naman, nakatitig lang sa kanya habang nakaratay siya sa kanyang hospital bed. I admit, I was worried as fvck! Nang makita ko siya kanina na hinihila ni Kaede sa pool ay agad ako nakaramdam ng takot.

FLASHBACK

Nandito kami ngayon sa kitchen, sinasamahan ko si Liane na kumain kasi nga na-late siya ng dating. Actually, hindi ko siya ininvite, I mean, nakalimutan ko siyang imbitahin. Nagulat nalang ako kanina na nag text siya sakin kung pwede ba daw siyang pumunta rito so I said yes.

"I'm done. Thanks for the company, Reno." Sabi ni Liane. Since nung nalaman namin ang katotohanan tungkol sa kabataan namin, tinatawag na niya akong Reno. Gusto ko rin naman siyang tawaging Tina kaya lang, parang ayoko... parang hindi ako komportable so I remained calling her Liane.

"You sure, you're done?" Paniguro ko.

"Yes. Um, punta lang akong living saglit."

Dahil sa may iniisip ako, tango lang ang isinagot ko. Naiwan nga akong nakatulala sa kawalan at hindi mawala sa isip ko ang nakikita ko kanina.

Why do I suddenly feel like I'm missing her? After I saw her dancing earlier, I had this urge to come closer to her and hug her. Fvck! Please, stop! Damn it!

"Oh tulala ka naman jan." Sulpot ni Peter. "Jowa mo ba yung Liane?" Intriga niya.

"No!" Sagot ko agad.

"Talaga? Pwede kong jowain kung ganun? Si Athena sana kaso sabi ni Zares may nagmamay-ari na daw kaya kay Liane nalang ako." Aniya na nakapagpatigil sakin. Zares said those? Who's he referring to?

"Jowain mo si Liane kung gusto mo." Hindi ko namalayang lumabas sa bibig ko.

"Talaga? Sige tol, Sabi mo yan ah!" Masayang umalis ang kaibigan ko atsaka ko napagtanto ang sinabi ko. Napailing nalang ako dahil dun.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now