15

40 1 0
                                    

Chapter 15

Athena

"Hey..." Hinalikan agad ni Daren ang noo at tuktok ng ulo ko. "You okay? Anong sabi ng doctor."

Tinitigan ko lang siya at parang gusto ng kumawala ng mga luha ko. Kaya pinilit kong ngumiti at kagat labing hinarap siya. "Ano... ayos lang ako. Napagod lang daw saka anemic din kasi ako hehe.." Bumakas naman ang ginhawa sa mukha niya. Oh god, I can't! I just can't hurt him. I just can't leave this loving face!

"Thank god! You ready?" Inalalayan niya akong tumayo.

"Hmm.." sagot ko. Makakauwi na kasi ako sa bahay at si Daren naman dumiretso agad dito pagkatapos niyang magpunta sa site nila.

Kanina, pinuntahan ni Astheria yung doctor na nagcheck sakin para pakiusapan na isekreto ang kalagayan ko at wag ipagsabi sa kung sino mang magtanongㅡlalo na si Daren.

"Babe, are you happy?" Natigilan siya sa biglang tanong ko at tiningnan akong may pagtataka. "Being with me... are you happy?",

"Of course! I'm with you and you're with me so there's no way I am not happy." He cupped my face. "Baby, what's wrong? Bigla ka nalang nagtanong na masaya ba ako sayo."

"Wala lang. Ako kasi sobrang masaya dahil akin ka. Abot-langit." Lambing ko. Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko kaya niyuko ko ang ulo ko at kunwaring idinantay sa balikat niya para di niya makitang namumula ang mata ko.

"I love you," Malambing at malambot niyang pagkakasabi kaya napalunok ako habang kagat ang labi.

"I.. l-love you so much, Daren." Pasimple kong pinahiran ang pisngi ko. "Please be happy... even if I'm gone." Bulong ko sa hangin para hindi niya marinig.

"Ano yun, babe?"

Inangat ko ang ulo ko at nginitian siya ng matamis. "Ang sabi ko, mahal na mahal kita, sobra! Pa-kiss nga!" I kissed him and he responded.

****

Nandito ako sa school ngayon upang asikasohin ang kakailanganin ko dahil nga aalis akong bansa. Naintintindihan ng mga teachers ang sinabi koㅡyung hindi totoo, nag-isip lang ako ng ibang dahilan at buti naintintindihan nila ako.

Pagkatapos ay pumunta akong coffee shop ng pauwi na ako. Habang nag-oorder, nagulat ako ng may kumalabit sakin.

"Aurora, it's you!" Tinig ng isang taong sinumpa ko noon dahil sa panloloko niya pero syempre wala na sakin ngayon kasi nga may Daren na ako.

Kumirot ang puso ko sa naisip. Oo nga pala, iiwan ko na siya kaya hindi na siya sakin pero sana... sana hindi siya maghanap ng iba at hintayin ako.

"Aurora?"

"Jamie, what are you doing here?"

"Um.. attending my father's meeting." Kaswal lang kami sa isa't isa na parang walang pinagdaraanan. "But I'll fly back later." May business na din sila dito?

"Really? So how are you?" Wow, Athena ha? Really? Tinanong mo pa talaga yan? Syempre masaya na ang gagong yan!

"Not good.. actually." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Aurora, I've missed you. I've been missing you and I regret what I did to you."

"Oh c'mon Jamie, you can't just do that. You hurt me big time and please, let's not bring up the past."

"I still love you, Aurora. Please come back to me. I realized I don't like Melissa, it's you who I really like. I was just blinded by my needs. Please!" Humigpit ang hawak niya. Napatingin ako sa paligid at nakitang pinagtitinginan na kami ng mga tao. Gosh!

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now