12

51 1 2
                                    

Chapter 12

Daren

Nakaupo ako ngayon sa sofa, nagbakasyon kasi kami sa Palawan ng mahigit isang linggo. Bonding daw naming pamilya, since ngayon lang ulit kami kompleto at ngayon lang nagka-free time si Mommy. Dito lang sa resthouse kami nanatili.

Naramdaman kong may tumabi sakin. "Kuya, sino nga pala yung babae sa picture na nasa wallet mo?" Tanong ni Kaede. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong kung saan niya nakita ang wallet ko. "Um... naiwan mo ata kagabi sa kwarto ko kaya tiningnan ko hehe.."

"She's my... she's my childhood friend." Nakangiting usal ko habang inaalala ang memories ko noong bata palang ako.

"My childhood friend ka pala? Ang ganda ah! Asan na siya ngayon, kuya?" Excited pa n dagdag ni Kaede.

Ang ngiti kong matamis ay napalitan ng pait. "Wala na... She's gone."

"Ano? Umalis ba? Hindi mo ba alam kung saan siya nagpunta?"

"Kaede... she's gone, she died when we were kids." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Kaede at parang na-guilty pa dahil tinanong niya. Natawa ako at ginulo ang buhok niya. "Namatay siya dahil sa sakit niyang tumour."

"Sorry.."

"Wala na yun, okay? Matagal na, mga seven or eight lang ata ako nun." Naalala ko pa dati tuwing umiiyak siya sa tuwing sumasakit ang ulo niya. Brain tumour kasi ang sakit niya at wala man lang akong maitulong nun para maibsan ang sakit na nadama niya.

Kahit masakit, nagpapasalamat narin ako na tuluyan na siyang nagpapahinga. Kesa ang makita siyang araw-araw umiiyak habang sinasabunutan ang sarili dahil sa sakit.

"Anong pangalan niya?"

Bumalik ang ngiti ko dahil sa tanong ni Kaede. "I called her Thena and she called me Reno. Actually... she was my first love. I even promised to her I will only love her and marry her kapag malaki na kami."

"Alam mo kuya, kung andito lang siya, masaya at proud siya sayo. Ang dami mo kayang natulungang mga tao."

"Yeah.. I broke my promise though."

"Ano naman yun?"

"I promised to her I will only love her but it seems like... I can't keep that promise."

I heard Kaede gasped of what I said. "OMG! You mean... inlove ka? Kay Athena ba?"

Napatingin ako sa kanya. Sumimangot ako at bahagyang tumango. "I don't know kung bakit ganito bigla. Ginamit lang naman niya ako pero ewan, hindi parin ako makaramdam ng galit!"

"Because you love her! And I'm sure Tina will surely happy for you."

Malalim akong bumuntong-hininga.

Ilang araw ang nakalipas at nagtake narin ako ng board exam. Ngayon, bumalik na kaming Manila at napagdesisyonan kong lapitan si Athena. Bahala na!

Pero naramdaman ko namang iniiwasan niya ako. Kapag lumalapit ako ay agad siyang lumilihis ng daan. Siguro iniisip niyang galit ako dahil sa ginawa niya.

Alam ko rin na hindi alam ni Athena na nakatira na ako sa unit na kaharap ng unit niya. Sinadya ko ring wag magtagpo ang landas namin pag sa hallway para hindi niya malaman. Nang sa ganung paraan man lang ay makita ko siya ng di niya alam.

Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng balita na nakapasa ako sa exam at magkakaroon na ako ng project sa kompanya nila Zares. I'm an engineer by the way.

Lumabas akong unit para bumaba ng makita ko si Athena na may kasamang lalaking hindi ko kilala at mukhang papasok pa sila sa unit niya. Nangunot ang noo ko dahil mukhang close na close pa sila.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now