16

40 1 0
                                    

Chapter 16

Daren

"Engineer, it turned out na may galit sa inyo si Engineer Amarillo kaya sinabotahe niya ang project niyo." Napakunot-noo ako sa narinig.

"What? I barely know him, bakit siya galit sakin? And it's so childish of him to do such stupid thing dahil lang galit siya na hindi ko alam ang dahilan!" I said while looking at the papers kung saan nakalakip ang naging problema namin.

"Um... may narinig lang po akong sabi na kaya galit sa inyo si Engineer Amarillo dahil daw nagkagusto sayo ang girlfriend niya."

Napailing ako. "Tss! It's now my fault, huh? Kaya mahirap maging gwapo." Nakuha ko pang magbiro. "But please let him know he has nothing to worry about. As if I'm interested in other girls where in fact I have my girl already."

"Yes, engineer. And don't worry we will be sure this time na hindi na ito mauulit." Umalis na ang assistant kong lalaki kaya napabuntong-hininga ako.

I need this to be done! I have to go to Athena. Kailangan kong bumawi sa isang araw na wala ako sa Maynila kasi nga na-busy ako dito.

Kagagaling pa naman niya sa ospital kailangang nasa tabi niya ako palagi.

Kinabukasan

"How is it going?" Tanong ko habang sumimsim ng kape.

"It's slowly getting better, engineer. Kaya na po namin to. Honestly, ayos na po kami dito kaya pwede na kayong bumalik sa Manila."

"I really want to but I know I can't. I still have to monitor the project."

Habang kumakain ako for breakfast ng may nagtext sakin. At nakaramdam ng excitement ng makitang galing kay Athena.

Pero ang excitement na iyon ay agad ding napalitan ng takot nang mabasa ko ang text niya.

From: My Baby♥️
Maghiwalay na tayo.

My hands trembled as I read her message. Wala sa sarili akong napatayo at agad kinuha ang susi ko. Tinawagan ko rin ang number niya pero di ko siya ma-contact.

W-Whatㅡoh fvck! She's kidding, right? Fvck! She's not serious, yeah, she's not serious.

Pagkapasok sa kotse ko ay agad ko yung pinausad. Hindi na ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali ko.

"Babe, please answer your phone! I know, I know you're making fun of me." Napamura nalang ako ng muntik pa akong may masagasaan. Buti nalang nakapreno agad ako.

Grabeng kaba ang nararamdaman ko na parang nakipagkarera sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

****

"Babe! Babe? Athena, where are you?" Katok ako ng katok sa unit niya habang nagsisigaw. "Please open the door. Babe!"

"Ay ser, bakit ngayon lang kayo?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang janitor na may dala pang mop.

"Why? Um... alam niyo po ba kung saan nagpunta ang nakatira dito, manong?"

"Naku umalis po kanina. Nakaimpake po e. Gerlpren niyo po yung babae diba?"

Mas dumoble ang kaba ko. "Y-Yes, she's my girlfriend. Do you knowㅡI mean, alam niyo po ba kung saan ang punta?" Alam kong tinanong ko ang tanong na imposibleng masagot ni manong pero nagbabakasali pa rin ako.

"Sa tingin ko papunta iyong ibang bansa. Kung hindi ako nagkakamali, may dalang passport ang kasama ng gerlpren niyo. Nagmamadali pa sila habang may dalang mga bagahe. Ay sege po, maglilinis pa ako."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now