14

51 1 0
                                    

Chapter 14

Athena

Naging mabilis ang panahon at isang buwan na ang nakalipas simula nung nalaman naming ikakasal na si Kaede.

At sa buwang nakalipas, masasabi kong hindi perpekto ang relasyon namin ni Daren dahil wala naman talagang perpekto pero kahit papano ay naging kontento at masaya kaming pareho. Andun parin yung awayan at tampuhan pero hindi naman natatapos ang araw ng hindi namin naaayos.

Nagiging busy na si Daren dahil kailangan niyang matutukan ang project niya at ganun din ako dahil finals na namin.

"Heto naaaaa!!!" Sigaw ng isang bakla na nakapagpapukaw sakin.

Napalingon ako sa bumukas na kurtina at nakita dun si Kaede na nakangiti. Ang ganda niya sa suot niya. Bachelorette party kasi niya ngayon bilang huling araw na dalaga siya kasi bukas na ang kasal niya.

Yung party ng ikakasal na bride diba may mga macho dancer na sasayawan siya kasi nga last day niya bilang single. Pero sa kay Kaede ay walang ganun na magaganap. Knowing her fiancé Zares Keiv Fillion, possessive iyon sa lahat ng bagay pagdating kay Kaede.

"Athena! Bilis, ikaw na!" nakapakurap-kurap nalang ako ng hilahin ako ni Kaede patungo sa kinaroroonan nila Nally, ang pinsan ni Zares Keiv.

Nakangiting binigay sakin ni Nally ang isang basong puno ng beer. Napakacreepy talaga ng babaeng to, maangas kasi! Katulad sa kambal ko. Speaking of which, ayun may date na naman ang kambal kong yun. Naku! Hindi na talaga sila napaghiwalay ng boyfriend niyang si Levin.

At hindi ko pa siya naipakilala kay Daren. Hays! Masyadong conflict ang schedule nung babaeng yun.

"Inom na!" Sigaw bigla ni Kaede.

"Ang dami naman!" wala na akong nagawa dahil ngayon lang din naman to at kami-kami lang.

"WOOHOOO!!" Sigaw nila ng maubos ko ang isang baso. Napangiwi ako sa paint at anghang. Uminit din ang lalamunan at tiyan ko.

First ko kasing makainom ng beer dahil wine lang naman ang pinapainom samin sa Australia kapag may okasyon dun.

"Nice." Rinig kong sabi ni Nally at pinuno ulit ang baso. "Oh!" Inabot niya yun kay Kaede na nanlaki ang mata.

"P-Pano kung malasing ako? Baka hindi ako makasipot sa kasal namin." Taranta niyang turan. Natawa kaming lahat.

"Gaga. Isang baso lang. Saka alas 10 pa kasal niyo. Oh!"

Kahit nagdadalawang-isip ay nilagok din ni Kaede ang beer.

Nagkakantahan at nagsasayawan kami na parang mga baliw. Sumasabay sa tugtog ng musika sa club na iyon. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin at narinig ko pa iyong nagmura.

Naalimpungatan ako dahil sa init ng araw na tumama sa mukha ko. "A-Ahh!" Napasapo ako sa noo ko ng maramdamang sobrang sakit niyon.

Napamulat at napatingin ako sa kabuuan ng kwarto. Nasa condo na ako, sino nagdala sakin dito?

Habang sapo ang ulo ay pinilit kong bumangon. "Ahㅡshet!" Napalingon ako sa pinto ng bumukas yun.

At dun pumasok ang lalaking bagong ligo pa. Napanguso ako ng tinaasan niya ako ng kilay.

"Sakit ng ulo ko..." Pagpapabebe ko.

Lumiit ang mata niya habang nakatingin sakin. "Sino nagsabing uminom ka? Naglasing ka pa talaga."

"Baby, masakit ulo ko." Pagbabaliwala ko sa sinabi niya. Napabuntong-hininga siya at inilahad ang kamay.

"Drink this. Pampawala ng hungover. I cooked you soup para mas lalong mawala hungover mo." Aniya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now