5

48 3 0
                                    

Chapter 05

Daren

"Mom, I'll call you later. Bye!" Dali akong tumakbo patungo sa back door.

Hingal na hingal akong tinakbo ang kotse ko. Shit! Bakit siya napadpad dito? Paano niya nalaman ang address ng bahay namin? Sinundan ba niya ako kanina?

Ito na naman ang weird feelingsㅡumaatake na naman. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko. She's a bad influenceㅡindeed! Tsk!

Nang makasakay ako sa kotse ko, dali kong idi-nial ang number ni Zares. Pinaandar ko muna ang kotse.

["Hello?"] Bungad ni Zares.

"Bro, asan ka ba? Pucha, hanggang dito sa bahay sinusundan ako ng babaeng yun. Bro, tulungan mo naman ako oh!" Daling sabi ko.

Natawa naman siya. ["Grabe naman yang stalker mo. Ang swerte mo sa kanya dahil sa dami ba namang ibang lalaki jan ikaw talaga ang gusto niya."]

"Tsk. Don't say that! Kinikilabutan ako!" Literal na tumaas talaga ang balahibo ko.

["Nandito ako sa apartment ni Kaede."]

Dahil sa narinig ay napangisi ako. "Ay, ikaw ah! Grabe ka talagaㅡ" narinig ko bigla ang pagtawag na baby ng stalker ko. "ㅡay pucha, sige na bro. Punta nalang ako jan."

["Ano? Wag mong subukan, Daren. Pano kungㅡ"] pinutol ko na ang linya dahil nakita kong papalapit na siya sakin.

"Shit!" Pinausad ko ang kotse na ikinaluwag ng paghinga ko.

Buti nalang, alam ko na kung nasan ang apartment ni Kaede kaya dun nalang ako tumungo.

****

Nagulat ako sa nasaksihan ko ng makarating ako sa apartment ni Kaede.

Nalaman na ni Kaede ang katotohanan. Ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niyaㅡna ng dahil kay Zares.

"Explain!" Matigas na sabi ni Kaede. Kitang-kita ko rin ang luha sa mga mata niya. Alam Kong nasasaktan siya dahil boyfriend niya si Zares at mahal niya ang mga magulang niya. "I wanna hear your side too.."

Lihim akong napangiti. She's really so kind. Hindi siya katulad ng ibang tao na hindi nakikinig sa mga paliwanag at inunang mag-conclude kahit nasasaktan siya.

Napatingin ako kay Zares, sobrang pula ng mga mata niya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang umiiyak ng ganito pagkatapos ng nangyari kay Ailee. Kaya alam Kong hindi niya kakayaning magpaliwanag.

"Kaede, yung mga panahong yun, andun ako. Bro, let me explain to her." Sabi ko.

"No, ako dapat angㅡ" bigla nalang siyang pumiyok.

"Ako na. Alam kong hindi mo kakayanin." Kaya ayun, ako na ang nagpaliwanag kay Kaede. Humingin na rin ako ng tawad sa kanya dahil may kasalanan din ako.

Nang matapos ako, nakatulala lang siya sa hangin. Akala ko nga hindi niya naintindihan pero nagulat ako ng sabihin niyang naiintindihan niya ang karanasan ni Zares.

Pero agad akong napatingin kay Zares ng hilingin ni Kaede wag muna kaming magpakita sa kanya.

Atleast, alam kong hindi niya iiwan si Zares. Naiintindihan ko ang galit niya kaya nagpasalamat ako na ito lang ang hiniling niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now