When In London

2.7K 64 7
                                    

Mika

It has been three months since I left the Philippines. I'm getting used here in London together with Thomas and Ara. Sila Thomas kasi, may parang bahay dito sa London kaya sa kanila kami tumuloy ni Ara. Currently studying my Masterals here in Cambridge University while my bestie is working for the same company we have in the Philippines. Mostly pinagkakabusyhan ko lang naman is my studies here. I have my goals and priorities. Ayaw ko namang mapunta lang sa wala yung desisyon kong iwan yung pinakamamahal ko.

"Daks, mamaya nga pala gigimik kami nitong si Thom. Sumama ka naman, wala ka ng ibang ginawa kundi mag-aral eh!" Ara told me while we were in the kitchen. Taga-luto kasi siya, ako taga-kain. Simula kasi ng nagpunta kami rito, school-bahay lang talaga ako. I'm not open for relationships nor dating.

"Kaya nga, Mika. Hindi ka ba nabobored sa pag-aaral? C'mon you need this, too." Thomas added.

"Kayo na lang, love birds. Ayokong magmukhang third wheel sa inyo, no!" Bumalik na lang ako sa kwarto at nagreview. It's a Saturday night yet here I am, studying.

Dala na rin siguro ng boredom, I quickly opened my phone and opened Facetime. Namimiss ko na kasi sila Mama at Papa. Yes, they know where I am. Hindi ko naman kayang patayin sa pag-aalala ang mga magulang ko kaya pinaalam ko sa kanila kung nasaan ako.

"Potchi!! Anak, akala ko hindi ka tatawag!" Maiyak-iyak pa si Mama from the other line.

"Pwede ba namang hindi ako tumawag?" I chuckled. Kasama pa ni Mama si Mikole at Miko.

"Papa!! Nandito si Mika, dali!" "Diba nasa London yan?" Natawa naman ako ng marinig si Papa.

"Hi Papa! Miss mo na damulag mong baby?" Naiiyak ako pagdating kay Papa.

"Oo. Kasi yung baby ko, magkakababy na rin pala." Sabi naman sa akin ni Papa. Yes, you guys heard it right! I'm actually conceiving my first child. Hindi ko na siguro kailangang i-mention pa kung sino ang ama.

"Papa naman! Pinapaiyak mo ako eh!"

"Sige na Ye, gabi na diyan. Alam mo namang bawal kang mapuyat diba?" Mama said good bye. I returned to my notes.

Ara suddenly barged in my room, "Buntis, yung pagkain mo na-microwave na namin ha. Wag ka na magbukas ng pinto, may susi kami ni Thom."

"Sige, thank you ha. Umuwi kayong dalawa!" Paalala ko sa baliw kong best friend.

"Pag-iisipan nalang namin Miks, eto kasing si Ara, gusto na rin ng baby. Naiinggit yata sayo." Thomas interrupted while laughing.

"Made in London baby namin ni Ara!" Dagdag pa ni Thomas kaya nabatukan ni Ara.

"Oh siya, bye na Mika at sa baby mong Made in Maldives!" Ara and Thomas went out for a while. Ang laki talaga ng utang na loob ko sa kanilang dalawa kasi sila yung tumutulong sa akin dito. Niloloko nga nila ako na ipaampon ko daw sa kanila yung baby ko kaso baka daw kamukhang kamukha ni Kiefer paglabas.

Even though I'm here in London, I still know all the fuzz and buzz in Kiefer's public life. Pinapanood ko mga games nya sa PBA, mga guestings, lahat. Finofollow ko pa rin sya sa twitter at instagram pero hindi na kami naguusap. So this is what fangirling feels like. You're simply liking your idol from afar. As for me, hindi lang simple like eh kundi so much love for him. Kung fangirl man ako ni Kiefer, ako siguro pinakaswerte dahil naanakan niya pa ako. Joke!

My iPad rang twice, it's a Facetime request from Dani.

"Oh Dani? Why did you call?" She looks so worried kasi.

"S-si Manong, ate. Napa-away na naman sa bar." Dani stated. Simula ng umalis ako, si Dani na ang parang naging mga mata ko kay Kiefer. Eto namang pasaway kong ex, bar hopping dito, away doon, hindi na nga daw priority ni Kiefer ang basketball mgayon eh. At doon ako mas nasasaktan. Kasi yung bagay na mahal na mahal niyang gawin, binabalewala na niya ngayon dahil sa nasasaktan siya sa nangyari sa amin.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now