The Other Woman

3.9K 107 13
                                    

Alyssa

"I can't believe this!!!"

Kasama ko si Denden at Ella ngayon sa condo ko at dito kami nagpasyang uminom. Nabigla kasi ako sa nalaman ko kani-kanina lang kaya napainom ako ng wala sa oras. Kiefer is already engaged to Mika again. Take note, AGAIN.

"Besh, tama na." Agaw ni Ella sa baso ko ng tequila. I started to cry hard when everything else sank in. "Ano, ganon na lang yun? Iiwan nya ako ng basta-basta, walang closure, tapos biglang may magbabalita sa aking engaged na siya!" Di ko matanggap kung paanong naging sila ulit. Diba babalik pa siya? Eh bakit ganon?

"Ly, ano ka ba? Sabi naman kasi namin sayo ni Ella, minsan hindi kailangan ng closure. Hindi pa ba closure yung umalis sya?" Denden scolded me. Nakatulala lang ako, iniisip kung anong gagawin para lang bumalik sa akin si Kiefer. I want him so bad. I want him back.

"P-pero bakit niya ako iniwan ng walang dahilan?" I said. Tuloy tuloy ang agos ng luha pababa sa mata ko. Never akong nasaktan ng ganito, sa kanya lang. Sobrang sakit na parang wala ng natira sa akin, ibinuhos kong lahat eh, akala ko kasi may babalik pang kahit konti galing sa kanya.

"Sometimes, the absence of reason is the reason for you to leave. It is also true that the absence of closure, is sometimes, the closure itself." Ella patted my back twice. Hindi ko deserve 'to. I have to put up a fight for someone I love.

"Kung mahal mo, ipaglaban mo. Habulin mo, hatakin mo pabalik sayo, kung kailangan. Hindi yung iaasa ko lang sa hangin kasi hindi siya babalik ng ganun-ganun lang." I winced. Sobrang sakit para sa akin na ipagpalit ako ng ganun kadali. Ang dali ko namang mapalitan, I chuckled at my own drunk thoughts.

"I was there when nobody else was. I loved him through his worst nights, through his darkest dreams, even through his downfall. I never left his side since day one..." I took a deep sigh before continuing.

"... and Yes, I loved him completely despite the fact that he never did." I continued crying. Si Denden naman ang sumagot, "Naririnig mo ba sarili mo, Aly? You loved him completely despite the FACT THAT HE NEVER DID! For God's sake, let him go!"

"Kailangan bang ipamukha pa namin sayo na hindi ka niya mahal? Aly, this is not you! Tama ng makita ka naming wasak na wasak ngayong gabi. Pero yung ipaglaban mo pa, sinasabi ko sayo, ngayon pa lang talo ka na." Ella walked away at nagpunta sa terrace ng condo ko.

Yung buong relasyon at pagsasama namin ni Kiefer, pwede ko siyang ikumpara sa pag-aayos ng sira-sirang salamin na basag-basag na. Inayos ko yun hanggang sa mabuo kahit ako na yung nasusugatan at nasasaktan. Pilit kong binuo at inayos ulit yung wasak sa puso ni Kiefer kahit ako na yung nahihirapan. All along alam ko namang hindi niya ako ganun ka-mahal eh. Hindi ko nga alam kung talagang minahal nya ako eh. Ramdam ko yun, na kahit ako yung nandyan, ang puso at isip niya na kay Mika. Babae rin ako, alam ko kapag mahal talaga ako ng isang tao. Hinihintay ko na matutunan niya rin akong mahalin. Hindi naman imposible yun diba? Na mahalin ka nung taong mahal mo pabalik.

"Hindi nyo kasi ako naiintindihan! Mahal ko lang si Kiefer at gagawin ko lang kung ano yung dapat na matagal ko ng ginawa." Denden and Ella narrowed their eyes at me. "That's your life. Sinabihan ka na namin." Ella said at saka umalis ng condo. Kaming dalawa na lang ni Denden naiwan sa loob.

"I am your best friend, Aly. You know that. But I just can't take it, seeing you get hurt over and over again. Mag-usap na lang tayo kapag natauhan ka na. But for now, you have to be strong without us." Denden also went out, crying. Alam ko naman yung gagawin ko ay magiging worth it din someday, so I'm ready to risk anything for love.

***

Kiefer

"One week akong mawawala dahil dun sa seminar na kailangan kong umattend. Ikaw bahala kay Liam ha?" Papunta kami ni Mika sa Cainta, sa bahay nila Mama para doon muna kami ni Liam. Seminar kasi ng baby kong Architect for a week sa Cebu kaya ako ang in-charge sa pagbabantay sa unico hijo namin.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now