Their Distinct Universe

3.8K 92 18
                                    

After two years...

Mika

Another chaotic morning here in our house in London. Magulo na naman, bago pa ba yon? Talak pa lang ni Ara at pagtatalo namin ng anak kong si Liam, siguradong disaster na. Nagkakahirapan na naman kami nitong si Liam, ayaw kasing gumising.

"Liam, wake up na."

"Baby, it's already 7. We need to go somewhere."

"LIAAAAM! Gising ka na!!!"

"Liam Travis! Wake up!" Hinila-hila ko na ang kumot pero si Liam ay tulog na tulog pa rin.

"Mama, please. I want to get more sleep." Liam mumbled. Aba't lalo pang natulog? Kaya tinabihan ko sa kama at kiniliti. "Wakey! Wakey!"

"Oookay Mom, I'm up!" Sabi pa ni Liam with his cutest british accent. Three years old na ngayon si Liam ko, at masaya ako kasi hindi niya ako kinukulit tungkol kay Kiefer. Ewan ko pero biglang parang nawala sa memories ni Liam ang daddy niya. Di ko naman yan na-brain wash no, sadyang di na niya naalala si Kiefer.

"Why do I have to get up this early?!" Reklamo pa ni Liam sa akin. "It's seven in the morning, Mama. I should be sleeping!" Sigaw pa ng brat kong anak.Umagang umaga nakabusangot mukha ng batang to, kaya nahahawig sa ama niya eh.

"Hmph! Manang mana ka talaga sa ama mo! Tamad, reklamador, antukin! Ugh, bwiset!" Inis kong sabi habang nagpaplantsa ng damit naming mag-ina para sa embassy mamaya.

"What's bwiset, Mama?" Inosenteng tanong sa akin ni Liam habang nagkukusot ng mata. Medyo natawa naman ako kasi yung bwiset talaga ang napansin niya.

"Don't you dare say it! That's bad, do you understand?" Nakatitig lang sa akin si Liam at ngumiti ng nakakaloko sabay sabing, "Bwiset, bwiset, bwiset, bwiset, bwiset!!!"

"Liam, that's bad! Okay?" Lumuhod ako sa harap niya at kinausap siya ng maayos.

"Why are you saying that word if it's bad, Mama? Are you bad too?" Pagpapacute sa akin ng anak ko. Hay, pilosopo ka Liam. Kanino ka ba nagmana? Di naman pwedeng sa akin, di naman ako pilosopo eh.

"It's kind of an expression. Now, go and take a bath, baby!" Hinalikan ko pa sa pisngi si Liam. Pero inirapan lang ako.

"I'm not a baby anymore!" Pagmamaktol habang nakapout pa.

"You will always be Mama's baby, okay?" I told him. Niyakap naman ako ni Liam. "Yes because I love you Mama!"

"I love you too, anak!"

Naligo na si Liam at ako naman ay lumabas na sa kwarto at sinamahan si Ara at Raffa na kumakain din ng breakfast.

"Daks, ngayon schedule niyo sa embassy diba?" Tanong ni Ara habang nagbabasa ng periodicals.

"Oo. Nako, baka nga malate kami ni Liam eh. Ang bagal kasing kumilos!" Sagot ko naman.

"Aalis na pala tayo dito, no." Malungkot na sabi ni Ara habang tinitignan ang buong bahay. Kahit naman ako, nagkaroon na rin ako ng emotional attachments sa bahay na tinirhan namin ng four years.

"Oo nga, next month aalis na tayo.." Dagdag ko pa. Natigil ang pagkkwentuhan namin kasi tapos ng maligo si Liam at bibihisan ko na.

Nasa kwarto na ako at naisipan kong kausapin ng masinsinan ang anak ko. Liam is still clueless about my plans. Pinaplano ko na kasing umuwi sa Pilipinas dahil tapos na ang pinatayo kong bahay para sa aming dalawa ng anak ko at itatayo na namin ni Ara, Carol, Cams, at Cienne yung pinapangarap naming Construction Firm. Nakapag-ipon na kasi kami at binalak naming magtayo ng sarili naming kumpanya.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now