Stay With Me

5.3K 117 19
                                    

Mika

"Anak, wake up na. It's your first day of school." Mahinahon kong ginising si Liam. Ang baby ko lalo pang siniksik ang mukha sa unan nya. 5:15 AM na, may pasok sya ng 7 AM. Traffic pa man din palagi sa Katip.

"Mama, I don't wanna go to school!" Reklamo ni Liam na tulog na tulog pa din. Kuhang kuha nya talaga pati kung paano matulog si Kiefer, yakap na yakap sa unan eh.

"You need to go to school. Bangon na, Liam Travis." Isa ko pang sabi sa kanya at dahan dahan na syang ginigising. "Tss. I don't want nga Mama!" Nagtalukbong pa ng kumot. Pasaway!

"Liam, gigising ka o itatago ko yung PS 4 mo?! Choose!" Halos sigawan ko na para lang magising. Sabay tayo naman ang batang 'to at diretso sa dining area.

"I'm gising na oh!" Nag-belat pa sa akin! Bully!

I prepared his favorite pancake and bacons. Sa baon naman nya, fried chicken and rice para maubos nya.

"What's the name of my school, Mama?" Liam asked while we're eating breakfast together.

"Ateneo De Manila University. Yun kasi yung pinakamalapit sa atin, kaya dun ka mag-aaral." I explained. Tumango-tango sya sa akin. "You studied there po ba Mama?"

"No, I'm from La Salle. Boys' school ang Ateneo." I told him at kain lang ng kain si Liam.

"Is Arrheneyow that big?" Conyong sabi ni Liam sa akin. Oh alam nyo na kung kanino nagmana ah.

"It's Ateneo not Arrheneyow." I giggled. Kumunot lang ang noo ni Liam, "I said it right naman ah!" After ng breakfast, inasikaso at binihisan ko muna si Liam bago ako mag-ayos ng para sa work ko.

My phone was ringing, it's Kiefer calling. Excited din 'to because I informed him that it is Liam's first day of school. Gusto daw nyang ma-witness maging Blue Eagle ang anak nya mismo. Daming alam eh.

Nagulat siguro kayo bakit parang normal na lang, well, nag-truce muna kami ni Kiefer. Bati kaming dalawa para kay Liam. We're trying to work on the relationship pa, pero si Liam muna ang inuuna namin. We see to it na kung para kay Liam, dapat buo kami. So we're friends, but more than that. Mahirap i-explain, alamin nyo nalang!

"Hello? Bahay pa kami. Gusto mong kausapin?" I said. Inabot ko kay Liam yung phone at naka-speaker para naririnig ko pinaguusapan nila. Minsan kasi may kalokohan yang mag-ama na yan eh, ako pinagtitripan.

"Hi Daddy Kiefer! I'm ready to go to Arrheneyow!" Masayang bati ni Liam kay Kiefer over the phone.

"It's Ateneo, anak. Are you excited?" Tanong naman ni Kiefer.

"Medj lang po. I'm still sleepy pa eh!" Tamad na tamad si Liam na umupo. Conyo talaga eh, 'medj lang' daw.

"I will be the one to bring you to school, okay? Wait for Daddy ha!" Binaba na ni Kiefer yung tawag. Hindi ko mapigilang mapangiti pag nakikita ko yung mag-ama na ganun ka-sweet o ka-close. Kiefer is right, they have that one special connection ni Liam. Malapit na rin naman kaming mabuo bilang pamilya, ramdam ko yun.

Tinapos ko na yung paghahanda ng pagkain ni Liam dahil naririnig ko na yung mga tawanan ng mag-ama sa labas ng bahay. Naabutan ko naman yung moment na sinusuklayan ni Kiefer si Liam at nag-gigilan pa sila ng pisngi. Hay, ang cute ng dalawang lalaki sa buhay ko!

"Oh, let's go na. Mama is there na pala." Kiefer said at tinulungan nya si Liam na makasakay sa SUV nya. I sat on the shotgun seat. Ang ingay nilang mag-ama buong ride papuntang Ateneo! Samantalang ako, inaayos ko ang schedule ko this week dahil ako ang maghahatid sundo kay Liam. Baka nga dalhin ko nalang yan sa Office after class nya eh.

Truly, Madly, DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon