New Love

3.2K 99 22
                                    

Kiefer

A year has passed. I still can't believe that a year can actually bring a lot of changes. I've moved on and I'm ready to start anew with somebody else. Natuto na rin ako sa mga nangyari sa amin ni Mika and I hope where ever she is right now, sana masaya din siya like me. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa twitter, "We meet a lot of persons in this world. Either they are blessings or a lesson." Siguro isa si Mika dun sa mga taong minsang naging blessing sa buhay ko at ngayon isa na rin siyang lesson dahil mas natuto ako kung paano mas mahalin ang sarili ko. Live in the now, not in the past. Hindi ko naman siguro masasabing hindi ko na mahal si Mika, pero mayroon at mayroon pa rin siyang puwang sa puso ko.

"Hon, nasa airport na po ako." I answered the phone. Di ako nagkakamali, siya na nga yung tumatawag.

"Yes, hon. I'll be there in a bit." Binaba na rin niya yung phone dahil ayaw nga kasi nun na gumagamit ako ng phone habang nagmamaneho.

Ang tagal din naming hindi nagkita, naging busy kasi siya sa career niya. Kaya ngayon na lang din kami ulit magkikita. We became together two months ago. Masaya, pero kasi lagi kaming Long Distance Relationship dahil na rin sa commitments nya pero naiintindihan ko naman.

I parked my car before waiting for her in the Arrival Area. Hindi na rin nagtagal, I saw her waving there kaya pinuntahan ko na.

"Hi, honey! Missed me?" She leaned in for a hug. Yumakap na rin ako sa kanya. Clingy eh.

"Oo, ano tara?" I helped her with her luggages and she held my hand. Sa aming dalawa, siya talaga yung mas sweet. Siguro nature na niya talaga yun.

"Hon, gold medalist. Ehem ehem!" Sabi pa sa akin ni Aly ng makasakay na kami ng sasakyan ko.

"You make me so proud, hon." Tipid kong sabi at sa nagdrive na ako habang si Aly naman ay kwento ng kwento sa mga experiences niya sa Thailand. Nakangiti lang ako the whole time, pagod na rin kasi ako galing training kaya medyo wala akong imik.

"Hon, ang tahimik mo. Di mo ko miss." Aly pouted. Pagod lang kasi ako talaga, sana naiintindihan niya yon.

"Wag naman ganyan hon, miss kita syempre." I smiled. Ngumiti na rin siya.

We had dinner somewhere na gusto ni Aly. Tahimik lang ako, as always at si Aly ang naguuplift ng mood. Ganito kami parati. Hindi ko rin alam kung bakit pero palaging parang may kulang.

"Sige na Ly, uwi ka na. Hatid na kita." She nodded and followed me to the car. Two months na rin kami ni Aly pero palagi lang kaming ganito. No surprises, no couple shoes, no sweet things. Basta alam ko, mahal ko si Aly. Or mahal ko nga ba talaga?

I should be happy with her. She makes me happy and feel so special. Minsan nga feeling ko ako ang nagkukulang sa kanya. Sa aming dalawa, mas madalas pang si Aly ang nageeffort. Nahihiya ako sa kanya pero ganun talaga siguro yun.

Mahal ko si Aly, iyon na dapat ang gawin ko.

I went home only to see Thirdy and Pauly in my room. Ano na namang ginagawa ng mga bugok na to dito?

"Papi! You up for tonight?" Tanong agad sa akin ni Thirdy.

"Boys' Night Out ano, G?" Isa pang tanong ni Pauly. Napangiti na rin ako at nagpasyang sumama sa kanila.

"Aracama o Valkyrie?"

***

Mika

"Liam!!! Stop running." Nandito ako at nakikipagpatintero sa british accent kong anak. Nakakaloka, palibhasa one and a half year old na ang batang 'to, nakakapaglakad at nakakatakbo na nga.

Truly, Madly, DeeplyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu