Sorry I'm Late

3.9K 89 17
                                    

Mika

"Hello? Billie!"

"Mikang, kanina ka pa namin hinihintay! Nasaan ka na ba?"

"Sinugod ko kasi sa ospital si Liam, inatake na naman ng asthma niya. Sorry, hahabol talaga ako. Promise yan."

"Oh sya, aantayin ka namin ha. Sabihin mo na lang kung makakahabol ka pa o hindi. Kiss Liam for Tita Billie nalang." Binaba ko kaagad ang cellphone ko at bumalik na naman ako kay Liam na ngayon eh nasa recovery room na. Inaatake na naman siya ng Asthma niya at sinabayan pa ng pagbalik ng Anemia. Nagcollapse kasi si Liam kanina bago ako umalis.

"Miss Reyes? Are you the mother of the child?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap ang doctor.

"Yes, Doc. Bakit po?"

"Lumalala ang asthma ni Liam. Kasabay pa niyan, ang baba ng red blood cells niya. He needs to undergo therapy para maging cure sa Asthma at we need to secure a blood donor for hin. Mahirap na, baka lalo pang makulangan ng dugo ang bata." Napaisip naman ako agad kung sino ang possible donor. Kaya hindi agad nasasalinan ng dugo si Liam dahil blood type nya ay AB. Isa sa pinaka-mahirap hanapan ng donor.

"Doc, hindi ba ako pwede? Kahit ako nalang magdonate sa kanya." Tanong ko naman.

"Hindi kasi match ang blood type nyo. Sorry, Miss Reyes." Iniwan kami ng doctor sa kwarto ni Liam. Yung anak ko, tulog pa rin habang nakakabit yung nebulizer sa kanya at may oxygen tank pa. Hindi naman sakitin si Liam pero grabe lang pag inatake ng asthma at minsan sumasabay pa nga yung anemia niya. One of the reasons kung bakit ayaw kong masyadong mapagod si Liam or bakit hindi ko siya pinapalaro ng strenuous activity like basketball. Pero anak nga talaga ni Ravena ito, dahil kanina naglaro sila ni Tito Miko nya ng basketball kaya ayan, inatake ng asthma.

Inantay ko lang sumunod sila Mama para sila ang magbantay sa baby ko at nagising na rin si Liam maya-maya.

"Mama, why are you crying?" Sabi ni Liam na kakamulat pa lang ng mata.

"No, I'm not. I just waited for you to wake up." Nginitian ko si Liam para hindi rin siya matakot sa sitwasyon niya.

"Okay. I'll be fine Mama, I don't want you to worry so much." Ang sweet naman ni Liam. Niyakap ko si Liam at saka nagpaalam. Bago kasi siya i-discharge sa ospital, dapat may siguradong donor na muna siya ng dugo.

From Makati Med to Ayala Alabang, inabot lang ng 45 minutes. Buti na lang may mga tao pa dun sa sinabi ni Billie sa akin na wedding boutique dahil inaasikaso na ang gowns ng entourage.

"Sorry, I'm late! Hehe, hi Bills!" Bati ko sa kanilang lahat at nginitian naman nila ako.

"Guys, siya ang aking Maid of Honor. Kayo na bahala sa kanya ha?" Sabi pa ni Billie sa mga nananahi. Sinukatan na agad nila ako ng gown na isusuot ko. Pagkatapos nun, magpapaalam na sana ako kay Billie dahil nga si Liam, may sakit pa.

"Huh? Mika, just stay for another hour. Please? May cotillon kasi sa wedding ko eh. So we need to practice it. Pleaseee?" Hindi na ako nakasagot kay Billie at tumango na lang sa kanya. Mangungulit lang kasi to so pinagbigyan ko na. "Thanks!! Well, paparating na rin naman si Best Man so magkakaroon ka na nga ng partner. Any minute, parating na yun."

Dumating na yung instructor namin sa cotillon, pero wala pa rin yung Best Man ni Billie. Ugh. Kainis, napaka-punctual naman ng lalaking yon. Since wala pa akong partner, tinawagan ko pa muna si Mama na nasa ospital to check on Liam. Okay naman daw at may nabili na silang dugo sa blood bank at iyon muna ang isasalin kay Liam.

"Sorry, I'm late!" Napatingin ako sa may doorstep only to see the Best Man who is obviously running late. Napalunok na lang ako dahil ano ba naman itong pinasok ko para kay Billie?

Truly, Madly, DeeplyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang