Laboracay

5.8K 118 22
                                    

Mika

"Hi ate Cyd!!! Oh, what brings you here?" Bati ko kay Ate Cyd na pumunta ngayon dito sa Firm namin. Siguro magpapatayo ng bahay.

"Yeye! Miss kita, nasaan yung iba?" I let her sit for awhile. "Ah, lalabas na rin yun sa kanya-kanyang office nila." After a minute or so, naganap na nga ang small reunion ng Lady Spikers.

"ATE CYD!!! Gosh, ang tagal nating di nagkita!" Ara said while squishing Ate Cyd in her embrace. Close talaga ang dalawang yan eh.

"Arabella, gumanda ka yata lalo." Pagbibiro pa ni Ate Cyd. Kilig naman si Ara dahil napuri sya.

"Kami naman ah... ATE CYD!!! Saan ka bang lupalop nagtatago? Namiss ka namin!" Said the Cruz twins at kayakap na rin si Ate Cyd.

"Mga 'to, malamang volleyball pa rin! Hello?!"

"Ate Cyd, kung networking ang pinunta mo rito, makakaalis ka na." Carol said that made us all laugh.

"Mga baliw! Hindi no, I just wanna invite you guys. Support nyo naman ako at si Kimmy and the rest of the players sa Nestea Beach Volleyball Camp. Hindi nalang Collegiate Competitions yun eh, even Professional Volleyball players nakasali." Ate Cyd explained to us. Nagtinginan muna kaming lima bago sabay sabay na sumagot ng, "Laboracay? G!"

Pagkaalis ni Ate Cyd, nagkaroon kami ng mini meeting dito sa office.

"Okay. April 30 alis natin, so dating natin dun gabi na ng April 30." Cams explained. Sya kasi ang may hawak nung airline tickets na bigay ni Ate Cyd.

"Tapos, party party na ng May 1! Woooh!" Sabay na sigaw ni Ara at Carol.

"Then balik din natin ng May 2, ganun ba?" I asked at tumango lang si Cams.

"Wait, buhay single ba tayo dun?" Pagtatanong pa ni Ara. Baka isama nito si Thomas eh!

"Uhm, tinawagan ko na si Papa Rex. Sasama daw sya." Landi ng Carol na 'to! I looked at the twins at mukhang may di rin sinasabi.

"Hehehe, Arnold's with me." Cienne said while doing the peace sign.

"Si Kib, mauuna na dun... but magkikita rin naman kami." Cams.

"Isasama ko na lang si Thomas kung ganyan!" Ara said.

"SABI NA NGA BA EH! AKO LANG SINGLE DUN!" I said, kunwaring nagdadrama.

"Duh, eh kung yayain mo si Ravena?!" Sabay sabay pa nilang pang-iinis sa akin. Palibhasa nakwento ko sa kanila yung happenings nung nakaraang linggo. Nabuhay muli ang Miefer hearts nila.

"NO WAY!" We decided to go shopping for our Laboracay getaway. Kaya nag-half day kaming lima at sabay sabay namili ng mga swimsuit. Kailangan yan no, para sa mga ootd worthy photos!

After our crazy shopping, umuwi na ako sa bahay para ipagpaalam kila Mama na sa kanila ko muna iiwan si Liam.

"Liam, behave ka kila Mamita ha. Wag pasaway okay? I love you, anak." I kissed him good bye bago iwan kila Mama. Naiiwan ko naman si Liam eh, pero sa kalagitnaan ng Bora trip, alam kong ma-sepanx ako sa batang yan.

"You behave too in Boracay. I know you love me. Bye Mama!"

***

Kiefer

"PBA Champions, woot woot!" Sabay sabay na cheer ng mga tao ng pumasok ang buong team namin sa Aracama. A couple of weeks ago, we won the title against Rain or Shine. Ngayon na yata yung Victory Party namin, sobrang late na nga eh.

"Everyone! Listen!" Panimula ni Coach sa amin. Ano kayang sasabihin?

"Napag-usapan ng Board to give you your well deserved vacation. So, be ready because we will be celebrating Laboracay!!!" Nagsigawan at tawanan ang lahat sa ka-conyohan ni Coach. This is the life!

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now