Gotcha!

4.4K 106 21
                                    

Mika

Six months na kaming nakatira dito sa Pilipinas ni Liam. Yung bahay na pinatayo ko sa White Plains, doon kami nagsstay dalawa. Dun na kasi nakabili ng bahay at lupa si Ara at yung Cruz sisters kaya doon na rin ako kumuha ng matitirhan.

Saturday morning, napag-isip isip kong maglinis nung bodega namin. Kami lang dalawa ni Liam dito plus si Mikole na dito sa Manila nagaaral. Part time Yaya na rin ni Liam si Mikole eh. Tinutulungan ako ni Mikole na magligpit sa bodega ng biglang pumasok si Liam na may dalang box.

"Baby, maalikabok yan. Put it down." Sabi ko kay Liam. Mahirap na, baka atakihin pa ng asthma ulit.

"No, Mom. I want to help you." Liam said. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at pinagpatuloy ang pagaayos.

Maya-maya pa, napansin kong mga pictures pala ang tinitignan ni Liam. I sat beside him pero di yata ako napapansin ng baby boy ko.

"Mama, who is he po?" Liam can somehow speak Filipino and he can now understand it as well. Hawak pala niya yung polaroid picture namin ni Kiefer nung kami pa. Nasa Universal Studios kami nun, in Singapore. Kinuha ko yun sa kanya at saka ko tinitigan. We look very happy in that picture. All smiles, nakasandal pa nga ako sa balikat niya. By looking at that, malalaman mo kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

"Mom, bakit po ikaw naiiyak?"

"No, Liam. Hindi naiiyak si Mama." I patted his head. Akala ko titigil na si Liam but he suddenly asked me, "Siya ba Daddy ko?"

"Liam, sama ka muna kay Tita Mikole. Play tayo sa garden." Mikole said and carried Liam. Naramdaman din siguro ni Mikole na awkward kaming mag-ina. Sumama naman agad si Liam sa kanya.

Iniwan ko si Liam kay Mikole at nakipagkita ako sa bullies. Buti na lang at available silang lahat dahil kailangan ko ng makikinig sa akin. Sa loob ng six months stay ko dito, hindi pa ako nakakapagkwento sa kanila. As in zero. Di nga nila alam na nagkita na kami ni Kiefer ulit eh. May kanya-kanya rin kaming pinagkakaabalahan para sa pagbubukas namin ng sarili naming architectural plus business firm.

Dun kami nagtipon-tipon sa bahay ng kambal. Si Cienne ang nagbukas ng pinto sa akin. Pagkapasok ko ng bahay, nakaupo si Ara sa sofa at ang sama ng tingin sa akin. Si Camille naman, nakatayo sa may inuupuan ni Ara at naka-dagger look din ang loka. Si Carol naman, ayun at may hawak pang baseball bat at masama rin ang tingin sa akin. Si Cienne naman, pinatay ang ilaw at tumabi na sa mga bullies.

"ANO NA NAMANG KATANGAHAN ANG GINAWA MO?!" Sabay sabay nilang sigaw sa akin.

"Chill lang mga beh, pwede akong magkwento?" Sabi ko at umupo sa tapat nila. Interrogation ang peg dahil may ilaw pa sa gitna namin. May inilagay si Carol sa coffee table, isang box ng tissue at yung baseball bat.

"Carol, para saan yan?" Tanong ko pa.

"Ah iyan? Yung tissue, pag naiiyak ka na. Yung baseball bat, ihahampas namin sayo pag puro katangahan pinaggagawa mo this past few days." Sabi ni Carol at bumalik sa upuan nila.

"Guys, nagkita kami ni Kiefer." mahinahon kong sabi. Tahimik sila nung una pero nagsalita naman ng sabay sabay, "ANO?! NAGKITA NA KAYO?!" Di naman sila shocked ano?

"Oo. Pwedeng wag sumigaw?" Paalala ko sa kanila. "Nagusap na rin kami, tungkol kay Liam." I continued.

"Wag mong sabihing may kapatid na agad si Liam?!" Maiyak-iyak na sabi ni Cienne.

"Gaga! Wala. Usap usap lang may nabuo agad?" Umakto pa akong hahampasin si Cienne. "Peace, naexcite lang ako. Oh ano pinagusapan nyo?"

"Nanghingi sya ng chance." I breathe. Magsasalita na sana ako ulit ng sumingit naman si Camille, "OMG ONE MORE CHANCE ANG PEG!!!" Ayan kaya sinalpakan ko ng tissue sa bibig.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now