She is Back

3.5K 93 11
                                    

"Manong! Did you know?"

"What is it, Dan?"

"She is back."

***

Mika

Boarding our plane to the Philippines. Liam was too excited na hindi siya nakatulog buong araw dahil sa plane din naman papatulugin ko siya. Mautak talaga eh. Ara is with Raffa din kaya may kausap si Liam during the waiting time. Nakasakay na kami ng plane at ready na for take off. Liam was seated next to the window dahil gusto daw niyang makita ang clouds.

"Mama, can you hold my hand? I'm kinda getting scared." Nginitian ko naman si Liam at nilahad ang kamay ko sa kanya. Napapansin ko rin kasing inaantok na sya kaya sinandal ko yung ulo niya sa may balikat ko.

"Try to go to sleep, Liam. It will be a long journey home." I kissed his forehead. Bumalikwas naman si Liam at tinignan ako. "I wonder what dad looks like..." Iniba ko na ang direksyon ng tingin ko dahil alam kong ginagawang paraan ito ni Liam para magkwento ako tungkol sa daddy nya.

"Moooom, please tell something about dad. Pleaaaase?" Sinisiksik pa ni Liam ang mukha niya sa may kili-kili ko at nangulit.

"Okay, Liam. Stop." Natatawa ako kasi ayaw talaga akong tigilan. "In one condition!" Sabi ko pa at kumunot ang noo ni Liam sa akin.

"I will tell the story in Filipino. Is that okay with you?" Halatang inis si Liam dahil hindi pa siya masyadong nakakaintindi ng Filipino language. Though nagpapractice naman siya noon pa, pero hirap na talaga.

"Okay. Fine." He snorted.

"Si Daddy mo, kamukha mo yun. Maputi ka nga lang." Natatawa ko pang sabi.

"Tay-luh-guh? Dad is my ka-mow-ka?" Hirap na hirap na sagot sa akin ni Liam kaya lalo pa akong natawa ng magtagalog siya. He is really trying dahil ayaw daw niyang ma-left out sa Pilipinas.

"Oo. Tapos naglalaro din sya ng basketball nung college palang kami." I continued. Naging interested si Liam ng marinig nya yung basketball eh.

"Is he good in basketball?"

"Oo naman! Phenom pa nga ang tawag sa kanya nun eh." Nagkaroon tuloy ng mini Throwback Thursday sa isip ko.

"Phenom? What does that mean?" Tanong ni Liam na tila wala talagang naintindihan sa mga sinabi ko.

"Phenom is something like phenomenal. Magaling talaga si Kie-- I mean yung daddy mo." Tumango tango pa si Liam. Muntik ko ng masabi ang pangalan ni he-who-must-not-be-named. Kundi lalo akong kukulitin ni Liam pag nalaman niya yung pangalan.

"I want to be like my dad. He's starting to be my idol." Gusto kong isagot kay Liam na, "Your dad had me at 'uy, idol'." Nako Liam, wag mong i-idolize yung lalaking hindi tayo piniling makasama. Masakit.

Nakatulog na rin si Liam afterwards. Ako naman ang hindi makatulog. Nakaramdam kasi ako ng takot. Handa na ba ako if ever na magkita na si Kiefer at Liam? Paano ko ipapaliwanag kay Liam na kaya hindi namin nakasama yung daddy niya ng ilang taon dahil hindi kami pinili ni Kiefer? Na mayroon ng buhay si Kiefer noong panahon na iyon at hindi kami parte ng kung anong meron na si Kiefer.

Natakot tuloy ako dahil baka hanggang ngayon may grudge pa rin sa akin si Kiefer. Galit? Pwede. Sa lahat ba naman ng sinabi ko sa kanya nung huli kaming nagusap eh. Halos itaboy ko siya at ilayo si Liam sa kanya. Hindi ko naman intensyon na ilayo o ipagdamot si Liam sa kanya, ang akin lang, hindi ganun kadali balikan kung anong wala na. Ano ba si Liam? Parang tuta na iniwan ng ilang taon tapos pag binalikan nya siya na magulang? Hindi naman ako papayag na maging madali lang ang lahat sa aming dalawa, lalo na kay Liam. Ayokong masaktan ang anak namin, tama ng ako lang ang parating nasasaktan, wag lang si Liam.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now