Who is who?

2.3K 59 23
                                    

Kiefer

"DADEEEEE!!!! Hi, kiss ko?" Salubong agad ni Summer sa akin. She's definitely my sunshine kaya tamang tama ang naging pangalan nito eh. Kakauwi ko lang from training, buti nga hindi masyadong late eh.

"Aww, syempre. Kiss mo si Dade sa cheeks!" Pinuno talaga ni Summer ng kiss ang magkabilang pisngi ko. Inawat kami ni Mama dahil handa na daw ang dinner.

"Summer, wash your hands. Napakadumi oh!" Rinig kong saway ni Mama kay Summer. Nako, baka naglalaro na naman yan sa labas ng di pinapaalam sa akin.

"Dade, may kwento ako sayo." Bulong sa akin ni Summer habang nilalagyan ko siya ng kanin sa pinggan. "Ano yun, nak?"

"May bata akong nakita sa park. Pakasungit. HAHAHAHA!" Sagot sa akin ng anak ko. Tuwing nakikita ko siyang tumatawa ng ganyan, she reminds me of her mother.

"Oy Dade! Nakikinig ka ba?" Pinisil ni Summer yung ilong ko kaya napatingin ako sa kanya at nawala saglit sa isip ko si Mika. "Oh tapos, ano nangyare?"

"Edi nakipagfriends ako! Tas eto pa malupit... DI SYA MARUNONG MAKIPAGSHAKE HANDS PFFFTAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Humagalpak sa tawa si Summer kaya tumawa na rin sila Mama, Papa, at Dani na kasabay namin magdinner.

"Ano ba pangalan niya?" Nakisali pa si Dani sa usapan.

"Hmm.. Amy? Amelia? America? Ewan Tita Dan, basta parang ganun. Hahahaha!"

"Summer Sapphire, nasa harap ka ng dinner table. Prim and proper, apo." Turo pa ni Mama kay Summer pero biglang nag-burp ang anak ko. Di ako nagtuturo diyan ah!

"Ah hehe, excuse me!" Uminom na si Summer ng tubig at tumayo na. Kami nila Papa ang naiwan sa dining area.

"Ilang taon na nga ba ulit si Summer?" Tanong sa akin ni Papa. "She'll turn six sa February, Pa."

"Ang laki-laki na niya. Sa bagay, she's a school girl already!" Maiyak-iyak pang sabi ni Mama. Palibhasa kasi, siya ang sobrang hands on kay Summer kaya ganyan. Sa Miriam College nag-aaral si Summer dahil iyon ang malapit sa amin.

"Manong, siguro kung nandito si Autumn---" "Ma, Pa, Dan. Pahinga na po ako. Summer, let's go upstairs?" Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Dani dahil nagpaalam na rin ako. Ayokong marinig yung sasabihin ni Dani. Ayoko.

Tinulungan ko si Summer mag-wash up para matulog na rin siya. Feel na feel pa niyang bakasyon siya eh. Well, in two months pa naman. August pa ang start ng school.

"Dade, nasaan ang mame ko?" Nagpout pang tanong sa akin ni Summer. Di naman ito yung unang beses na tinanong ako ni Summer ng ganyan eh.

"Nasa stars." Malokong sagot ko sa kanya pero binato niya lang ako ng tooth paste. "Di ka havey, dade."

Inirapan pa ako ni Summer bago mangulit uli, "Saan nga?"

"Nak, di ko rin alam eh. Ikaw ba alam mo?"

"Luh si Dade parang timang. Itatanong ko po ba kung alam ko?" Tinawanan ko lang si Summer. Bully rin eh.

"Kilala mo ba ang mame mo?" Lumuhod ako para magkatapat na kami ni Summer. Nag-nod siya at sumagot, "Opo! Si Mika Aereen Marcaliñas Reyes! Yung Taft Tower, Darling of the Crowd, yung dating Lady Spiker no. 3 na middle blocker.. Yung naging model na rin! Diba dade? Siya yun diba?" Hanep tong anak ko! Fangirl ba 'to? Oy baka tinuruan niyo to ah! Kilala naman talaga ni Summer kung sino ang Mama niya, di ko naman pinagkait sa kanya yun. At kahit sa pictures lang nakikita ni Summer si Mika, masayang masaya na siya at mahal na mahal daw niya ang Mame niya.

"Dami mong alam no?" Ginulo ko pa ang buhok niya bago siya buhatin papasok sa kwarto niya. "Si Tita Dani kasi eh, lagi niyang pinapakita sa akin si Mame ko sa iPad niya." I know Dani loves Mika that much. She took very good care of Summer when Mika left us. "Pero, diba patay na si Mame...so nasa heaven na siya..." Mahinang dagdag ni Summer sa sinabi niya. Malungkot siyang ngumiti sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truly, Madly, DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon