Dinner for Two

4.5K 111 19
                                    

Mika

"Napakatanga ko ano? Sobra. Sagad sagad na sa buto." I scold myself in front of my dear friends. Nakauwi na kami from Bora at ito nga at nasa work na kami. Pinagtatawanan naman nila akong apat dahil simula ng pagbalik namin dito sa Manila, paranoid na ako sa mga nangyayari sa akin. "What if buntis ako? Hala! Naman kasi eh?!" I cried again. Tinatawanan lang ako ng mga bruha kong kaibigan.

"Oh, you're being emotional. Tsk tsk, hormones na yan!" Cams said na parang tinatakot ako. Hindi kasi talaga ako matahimik matapos yung pinaka-magulong weekend ng buhay ko!

"Yan kasi, iinom inom tapos hindi naman kaya!" Dagdag pa ni Cienne sa akin. True enough, hindi ko talaga kaya sarili ko pag nalalasing. May kung anong sumasapi sa akin na nagiging wild ako pag nahahaluan ng alcohol yung utak ko. Kinuha ko yung isang slice ng pakwan na hiniwa kanina nila Carol.

"Wow! Sharap ng watermelon. Gusto nya guys?" Alok ko sa kanila pero tumanggi. "Para na lang yan sa mga buntis na naglilihi!" Sabi ni Cienne, referring to me and to Ara. Wait, di pala ako confirmed na buntis!!!

"Pero, Miks. What if mabuntis ka nga? You're gonna tell him this time?" Ara asked me. Napaisip tuloy ako sa tanong niya. Ready na ba akong maging mother ulit? Kay Liam nga nahihirapan na ako pero kinakaya ko naman. Kakayanin ko naman yun syempre, I hope this time, mas maging maayos nga lang.

"Oo, ewan. Basta sasabihin ko rin naman. But not now." I uttered. Parang nadisappoint sila sa sagot ko dahil napasimangot sila.

"Ye, kelan? Pag college na si Liam, tas debutante na yang laman ng tiyan mo if ever??? Kaloka!" Carol said. Hay, grabe. Hindi ko na alam. Speaking of Kiefer, walang tigil yun sa pangungulit simula ng di na kami nagkita sa Bora. Text, call, sama mo na yung Viber, tanong ng tanong kung okay lang ako or what. Pakiramdam nya kasi mayroon syang responsibilidad sa akin. No worries, well, depende kung may laman na nga ulit yung tummy ko.

"Bakit kasi ayaw mong mag-take ng pregnancy test?! Para malaman mo na, habang maaga pa." Suggest naman ni Cams sa akin na kumakain na rin ng pakwan.

"Eh, wala naman sigurong nabuo." Tanggi ko kaagad. Nagtawanan naman sila, "Parang di mo naman kilala si Kiefer, mahilig pa man din mag-clutch yun!"

***

Kiefer

"Tangina ang gulo!" I threw the ball towards Thirdy. Napalakas yata. He walked closer to me and said, "Ganun na lang yun, Manong? It all ends in Boracay?" Lokong 'to. Napaamin kasi nila ako kagabi nila Pauly, kaya ayun walang ligtas. Pero syempre hindi naman detailed ang pagkakwento ko.

"Thirds, pang-ilang seen zone na ako for today. Alcohol lang yun kaya bumalik yung feelings kuno niya sa akin." I aim for the basket and shoot.

"Akala ko pa naman idol kita. Tsk tsk tsk." Nakangising sabi sa akin ni Thirdy. Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagpractice ng shooting.

"You know what happened between Billie and I before?" He started. Nakikinig lang ako sa kanya. "I was blinded. Nung nawala kami, sinabi nya na hindi na niya ako mahal, na ayaw na nya akong makita dahil nga I cheated on her. But, I was persistent. Tignan mo naman kung nasaan na kami ngayon." Pagmamayabang pa sa akin ni Thirdy. He has a point. Bakit di ko kasi subukang ligawan ulit si Mika? Courage, Kief. That's all you need.

"Eh halos itaboy nga ako parati ni Miks eh. Nakakapanghina ng loob kaya." I looked down. Tuloy tuloy ang pagtulo ng pawis ko pero hindi ko pinansin yun. Nagpatuloy lang ako sa shooting.

"Man, I've been through the worst. If she's easy, she ain't worth it." Iniwan ako ni Thirdy sa gym. Nag-ring naman bigla ang phone ko kaya sinagot ko ito.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now