That Thing Called Tadhana

4.6K 119 31
                                    

Mika

Monday. Pagdilat ko palang ng mata ko, parang ayoko ng bumangon. Naalala ko kasing Monday ngayon, ang simula ng pagtatrabaho ko para sa Ravena Corporation. Yes, tatlong bars ang ipapatayo niya sa amin, and I will be the Architect. Saya diba?

"Mama, wake up! Let's go jogging!" Liam pulled my sheets and made me stand. Niyakap ko kaagad siya and gave him kisses, "Good morning baby!"

Nagpalit lang ako ng damit pang-jog at ready na rin si Liam. Lagi talaga yan sumasama every time na nagjjogging ako.

"Mama, I know who lives in that house." Turo ni Liam dun sa white and black mansion na three blocks away from our house. "Talaga? Paano mo nakilala?"

"You know, boy stuff." Hindi ko nalang pinansin si Liam at tumakbo na lang. Ang tagal ko na rin hindi nakapagjogging ng ganito. I know Liam is still following me because I can still hear his endless kadaldalan and reklamo.

"Ugh. Mama, I'm sooo tired." Tumigil muna ako sa pagtakbo at hinintay na makasabay si Liam. We're walking.

"Last lap na 'to oh, malapit na ulit sa bahay." Umupo na si Liam sa may gutter at ang sama ng tingin sa akin. Hahaha, pagod na nga 'to. Inalalayan ko syang tumayo ulit, "Let's go home?"

Sa hindi kalayuan, nakita ko na naman sya. He's wearing that neon green jacket that is actually brighter than my future. Grabe, hanggang dito ba naman magkikita kami?

"Mika?" Kiefer said. Nakasalubong niya kami ni Liam pauwi sa bahay. Mukhang galing din sya sa jogging dahil pawis na pawis sya. Damn, ang hot.

"You live here?!" Irita kong tanong sa kanya. Kiefer signaled na wag na muna kaming mag-away dahil nandyan si Liam. "Uhm, baby. Uwi ka na muna ha? Maguusap lang kami ni Tito Kiefer." I instructed Liam at dali-dali namang sumunod ito. "Okay. Bye, Tito Kief."

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo kami ng anak ko?!" Balik kong tanong kay Kiefer na nakangisi ng nakakainis.

"Woah there! Hindi kita sinusundan no, diba nga ayaw mo ng magkita tayo ulit? Malay ko bang dito ka rin pala nakatira." Sagot nya naman sa akin. I rolled my eyes at him.

"Pwede ba, wag mong guluhin buhay namin ng anak ko. Mas maayos pag wala ka." Pagbabanta ko pa bago sya talikuran at pumasok na ako sa bahay.

Tinawagan ko kaagad si Ara para maglabas ng sama ng loob.

"Ugh! Dito rin sya nakatira Daks! Imagine, 3 blocks lang yung layo ng bahay namin sa isa't isa! THREE BLOCKS LANG!!!" OA kong sabi kay Ara over the phone.

"Ayaw mo nun? Neighbors. Yiheee!" Talagang nakuha pa akong asarin ng isang 'to no? Bwiset.

"Che! Sige, see you na lang sa office. Papasok ako." I dropped the call. Syempre, bago ako pumasok sa firm, inaasikaso ko muna lahat ng kailangan ni Liam.

"Mama, can I visit Mamita and Papito with Tita Mikole?" Paalam sa akin ni Liam. Kinausap na rin ako nila Mama na susunduin nila si Liam after lunch.

"Okay, be safe ha? I'll go ahead. Mikole, i-lock mo na yung pinto!" Lumabas na ako at nilagay lahat ng gamit sa sasakyan ko. Ugh, 10 AM na pala. Nagmadali akong lumabas pero nasa kanto palang ako ng street, nasiraan na yung sasakyan ko.

"Shit! Ngayon pa ba?!" I went out of the car to check the problem. Nadischarge yata yung battery. Huhuhu! Kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan si Ara na late ako today. Wow, Monday na Monday.

*beep beep*

"Ugh!! Nasiraan ako, okay?!" Pasigaw kong sabi dun sa SUV na binusinahan yung sasakyan ko. Bulag ba 'to o nangiinis lang?

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now