Wanted: Da-da

3.4K 109 30
                                    

Ara

Another magulong morning series dito sa bahay. Si Raffa naman kasi, ayaw na naman maligo! While si Mika at Liam, ayun at nagaaway din doon sa kusina. Single mom problems nga naman, pero sanay na kami nitong si Mika.

"Daks! Iiwan ko na sayo 'to si Liam ah, ikaw na lang bahala." Sabi naman ni Mika na karga karga pa si Liam. Umiiyak kasi ang cute kong inaanak.

"Oo sige, pinapaliguan ko pa si Raffa eh. Anong oras uwi mo ngayon, Ye?"

"Nako, Ars sorry. Whole day ako sa school dahil na rin magtatapos ako ng thesis. Ayoko namang iuwi pa yun dito, dahil aalagaan ko si Liam. Tatawag na lang ako ha? Sige, bye Daks! Babye Raffa!" At umalis na nga ang magaling kong best friend! Well, sanay na naman sa akin yan si Liam, at no choice naman siya dahil simula't sapul ako na ang Ninang slash Yaya niya no!

Si Raffa or Rafael Kristoffe Torres na nga ang anak namin ni Thomas. Makulit din yan at kalaro dito ni Liam sa bahay. Buti nga natulog si Raffa pagkatapos maligo kaya yun, kay Liam muna ako nakafocus.

"Raruh! Raruh!" Tawag sa akin ni Liam na nakaupo sa sofa.

"Yes po? Ano po yun?"

"Tee-vuhh!" Huh? Ano daw? Eto naman kasing anak ni Mika, masyadong slang kaya di ko magets.

"Tee-vuhh!" Ah, TV! Kaya pala dun nakaturo. Ganyan lang naman yan si Liam, nuod TV tas laro. Di naman siya mahirap alagaan. Si Raffa naman ayun parating tulog, mamaya yan mangungulit pag gabi.

Nagluluto ako ng lunch ko ng biglang may magdoorbell. Aba at paulit-ulit pa! "Saglit! Wait!" Sigaw ko pa at binuhat si Liam na nasa ilalim na ng table naglalaro. Paano naman nakapunta si Liam sa ilalim?!

I opened the door with Liam in my arms and surprised to see Thomas Torres with the whole team of Gilas Pilipinas!

"Mahal! I missed you!" Bati sa akin ni Thomas na kasama nga ang team mates niya.

"M-mahal! Hehe, anong ginagawa niyong lahat dito?!" Nasorpresa talaga ako sa pagdating nitong ugok kong asawa at kasama pa niya ang buong Gilas plus syempre si Kiefer. WAHHHH!!! SI KIEFER!!!! KASAMA NILA SI KIEFER AT BUHAT BUHAT KO SI LIAM?!?! WAAHHHH, TULONG!!!

"Pwede bang papasukin mo muna kami, mahal?" Sabi pa ni Thomas na nagpapacute pa. Oo nga pala, bisita ko sila.

"O-oo sige. Uy guys, pasok kayo." At pumasok na nga ang doseng lalaki sa bahay namin. Jusko ang kalat ng bahay, puro baby stuff. "Grabe, Ara long time no see!" Bati pa sa akin ni Jeron na hanggang ngayon ay team mate pa rin ni Thomas. Kasunod namang pumasok ni Jeron si Kiefer.

"Anak mo, Ara?" Tanong sa akin ni Kiefer na ang laki laki ng ngiti. Abot langit na yata ang pagppray ko na sana hindi ako magkamali ng sagot!

"H-hindi, anak mo." mahina kong sabi na sarcastic pa ang tono. Halata namang naguluhan si Kiefer kasi kumunot ang noo kaya bumawi ako, "Joke lang, eto naman. Anak yan ng kapitbahay ko tas pinapaalaga lang sa akin." Liar, Ara.

Mas lalo akong nagulat ng binuhat ni Kiefer si Liam. At ito namang si Liam, hindi man lang umiyak at todo sama sa Ama niya! Jusko, kakalbuhin ako ni Yeye mamaya!

"Paps, kamukha mo!" Bulyaw pa ni Von kay Kiefer na buhat buhat si Liam. Napa-hampas na lang ako sa noo ko eh. Parang gusto kong sumingit at sabihin na, "Oo, kaya sila magkamukha kasi anak niya yan duh!" Pero hindi naman pwede so ngiti ngiti lang ako.

"Pwede na bang Tatay?" Biro pa ni Kiefer at pinagtabi pa ang mukha nila ni Liam. Sinasabi ko ngang xerox copy mo yang si Liam, Kiefer!!!

"Da-da!!! Da-da!!! Da-daaaa!!!" Pakshet naman talaga, Liam oh? Tawagin daw bang Dada si Kiefer? Sa bagay, siya naman talaga ang Daddy mo.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now