Mission Impossible

3.5K 112 23
                                    

Mika

Nakalipas na ang ilang araw simula ng encounter ng anak ko at ni Kiefer, pero mukhang hindi nakakalimutan ni Liam ang Dada niya. Lagi siyang may mga kinekwento pero di ko naman maintindihan, basta I know, he likes Kiefer. Nakakapangselos nga eh, ako na Nanay niya versus sa Tatay niyang isang araw palang niya nakasama.

"Iam mishes Dada." He was baby talking again while playing with his lego set. Lumuhod at tumabi ako sa kanya pero hindi ako pinapansin ni Liam. Wala, napalitan na yata talaga ako ni Dada niya. Palibhasa magkamukha kayo eh.

"Di mo na luvluv si Mama?" I pouted. Instead of getting a hug or a kiss, nilamukos pa ni Liam ang mukha ko. Bastos na bata, tumawa pa.

"Luvluv Dada, Dada onleeeh!" Liam giggled with his own words. Napa-iling na lang ako at sinabing, "Che, magsama kayo ng Dada mo."

I went to the kitchen to prepare Liam's snack. Buti nga at lumalakas na kumain si Liam ngayon, compare before. Papabalik na ako sa living room at sinalubong ako ni Liam. He was carrying a Filipino Sports magazine kung saan featured ang Gilas Pilipinas. Tinuturo niya si Kiefer.

"Sino ba yan, Liam?" I asked innocently. Ngumiti si Liam saka sinabi, "Dada! I-furrr V-venaaa." Ang talino talaga ng anak ko, siya mismo nakadiscover kung sino tatay niya.

Ara went out to go to the market with Raffa at ako ang naiwan sandali dito sa bahay. Well, mamaya si Ara na naman bantay ni Liam dahil afternoon class ako at baka abutin pa ng gabi. Nagaasikaso na ako para pagdating ni Ara, aalis na lang ako.

Magulat gulat ako ng paglabas ko sa kwarto eh si Liam nakayakap sa flat screen tv namin dahil nandun sa tv si Kiefer at ang Gilas.

"Wanna dada!!! Wanna dada!!!" He was jumping up and down na akala mo nagpapaalam sa akin kung pwede bang makita si Dada nya.

"Anak, feel na feel mo no? Halika nga kay Mama!" I reached for him pero nagtantrums si Liam.

"Nooo! Dadaaaa!!!"

"Di mo na ba luvluv si Mama?" Paawa kong sabi sa kanya. Umiling si Liam at sabi, "Dada and Iam pl-yay ball." Natatawa na lang ako dahil kahit bulol pa si Liam, ang daldal na.

Dumating na rin si Ara and I'm off to go to school. Paulit-ulit ko pang pinaalalahanan na, "NO KIEFER ALLOWED." Baka kasi magkaroon na naman ng Meet and Greet dito sa bahay kaya pinaalalahanan ko na ang isang to.

"Keri ko na yan daks, sige na! Gora na!" At tinaboy na nga ako ni Victonara. Wag lang talagang gagawa ng kalokohan tong si Ara eh, sapat na yung nagkita na si Kiefer at Liam noon. Baka sumunod pati ako.

***

Ara

"Hello? Mahal?"

"Oh, all set na ba?"

"Oo nakabihis na si Raffa at si Liam. Papunta na kami dyan." Binaba ko ang phone at isinakay si Liam at Raffa sa kotse. Patawarin na sana ako ni Mika sa binabalak namin ni Thomas. Alam ko sa ngayon, magagalit siya. Pero darating yung panahon na papasalamatan niya pa kami ni Thomas sa gagawin namin para tuluyan ng mabuo ang pamilya ng inaanak ko. Mahal ko lang si Liam kaya ko gagawin ito.

"Raruh! Raruh!" Tawag sa akin ni Liam na nakaupo sa baby chair na nasa back seat.

"Sorry, Liam. Love ka lang talaga ni Ninang eh." Nakita ko pang ngumiti si Liam pagkatapos ng sinabi ko. I continued driving until we reached the hotel. Sa plano kasi namin ni Thomas, kunwari manunuod ako ng game at sinama ko yung dalawang bata. Para na rin magkita ulit yung mag-ama, mukhang nasepanx eh.

This is Mission Impossible. *queue yung background music ni Tom Cruise*

"Nandito ka na pala! Patulong naman kay Liam at Raffa." I rolled down the windows and Thomas agreed. Buhat niya si Liam, ako naman kay Raffa. Naririnig ko rin na parang nagtatanong si Liam kung nasaan. Matalino rin talaga ang anak ni Mika eh.

Truly, Madly, DeeplyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora