Lost Stars

2.8K 78 8
                                    

Mika

Semestral break. Ara and I decided to go home first in the Philippines since winter dito sa London. Eight months na rin yung tummy ko at malapit na akong manganak next month. Balak ko kasing sa Philippines na lang manganak at baka maging British citizen pa si Liam!

"Daks, sigurado ka na ba sa binabalak mo? Natawagan ko na kasi sila Miss Taylor at pumayag naman sila. Ang akin lang kasi, okay lang ba sayo?" Ara was asking me while we're preparing our luggages. Si Thom din kasi kailangan ng umuwi.

"Oo naman. Wala rin akong makakatulong pag nanganak ako." I answered. Bukas na rin kasi ang uwi namin. Lately, parating sumasakit ang tiyan ko na parang manganganak na ako pero eight months pa lang naman. So iniisip ko nalang, nagpapractice si Liam sa tummy ko. Hahaha!

Dani knew about me going home in the Philippines. Excited nga siya at dadalaw daw sila ni Tita Mozzy pero hindi pa naman ako sumasagot ng oo. Baka kasi malaman ni Kiefer, hindi pa ako handa.

Buong oras ng flight namin, nakatulog kami ni Ara. May connecting flight pa kami sa Japan. Nararamdaman ko na rin ang pagsakit ng tiyan ko. Wag muna, Liam. Umuwi muna tayo.

"Oh Ye, nandito na tayo. Samahan ka na namin hanggang dumating sila Tita Bhaby." We already arrived in NAIA and Thomas offered that we would wait until my parents would fetch me. Maya-maya, tuloy tuloy na yung pagsakit ng tiyan ko na parang lalabas na si Liam.

"DAKS!!! Dinudugo na ko!!!" I was wincing in pain. Bakit naman kasi sa airport pa napili ng anak ko lumabas?! Tumawag naman agad ng ambulansya at sinugod na ako sa ospital. Naririnig ko si Ara na kausap ang mga magulang ko sa phone. Hindi ko alam kung saang ospital ako dinala pero ang alam ko manganganak na ako.

"Sino ang mga kasama ng pasyente?" Tanong nung nurse kila Ara at Thomas. Pinagbawalan na rin kasi silang pumasok sa operating room. I was unconscious the whole operation. Hindi ko alam ang nangyayare pero nakita ko ang anak ko ng nailabas na siya. Before everything went black.

***

Kiefer

Another scheduled check up here in St. Luke's Hospital. Dani and Mama accompanied me today since sila yung hindi busy. Nagulat kaming tatlo ng makita ko si Ara at Thomas na nakaupo sa labas ng operating room.

"Thomas? Ara?" Gulat kong tanong sa kanila. Halata rin namang nagulat sila ng makita ako dito sa ospital. Namutla pa nga si Ara eh.

"K-Kiefer? Anong ginagawa mo d-dito?" Ara asked me and hugged me so did Thomas. They were tensed.

"Check up. ACL tear. Kayo, bakit kayo nandito?" Balik kong tanong sa kanila.

"A-ano, kasi, uhm yung sister-in-law ni Ara, uhm ah nanganganak! Eh iyon." Thomas stated.

"Kailan pa nga pala kayo nakauwi? Kasama niyo ba si Mika?" Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko na sila. Umiling lang si Ara. Nagpaalam na rin kami dahil oras na ng schedule ko sa check up.

Kailangan ko na rin palang magtheraphy para mas mapabilis yung paggaling ko, according sa doctor. Papalabas na kami ng ospital pero si Dani, nakatambay sa may Nursery Section.

"Anong tinitignan mo, Dan? Halika na umuwi na tayo." Yaya ni Mama kay Dani.

"Ma, saglit lang. Ang cute kasi nung baby boy oh. Ang liit liit!" Dani was still looking at it. Tinignan ko na rin yung sinabi niyang bata. Cute nga, ang puti at ang ganda ng mata. Dumilat kasi siya at ngumiti sa amin.

"Baby Liam Travis." I read out the name written dun sa cubicle nung batang lalaki. Ang gwapo siguro ng tatay nito no? Gwapong bata eh.

"Pero bakit may nakakabit sa may chest niya?" I curiously asked. Siguro may sakit yung bata.

Truly, Madly, DeeplyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum