His Sprak Queen

4.6K 112 23
                                    

Kiefer

The next morning, ang bigat ng eyelids ko. Hindi ko madilat dahil masakit rin yung ulo ko. What the hell happened last night? Shoot, nakalimutan kong tawagan si Mika kagabi! Shoot again, patay ako neto! Nawawala phone ko! Halos ibalibag at itaktak ko na yung utak ko kakaisip kung ano nangyari sa akin kagabi.

"Idol, gising na. Pinapababa na tayo ni Coach." Gising sa akin ni Jolo. Dahan dahan akong bumangon ng higaan and there I found my phone beside me. Takte, akala ko nawala ko sa club kagabi. Napansin kong tulog pa rin si Paolo, kaya inunahan ko na sa shower room since tapos na naman si Jolo maligo.

Habang nasa shower, inisip kong mabuti ang mga nangyari kagabi. Ang labo ng memory pero alam kong may mga nangyaring kung ano. "Shit! Hangover!" I cursed in the shower. Sakit na naman kasi ng ulo ko. Ano bang pinagiinom ko kagabi at ganito ako ka-wasted? Nagbabar din naman ako pero nakakakaya ko yung mga iniinom.

Hindi 'to dapat malaman ni Mika. Patay ako for sure.

Nagbibihis na ako for our training when my phone rang. It's her. Nag-aalinlangan kasi akong sagutin, alam nyo na guilty kasi. Man up, Kief. Tell her the truth. Kukunin ko na sana yung phone ko para sagutin pero nawala naman. She declined the call.

"Sagutin mo na Idol. Ako nga napagalitan na eh." Natatawa pa si Jolo habang nagsasapatos din.

"Loko kasi eh, ano bang mga pinaggagawa natin kagabi?!" I sighed. Ang labo talaga ng mga naalala ko. Tinawanan lang ako ni Jolo at napansin ko namang bumangon na yung bulldog namin dito sa kwarto.

My phone rang again. Napalunok muna ako ng matindi bago ko sagutin ang facetime request ni Mika. 3...2...1.
I gave my most decent and sweet smile! Baka madala ko siya dun eh. Well, nakangiti rin naman si Mika. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako or what. Yung ngiti kasi ni Mika na parang iihawin na niya ako in any moment kung di ako aamin sa kanya.

"H-hi babe." Bati ko pa. Play it cool, Kiefer. Positive lang, malay mo paranoid na paranoid ka lang kaya kung ano ano iniisip mo. Relak.

"Wow, ang aga mo nagising no?" Mika naman eh!!! Bakit ba nakukuha mo pang ngumiti? Pagalitan mo na ko o ano. Yung ngiti nya talaga parang walang idudulot na mabuti sa akin eh. O baka wala naman talaga siyang alam? Yan, paranoid kasi guilty.

"Training... hehehe, kaya maaga!" Nangamot na ako ng batok. Shit talaga! Parang unti-unti akong pinapatay ng mga ngiti niya at titig. Wag kasing ganyan, pinagpapawisan na ako dito eh!

"Oh, training? Hahahaha! Na-enjoy mo naman yung Palomino?" Biglang straight face. Sabi ko na eh! Ngiti-poker face real quick eh! Nagpadeceive na naman ako sa ngiti nya, nakakadala kasi eh.

"Huh? Ano sinasabi mo? Nakatulog nga ako kagabi agad eh. Baka sila Von yun." Okay. Guilty. Di ako pwedeng artista talaga, komedyante na lang.

"PALOMINO CLUB. BOYS' NIGHT OUT." Mika said while gritting her baby teeth. Patay tayo jan! Galit na 'to. Di ako makatingin sa phone ko ng maayos, di ko na rin alam sasabihin ko. I'm running out of words to say! Mika knew where I have been last night. Buti pa nga siya, naalala nya kung saan ako galing. Ako nga di ko na talaga alam mga nangyari kagabi eh. Patay tayo jan!

"ANO BA RAVENA TITIGAN MO NA LANG BA AKO, HA?! JUSKO. HINDI KA BA AAMIN HA??? ANONG GINAWA MO SA BAR KAGABI AT BAKIT MO KAILANGANG IWAN YUNG PHONE MO! HINAYUPAK KA!!!!" Mika shouted at the top of her lungs. Naiiyak na rin sya dahil nagsisimula na rin mamuo yung mga luha sa gilid ng mata nya. Napa-hampas na lang ako sa mukha ko, ang gago ko na naman.

"WALA KA BANG SASABIHIN, HA? At please, wag ka ng magsinungaling. Alam ko na." She sighed heavily before crying her heart out. Nakuyom ko na lang yung bagang ko sa sobrang inis sa sarili ko.

Truly, Madly, DeeplyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang