Ohana

5.1K 111 13
                                    

Ohana
noun,; another term for family.

***

Mika

The days passed simula ng nalaman kong Kiefer and I are expecting a child again. Roller coaster of emotions talaga, pero I see to it na hindi ko naman napapabayaan si Liam at yung work ko as an Architect. Si Kiefer lang naman ang OA na ayaw na agad akong magtrabaho, sa akin naman, four weeks palang naman akong buntis so hindi pa masyadong mahirap sa akin.

"Liam, halika nga rito. Pawis na pawis ka na naman." I called Liam for awhile para punasan siya ng pawis. Ewan ko ba sa batang 'to, NBA lang ang nilalaro sa PS4, pinagpapawisan pa. Palibhasa Saturday ngayon, kaya masayang masaya dahil makakapaglaro siya ulit. Simula kasi ng pumasok na sya ng school, dinisiplina ko na sya sa paglalaro at sa pag-aral.

"Mama, why are you always eating pomelo and green mangoes?! They are so maasim kaya!" Pinaupo ko si Liam sa tabi ko at pinainom ng tubig.

"Because Mama is craving for something that is maasim." Sagot ko sa kanya pero sinamaan lang ako ng tingin ni Liam. "Mama, diba it's Saturday? Daddy Kiefer will be here, right?" Nag-sparkle pa yung mata ni Liam habang tinatanong ako. I nodded as a reply, every weekend kasi, pumupunta dito si Kiefer sa bahay para makasama si Liam. Minsan umaalis kaming tatlo kapag hindi busy ang schedule naming dalawa.

Hindi pa nakakaraan ang ilang minuto, may nag-door bell na. Excited na nagtatakbo si Liam para tignan kung sino yung dumating.

"Daddy!!!" Sinalubong ni Liam sa may doorstep palang ng bahay namin. Kiefer scooped him off his feet. Parang di sila nagkita ng ilang taon ah!

" Did you miss me, Liam?" Umupo ang mag-ama sa couch at pinapanood ko lang sila. Di nalalayo yung features nila, exception dun yung skin color at nose ni Liam. Hahaha.

"Of course! Where are we going today po ba?" Liam asked.

"You'll see later." Ngumiti si Kiefer kay Mini Kiefer. HAHAHA, nagiging magkamukha na sila eh.

"Liam, come. Magshower ka na sa taas." Yaya ko sa anak ko at inayos na yung pampaligo at susuotin niya. While fixing his clothes, I breathe heavily. Today is the day. Ngayon na kasi namin balak sabihin kay Liam ang totoo at ngayon na rin namin ipapakilala sa family ni Kiefer si Liam.

May familiar na kamay ang yumakap sa akin mula sa likod. Di pa rin nagbabago, I smiled at my own thoughts.

"You ready?" Kiefer said, burying his face in my neck. Clingy Kiefer.

"May magagawa pa ba ako?" Pagbibiro ko sa kanya. We stayed like that. Hindi niya pinapansin yung ginagawa ko, basta nakayakap lang siya sa akin.

"Excited silang lahat to see Liam, and syempre ikaw." Kiefer continued. Napangiti tuloy ako. I missed the Ravena family as well. Hiyang hiya talaga ako sa kanila lalo na kila Tita Mozzy at Tito Bong when I turned down the wedding. Sana tanggapin pa nila ako ulit, sana walang nagbago. Si Dani naman, hindi ko na ulit nakausap kaya wala na rin akong balita sa kanya. As for Thirdy, busy sila syempre ni Billie sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.

"Kief, paano kung---" "No. They love you. Wag na wag mong isasagi sa isip mong aayawan ka nila." He mumbled then gave me a quick peck on the lips.

Sinimangutan ko naman ang isang 'to. Lately kasi, namimihasa na ng puro kiss o puro hug itong si Kiefer. Baka akala nya, kami na ulit?

"Oy, abuso ka ah!" Pinisil ko pa yung makapal nyang labi. Kasi naman, truce nga kami, eh sige pa rin sya ng kiss at hug. Everyday nandito si Kiefer sa bahay dahil nga sya ang naghahatid sundo kay Liam, sinasamahan din nya ako every time na may check up ako sa OB just to make sure I'm healthy as well as our baby. Overprotective nga ang isang 'to, bawat galaw ko dapat alam nya. I know he's just taking good care of me kaya naaappreciate ko lahat ng efforts nya sa akin, kay baby, at kay Liam.

Truly, Madly, DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon