Double Trouble

4.1K 102 13
                                    

Mika

Today will be the schedule of my eighth month of checkup. Ngayon na rin namin malalaman yung gender ng twins. Di pa nga pala alam ni Kiefer na kambal yung magiging anak namin. Siguradong maeexcite yun pag nagkataon.

"Sasama ka pa talaga? Pwede namang i-drop off mo na lang ako sa clinic." Sabi ko sa kanya habang nasa loob ng sasakyan. Makulit kasi ang isang yan eh, yung gusto niya parati nasusunod.

"Last checkup mo na kaya 'to. Gusto ko lang sumama, pati ngayon din kaya malalaman yung gender diba?" Mas updated pa nga sa akin yan si Kiefer. He always make sure that I am well taken care of as well as the baby.

"Sige, sabi mo eh." I smirked. Excited talaga yan kasi kanina pa nagising ng maaga. Gustong gusto na kasi niyang malaman kung babae o lalaki dahil siya daw magbibigay ng name. Wag niya lang talagang pangalanang Kendall yung anak namin, baka mapalayas ko ng bahay si Kiefer!

Pagkadating namin sa clinic, ako yung pinaka-unang pasyente. Si Kiefer hindi na talaga umalis sa tabi ko at nakakapit pa sa braso ko. Tinulungan na rin ako ni Doctora na mag-prepare para sa ultrasound session. Ayaw pa rin akong lubayan ni Kiefer kaya bumulong na ako sa kanya, "Huy, lumabas ka na lang! Okay na ako." Hindi niya ako pinakinggan at umupo pa sa tabi ko. Nagpaalam saglit si Doctora at lumabas dun sa room. Kaming dalawa naiwan sa loob. Inulit ko kay Kiefer yung sinabi ko, "Labas ka na!!! Okay lang ako."

Nginitian lang niya ako at sinabing," Kapag sinabi kong hindi kita iiwan, hindi talaga kita iiwan." Sabay hinalikan yung kamay ko na hawak niya. Kilig? Kilig!

Pagkabalik na pagkabalik ni Doctora, sinimulan na yung ultrasound. Nakikinig kaming dalawa sa mga reminders at do's and dont's since 8th months na yung tummy ko. Isang buwan na lang, manganganak na ako. I stared at Kiefer who is really listening attentively to my Gynecologist. Makikita mo sa kanyang interesado talaga siya sa magiging baby namin. Ay babies pala!

"So, are you guys ready?" Tanong ni Doctora at niyakap pa ako ni Kiefer bago kami sabay na sumagot ng, "Yes!"

It took almost a minute or so before the doctor announced the baby's gender. "They are girls. Two little princesses." Natahimik muna kaming dalawa tapos bigla nalang akong niyugyog ni Kiefer, "Twins! Yes!" Sa sobrang tuwa yata nakalimutang buntis ako eh, "Easyhan mo lang, babe. Baka mapaanak ako ng wala sa oras eh."

Sobra lang saya ni Kiefer hanggang sa mismong na-print na yung 4D ultrasound picture nung twins. Yung position kasi ng twins dun sa picture eh parang magkatalikuran.

"Can't wait to see my little angels." Bulong ni Kiefer sa akin habang inaalalayan ako papasok ng sasakyan niya.

"Babe, wala pa silang names. Eight months na sila pero wala pa rin akong maisip." I pouted. Kawawa naman kasi ang kambal ko, undecided pa rin ang pangalan.

"I got something in mind na, babe." Sagot ni Kiefer habang nagdadrive na.

"Talaga? Sige nga, tell me!"

"Kendall and Kylie! Diba ang cute?" Inirapan ko lang si Kiefer. Ayan na naman sa Kendall na yan! Ayoko ngang ipangalan dun anak ko, ang daming pwedeng pangalan eh.

"Hindi! Hindi cute yon!"

"Eh bakit ayaw mo nun? Para nga Kendall Ravena at Kylie Ravena." Kiefer snickered. Di nakakatuwa, kainis. Hahahaha!

"Che! Next please!"

"Kung Skylar at Sunshine? Unique pangalan ng kambal!" Suggest na naman ni Kiefer. Cute ng Skylar, pero yung Sunshine, nah!

"Para namang yun ang pangalan ng kambal sa Be Careful With My Heart." Comment ko pa. Yun naman talaga pangalan nila diba? Sky at Sunshine.

"Hmm, ano ba pwede?" Tanong din ni Kiefer. Nag-iisip talaga kaming dalawa ng posibleng pangalan. I want the name of my twins to be unique yet beautiful at the same time. Madami na kasi ngayon yung mga mainstream na names eh like Mika. Ang dami ko kayang kapangalang Mika Reyes.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now