Chapter 01

5.5K 81 4
                                    

"Ezryn, tara na." Aya sa 'kin ni Zaliah.

Papasok na kami sa kompanya kung saan kami magsisimulang magtrabaho. 'Yung nanay ng CEO ng kompanya naman ang nag-alok saamin na maging Architect ng kompanya nila, e.

"Wait lang, 'to naman!" Ani ko. Lagi talaga 'tong nagmamadali. Tapos kapag siya naman ang mamadaliin, magagalit siya.

Sumakay na kami ng kotse niya at nagdrive na siya papunta sa kompanya, malapit lang naman ang building ng condo namin sa kompanya kaya walang rason para malate kami.

"Architect Avila, right?" Tanong saakin ng isang lalaki nang maka-akyat kami sa kompanya.

I nodded. Duh, baka landiin ako, e. Sayang naman, 'di ba?

"Mr. Salazar wants to talk to you, in his office." Sumeryoso ang mukha nito.

Kakapasok ko pa lang, ah. Tapos gusto na agad akong maka-usap ng CEO nito. Angas naman, may gusto ata sa 'kin, charot!

Nang makapasok ako ng office niya ay nakita ko siyang nakatingin sa senaryo ng Maynila na nakatalikod, nakakrus din ang braso nito, napalibutan ng glass wall ang office niya kaya maliwanag, automatic curtains din ito dahil malaki at black lang ang kulay ng kurtina.

"Sir, Archirect Avila is here." Ani ng lalaki nang makapasok kami ng opisina ni Mr. Salazar.

"Leave us alone, please." His voice was so attractive. This is the first time I met him and he's so damn attractive.

Sinarado ng lalaki ang pinto ng opisina kaya naiwan na akong nakatayo rito.

Samantalang si Mr. Salazar naman ay nakaharap pa din sa senaryo ng Maynila. Balak ba akong kausapin nito o hindi?

May pinindot siya sa maliit na remote kaya nagsara ang kurtina at bumukas ang ilaw. Kinuha pa niya ang isang maliit na remote sa bulsa niya kaya bumukas din ang Black LED Lights.

Nang harapin niya ako ay napabuka ang labi niya. Luh. Wala namang masama sa suot ko, at bago ako pumunta dito ay sinigurado kong walang dumi o mali sa make up ko.

"S-so... you're Architect Avila?" Utal na tanong niya sa 'kin saka umupo sa swivel chair niya. Pinaglalaruan din niya ang ballpen sa kamay niya habang nakatingin sa 'kin at inaantay ang sagot ko.

"Yes, Sir." I answered. Ang pogi naman nito, sana hindi masama ugali.

"I just want to remind you that I hate cats, so cats or any pets are not allowed in this company, I want coffee every morning, and I want tapa for my lunch to-"

Ano ba?! Hindi niya ako secretary!

"Sir, I want you to know that I'm not your secretary, I am one ot the Architects in your company, I didn't appl6 to be your secretary and I have no plans to be." I cut him off. Nakakairita naman nito!

"I know. I'm just saying all of it so that you can serve me a tapa for my lunch." He smiled. Naiinis na ko sa lalaking 'to, napaka-daming utos eh sinabi ko na ngang hindi ako ang secretary niya.

"You know what, I don't know if spoiled brat ka simula bata or gusto mo lang talaga akong utusan." Siningkitan ko siya ng mata at umupo sa tapat niya. Duh, wala na kong pake kung siya CEO ng kompanyang 'to, makautos e.

He sighed, "Sabihin mo sa 'kin kung ayaw mo, madali akong kausap."

Pinekean ko siya ng ngiti bago tumayo at lumabas ng office niya, pumasok na lang ako sa office ko at umupo sa swivel chair. Nakakainis naman 'yun, bakit ba ganun ugali non?

Inisketch ko na lang 'yung bahay na gusto ko dahil wala pa kami masiyadong gagawin, kung meron man ay mamaya pa 'yon.

Habang sine-shade ko na ay biglang pumasok sa office ko si Mr. Salazar. Ano nanaman bang kailangan nito?

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now