Chapter 03

3.3K 58 0
                                    

Bago ako didiretso sa lupa ni Sir Salazar sa Rizal ay pumunta muna ako sa bahay ni Elijah para kamustahin siya. Sinabi naman na sa 'kin ni Tita na andun 'yung tatlong kaibigan namin ay doon sila natulog para may magbantay din kay Elijah at makapag pahinga si Tita.

Sus. Babantayan daw, e, mangingialam lang naman 'yung dalawang babaeng kaibigan ko na 'yun sa computer ni Elijah, tapos si MJ, panigurado nangungulit lang 'yun kay Elijah na ibigay sakaniya 'yung number ng babaeng kapatid niya. Lalaking 'yun, napaka-landi.

Nang makapasok naman ako ng kwarto ni Elijah ay hindi nga ako nagkamali, nangingialam si Allysa at Marielle sa computer ni Elijah, samantalang si MJ ay nakahiga sa tabi ni Elijah. Gagong 'to, alam niyang may sakit 'yung tao, hindi man lang niya maipasantabi 'yung kalandian niya.

"Hoy, umalis ka nga dyan. Ina neto, ipasantabi mo nga 'yang kalandian mo sa kapatid nito! Bata pa 'yun, uy!" Pagtataboy ko sakaniya. Pa'no ba naman, first year college pa lang 'yung kapatid ni Elijah, tapos siya, graduated na!

"E'di ipasantabi mo din 'yang kalandian mo sa CEO ng kompanyang pinagta-trabahuan mo ngayon." He fired back. Duh, hindi ko naman kalandian 'yun, kahalikan lang, charot!

Pinakyuhan ko siya bago ako tumabi kay Eli. Tulog siya kaya siguro nangialam 'yung dalawa sa computer niya. Pinake-alaman din ni MJ 'yung sketchpad ko kung saan naka-sketch 'yung bahay ni Sir Salazar.

"Kanino 'to? Gago ang luwang, ah!" Tanong niya. Tinignan din niyang maigi 'yon, tama siya, maluwang nga, pero wala akong alam sino ang kasama niyang titira dun, wala naman siyang pamilya. Baka mga babae niya, charot!

"Bitawan mo 'yan, MJ! Kapag 'yan napunit o nakusot, 'wag na 'wag kang magpapakita sa 'kin." Banta ko. Subukan lang niya talaga, pupunitin ko 'yung pinaka-paborito niyang damit.

"Kanino muna 'to?" Nang aasar siyang ngumiti. Kulit talaga ng lalaking 'to, sobra!

"Kay Salazar," Tumayo ako at binawi 'yon sakaniya, "Balik na lang ako dito mamaya, pupunta pa ko ng Rizal." Paalam ko. Tumayo naman si MJ at humarap sa 'kin, naka-ngiti pa.

"Sama ako, ano bang gagawin mo dun?" Tanong nanaman niya.

Alam kong mang-gugulo lang 'to sa 'kin dun pero pinayagan ko na, ililibre naman daw niya ako ng alak mamayang gabi kaya ayos na. Nang makarating kami doon ay nilibot ko ang lupa na 'to, may mga naglilinis na din at nagtatanggal ng mga damo. Si MJ ay parang bata na nagtatatakbo dito dahil sa luwang.

"Kanino ba kasi to?" Sigaw niya. Tumatalon talon pa siya. Lahat ng nagtatrabaho dito ngayon ay nakatingin sakaniya dahil sa ginagawa niya, ako ang nahihiya sa totoo lang.

Nilapitan ko siya saka sinapak, "Tumigil ka, ako ang nahihiya sa ginagawa mo!"

Sumama naman ang tingin niya saakin, halatang nainis sa ginawa ko. "Kanino kasi 'to? Imposible namang sa 'yo, eh, alam kong hindi Rizal ang lugarkung saan mo gustong ipatayo ang magiging bahay mo, at alam 'ko ding hindi sa 'yo 'to, dahil sabi mo, ayaw mong ikaw ang maging architect ng bahay mo dahil wala kang tiwala sa sketches mo." Pambubuking niya. Gago 'to, ah.

"Kay Sir Salazar." Bgumiti ako ng peke sakaniya. Agad namang napa-awang ang bunganga niya nang may dumating na sasakyan.

Alam ko na agad kung kanino 'to dahil nakikita ko 'to sa parking area ng kompanya. Black Mustang, so kay Salazar 'to.

"Gago? Black Mustang?! Seryoso?! Tagal na kong nabubuhay sa mundong 'to, pero ngayon lang ako nakakita ng sasakyan na 'yan!" Humarap siya sa 'kin, kita ko naman ang saya sa mukha niya.

Alam ko namang matagal na nilang gusto na makakita ng sasakyang meron si Shiro, silang dalawa ni Elijah, nagpupustahan sila kung sino ang unang makakakita ng sasakyang 'to. Actually, nauna na si Elijah. Nakakita na kaming dalawa ng Black Mustang nung nag late-night drive siya with me.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now