Chapter 15

1.6K 33 0
                                    

"Bakit? Ready na ang lahat, ah. Bakit kayo biglang bumaliko sa plano?"

Nakabihis si ate Elaiza at ang pamilya niya nang magising ako ng alas dose ng madaling araw, tulog pa si Louisse sa balikat ng tatay niya, si kuya Rhalf naman ay nakangisi lang saakin, inirapan ko naman ito at inilapag ang baso ng tubig sa lamesa.

"Namatay kasi yung paboritong tita ni Louisse sa lugar ni kuya Rhalf mo, kailangan naming pumunta dahil paniguradong kukulitin lang din kami ni Louisse kapag nalaman niya." pagkwento niya.

"Ah, sige, mag-ingat kayo sa daan." peke akong ngumiti at bumalik na sa kwarto. Umupo ako sa kama at tinignan si Shiro na mahimbing nang natutulog. Nilapitan ko siya saka pinaglaruan ang matangos niyang ilong. "So pogi." bulong ko saka maliit na tumawa.

"I know."

Bumuka ang mga mata ni Shiro saka niya ako hinila palapit sakaniya, dumampi naman ang labi ko sakaniya pero agad ko ding inalis. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa tagiliran ko kaya may pwersa siyang mailapit pa ako sakaniya.

"You miss my lips, hmm?" pang aasar niya. Natawa ako ng sarkastikto saka na tumalikod sakaniya at pinikit ang mga mata.

Pagkagising ko ng umaga ay agad din kaming nagpa-alam sa magulang ko na uuwi na ng Manila dahil wala sila Louisse dito at hindi na din kami matutuloy.

Nakakabinging katahimikan ang namuo saamin ni Shiro nang maka-alis na kami don, wala kahit isa ang nagsubok na magsalita.

"Ezryn." he called. "Can I ask you something?" tumango naman ako at binaling ang buong atensyon sakaniya, hinihintay ang itatanong niya.

"Can you..." putol niyang wika. "Be my girlfriend?"

Nagulat naman ako sa tanong niyang 'yon, napasandal ako bigla at tumingin na lang sa daan, hindi ko siya sinagot hanggang sa nasa NLEX na kami.

"Yes." I whispered. Tumingin ako sakaniya na seryosong nagda-drive at seryoso ang tingin sa daan. I held his hand tightly.

"I said yes." pagulit ko. Napatingin naman ito saakin na may ngiti sa labi.

"No one can explain how happy I am right now... I and will always love you, Ezryn Trishia." bulong niya nang yakapin ako, hinalikan pa nito ang gilid ng ulo ko saka yumakap ng mahigpit.

Kinabukasan, paglabas ko ng unit ay nasa labas na si Shiro at nakapamulsa pa, yumakap ako sakaniya saka na kami umalis, pinagpa-alam pa niya ako kay Tita.

"Did you eat?" tanong niya habang nagdadrive, tumango naman ako dahil may ginagawa pa ko sa phone ko. Nagpatuloy na lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng kompanya.

"Ihahatid kita mamaya, wait for me." turan niya nang makalabas kami ng kotse, tumango naman ako saka na siya hinalikan sa pisngi at nauna nang pumunta sa loob.

"Aba, aga mo girl ah." bungad ni Zaliah nang pumasok ako ng opisina niya, halatang kakarating lang din niya dahil nag-reretouch pa ng make-up. Binigay ko sakanya ang pinabili niyang ube saka na naglakad papasok ng opisina ko.

Wala namang nangyari ngayong araw at halos lahat kami ay tutok na tutok sa trabaho, pero si Shiro ay nanggu-gulo lang. Lahat ng empleyado niya ay nagtataka dahil ngayon lang siya naging makulit sakanila.

"Kulit mo naman ngayon, lahat ng empleyado mo ginulo mo kahit na oras ng trabaho." pang-aasar ko nang makasakay ng kotse niya, sabi niya siya mag hahatid saakin eh.

Tumawa na lang siya ng maliit at nagsimula nang magdrive, dumaan pa siya ng bakery at bumili ng cake, huh? Kanino?

"Para kanino 'yan? Don't tell me sa 'yo? Umiwas ka kaya sa matatamis, siraulong 'to." I laughed.

"No, it's not for me, it's for Tita Angelie." sinamaan niya ako ng tingin bago nilapag ang cake sa backseat.

Hindi na ako sumagot pa at ngumiti nalang, nang makarating naman kami ay bumaba na ako at inantay na lang siyang makasunod. Binigay na niya kay Tita Angelie ang cake na binili niya saka umupo.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Tita saamin. Pumunta din muna ako sa kwarto para magbihis at nang makabalik ay kumakain na ng hapunan si Shiro at si Tita.

"Wow naman." I laughed. Umupo ako sa tabi ni Tita, sa gitna nila ni Shiro at sumabay na sa pagkain.

Nang matapos ay ako na ang nag-atas sa sarili kong ihatid si Shiro sa parking. Habang naglalakad naman ay walang imik ang kahit isa saamin.

"Wala ako sa kompanya bukas, I have to attend a meeting sa France." turan niya nang makarating kami, sumandal pa kaming dalawa sa kotse niya at tinignan ang isa't isa.

"Kelan flight mo? Bakit ngayon mo lang sinabi?" sunod-sunod kong tanong, ngumiti naman siya at halatang nang-aasar sa hindi ko malamang dahilan.

"Later, twelve midnight." he smiled and held my hands.

Agad ko 'yon binawi saka na nagpa-alam, pero hindi talaga ako pumasok ng direkta sa loob ng building, nagtago ako sa isang kotse para tignan siya kung aalis na ba pero hindi, pinuntahan niya kung saan ako saka ako binigyan ng damping halik sa labi.

"I'll see you in three days," bulong niya bago ako niyakap.

Niyakap ko siya pabalik at pinaalis na para magkaroon siya ng konting pahinga. Alas otso na ng gabi, at alas dose ang flight niya.

"Huh?! B-boyfriend mo yung Salazar na 'yon?!" halos maidura ni Ashtriella ang iniinom niyang alak nang marinig ang sinabi ko, pinagtawanan naman namin siya ni Zaliah dahil nakakahiya, ang ingay ingay niya, halos lahat ng tao dito sa club na 'to ay nakatingin na saamin sa ingay niya.

"Gaga 'to, ang ingay mo tanga, ihina mo 'yang boses mo!" pagpigil ko sakaniya, nagsalin na rin si Zaliah sa baso namin, at binigyan ng tissue si Ashtriella. "And so? Ano ngayon kung boyfriend ko siya? Duh, ganda ko kaya." I flipped my hair.

"Ganda ka nga. Single?" may umupo sa tabi namin na tatlong lalaki, at ang isa ro'n ay nakatingin saakin.

Well, pogi siya, maayos manamit, mabango, pero hindi ko siya type, mas pogi pa din si Shiro.

Umirap ako. "Taken." sagot ko, narinig ko naman ang pagtawa niya ng maliit hanggang saka mas nilapit na niya ang sarili niya saakin.

Umalis na agad ako roon at pumunta na lang sa counter, umupo ako sa bar stool chair at pinagpatong ang binti ko, umorder pa ko ng isang Smirnoff.

Naalala ko bigla si Shiro, I know gusto niyang magpahinga, pero hindi niya magawa, malapit na ang Christmas, pero hindi niya magawang magpahinga manlang dahil punong puno ang schedule niya hanggang sa Christmas Eve.

Sana, bago dumating ang bagong taon, makapag pahinga na siya, masungit siya pero hindi niya kayang pabayaan ang kompanyang ipinatayo niya. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang nagpahinga, e. Tulog niya wala sa walong oras.

"Architect, uwi ka na raw sabi ni Sir Salazar," lumitaw si Ivan sa harap ko saka ininom ang alak na binili ko. Para talaga siyang kabute, susulpot tapos mawawala.

"T-teka, 'diba kasama ka niya sa France?" utal na tanong ko, tama, kasama siya ni Shiro sa France. Pero bakit siya andito?

"Pinauwi na niya agad ako, bantayan na lang daw kita." ngumiti ito.

"Ah, mauna ka na lang, gusto ko pang uminom e." naglakad na ako paalis doon at bumalik sa couch nila Zaliah, good thing wala na dito 'yung paepal na lalaki.

Kumain na kaya siya? Nakatulog na kaya siya? Nakapag pahinga na ba siya?

Sana, oo lahat ng sagot sa mga tanong kong 'yan.

The CEO'S Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now