Chapter 20

1.5K 33 0
                                    

Nang makabalik kami ni Elijah ay humiwalay na kami sakanila dahil maglilibot pa kaming tatlo. Habang naglalakad ay hindi ko pa rin talaga makalimutan ang mga salitang binitiwan ni Elijah saakin kanina.

Nauna na akong bumalik sa hotel room dahil inaantok na ako at gusto ko nang mahiga. Nang makarating ay hindi pa natutulog si Shiro, at nakapa-mewang pa saakin nang makita akong pumasok, nakataas pa ang isang kilay at seryosong nakatingin sa 'kin.

"Why did you hug him?" tanong agad niya matapos ako pagsaraduhan ng pinto. Naupo ako sa kama saka pinaglaruan ang mga daliri.

"Basta." iritang sagot ko.

He mocked my words before laying on the bed and hugged my waist and closed his eyes to sleep. Sobrang unfair na, ang pogi niya! Bakit ganon?! Paano ba 'to ginawa?! Dapat ko atang tanungin sila Tita, charot.

Pinaglaruan ko ang mata niya, binuka at pinikit pikit ko 'yon, hinawakan niya ang kamay ko para patigilin si hinalikan, napaka-gwapo, ewan ko na lang talaga kapag ako pa ang nakipag hiwalay sakaniya.

No, hindi ko 'yun gagawin.

Duh, nasa kaniya na future ng anak ko, tapos mayaman, pogi, matangkad, mabango. Ano pang hahanapin ko? Mas gugustuhin kong tumanda ng dalaga kapag hindi siya ang taong mapapang asawa ko.

Pagkagising ko ay nakita si Shiro na nakatalikod at tulog pa din, tumawag na rin si Marielle kaya nag-ayos na ako at ni-lock ang hotel room dahil tulog pa si mokong.

"Morning." bati ko at tumabi kay Marielle, Elijah was just looking at me with a smile on his face. Si Allysa ay tulog pa kasama 'yung jowa niya, halatang pinuyat si gaga.

"Nginingiti mo d'yan?" pinag-taasan ko ng kilay si Elijah habang iniipit ang buhok into messy bun.

"You... look so-"

"Ezryn." Shiro came into the picture, while wearing nothing on his top. He's also wearing his shades and looked into Elijah.

"Hot." pagtuloy ni Elijah sa sinabi niya. Tumabi naman si Shiro sa 'kin saka ako hinalikan sa labi bilang pagbati, nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Elijah.

"Ay, sana hindi muna kayo lumabas ng hotel room nin'yo kung may balak pa pala kayong mag-yugyugan dito." sabat ni Allysa na nakabersete sa jowa. Napasapo naman ako sa noo saka siya inirapan.

"The fuck, dude. Your taste is really..." hindi na naituloy ng jowa ni Marielle na kaibigan ni Shiro ang sasabihin nang bigla siyang sikuhin ni Marielle. "Fuck." sumama ang tingin nito sa babae.

Hindi nagtagal ay humiwalay nanaman kaming tatlo sakanila, sila Elijah at MJ ay parang kambal tuko na hindi mapaghiwalay ang isa't isa. Madalas ay nahuhuli sila ni Marielle na nakatingin sa gawi namin.

"Kapag ba sa DLSU ako nag-aral, sa tingin mo kilala ko 'yang pandesal na 'yan?" turan ni Allysa at nakatingin sa jowa na umahon sa dagat, Shiro was just floating himself on the sea.

"Gaga." sinabunutan siya ni Marielle. "Kapag sa DLSU ka nag-aral e'di hindi mo kami kilala ni Ezryn ngayon! Tangang 'to."

Inirapan lang siya ni Allysa at sinabunutan pabalik. Itong dalawang 'to walang ginawa kundi magbangayan, ako ang nabibingi sakanila dahil madalas ako naman ang kasama ng mga 'to, pero pag si Elijah ang kasama napakatahimik na akala mo'y tinahi ang mga bunganga.

"Don't you want to swim?" Elijah sat beside me, he's not wearing his t-shirt na, ah.

"Mamaya." I smiled.

Nang-aasar namang ngumiti saamin si MJ at bumuo pa ng puso sa kamay niya, umirap ako, at si Elijah naman ay natawa ng sarkastikto.

"Score ka do'n!" sigaw niya.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now