Chapter 30

1.4K 31 0
                                    

"Ma'am, may bisita po kayo." pag imporma saakin ni manang habang nakikipaglaro ako kay Eloise.

Nagtataka ko namang binuhat si Eloise pababa para tignan kung sino ang bisita kong 'yon, hinayaan ko na lang siyang maglakad nang nakababa na kami. Dali dali akong pumunta ng garden at nakita si Elijah na nakaupo sa upuan doon at may nakahanda ring juice sa harap niya.

"Elijah, ang aga mo, ah." nakangiting wika ko at umupo sa tapat niya habang nakaupo rin sa tabi ko si Eloise na nakangiti kay Elijah.

"Siya na ba si Eloise?" Elijah asked, smiling back at my daughter.

"Punta ka kay tito, hingi ka pera," pabirong utos ko sa bata. Tumawa naman ng maliit si Elijah at tumayo para mabuhat si Eloise.

Hindi naman umiyak or what si Eloise nang buhatin siya ni Elijah, hindi naman siya 'yung batang iiyak kapag nahawakan ng taong di niya kilala or binuhat ng mga taong nakilala lang niya sa araw na ito. Pinagkakatiwalaan niya ang mga taong nakapaligid sakaniya.

"Gusto mo tsokolate? Meron ako sa condo," he smiled.

Tumingin naman sa 'kin si Eloise at ngumuso. "Sige." I sighed.

Bumaba agad siya sa pagkakabuhat sakaniya ni Elijah at hinila na ang kamay niya. "Let's go, tito!" the excitement on her face was so obvious.

Hindi na sana ako sasama na pupunta sa condo niya pero nagpumilit si Eloise kaya sumakay na ako ng shotgun seat, habang si Eloise ay nakaupo sa hita ni Elijah habang nagdadrive.

"Dito na lang ako." wika ko nang marating naminnang tapat ng unit niya. Nauna na si Eloise na pumasok sa loob, batang 'yon talaga.

"Sure ka? Andyan 'yung ex mo, 'yung asawa niya saka 'yung anak niya." pangongonsensya niya.

"Pa'no mo alam?" I asked in curiosity.

"Nakasalubong ko sila kanina nung lumabas ako ng unit para pumunta sainyo, lalaki pala anak nila, 'no?"

Nagkibit balikat naman ako. "Aba ewan ko."

Napalingon naman siya sa lalaking lumabas sa kabilang unit na may kasamang bata. Nakita pa niya kami ni Elijah, kaya hinila na ako ni Elijah papasok ng condo niya. Si Eloise ay tahimik na kumakain na ng tsokolate, madumi pa ang mukha.

Pinunasan ko 'yon at pinainom siya ng maraming tubig, habang si Elijah ay lumabas nanaman. "Stay here, okay?"

Tumango siya kaya sinundan ko na si Elijah na ngayon ay nakatambay sa pinto, nakasandal pa ang likod habang nakatingin kina Shiro.

"Inggit ka ba?" pang aasar ko.

"'Yan? Maiinggit ako dyan? Hindi, 'no. Dapat nga siya mainggit sa 'kin dahil kausap at nakakasama pa kita, siya, hindi na." he laughed.

"Saya niya, putek." I whispered. Isinandal ko na din ang likod ko sakaniya habang pareho kaming nakatingin sakanila. Inakbayan niya ako gamit ang dalawang kamay at nilagay ang ulo sa balikat ko.

"Eh ikaw? Hindi ka ba masaya?" tanong niya. Maliit akong natawa at muling tumingin sakanila.

"Masaya naman. Pero hindi ko alam kung masaya ba si Eloise." I answered.

Bigla namang tumingin saamin si Shiro kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin na lang kay Elijah na nasa likod ko, nakayakap saakin. Nang tumakbo na ang anak nila palagpas saamin, nasa likod niya si Shiro at Francine ay bigla kong dinampi ang labi kay Elijah para hindi nila mapansing nakatingin siya sakanila.

Nang makaalis na sila ay agad kong tinanggal ang pagkakahalik ko kay Elijah saka pumasok na sa loob, nakadalawang tsokolate na ang anak ko.

"That's enough na, Eloise," kinuha ko 'yon at tinapon saka siya ulit pinainom ng maraming tubig. "Let's go, uwi na tayo," kinuha ko ang maliit niyang kamay at sabay kaming naglakad papunta sa pinto. Andito pa rin si Elijah, nakahawak sa labi at nakatulala.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now