Chapter 36

1.3K 27 0
                                    

Pagkagising ko, wala na agad si Eloise sa tabi ko, nang tignan ko naman ang orasan ay ala-singko ng hapon na pala.

Dali dali akong bumangon at tinignan ang sarili sa salamin, naligo ako sa ulan kagabi, 'yun lang ang naaalala ko.

Pero paano ako nakapag palit ng damit? Hindi ko nga alam paano ako nakauwi dito, e. Iisa lang ang naaalala ko. Naligo ako sa ulan. 'Yun lang.

"Mabuti't gising ka na," pumasok si Mama sa banyo at tinignan ako. Wala sa sarili akong napatingin sakaniya.

"Paano ako nakauwi dito, ma?" tanong ko.

"Inuwi ka ni Shiro, 'nak. Magkatabi nga ulit kayong natulog dahil hindi na siya pinauwi ng papa mo, kakaalis lang din niya kani-kanina lang." sagot niya.

"What?! Katabi niyang natulog si Eloise?!" gulat na tanong kong muli na tinanguan niya.

"No! Hindi pwedeng mangyari ulit!" lumabas ako ng banyo at kinuha ang cellphone sa bed side table.

"Wala ka nang magagawa, nakatabi na ng anak mo ang tatay niya, ano ba kasing pumasok sa utak mo Ezryn Trishia at nakipag inuman ka ro'n?" panenermon niya. Hindi ko pinansin ang mga 'yon at chinarge na ang phone ko.

"Saan si Eloise? Kumain na ba siya? Napaliguan na ba siya ni ate Cel? Nag-vitamins na ba siya?" sunod sunod kong tanong habang kumukuha ng maiisuot.

"Nagawa na niya ang lahat, ang ayusin mo ay sarili mo dahil hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa ibaba. Sumunod ka na." wika niya bago lumabas ng kwarto.

Oo nga pala. Magha-hang out nga pala kami sa condo ni Elijah. Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong bumaba at nakitang nakaupo si Eloise sa hita ni Elijah habang nakikipag harutan kay Allysa, si Marielle at MJ naman ay naglalaban gamit ang tingin. Ganito naman palagi ang dalawang 'to. Puro bardagulan.

"Hey love," kinuha ko si Eloise mula sa hita ni Elijah at binuhat siya saka siya hinalik halikan sa pisngi.

"Mommy will hang out with your tito Elijah muna, ha? Balik din ako mamayang gabi, sleep ka na, 'wag magpupuyat sa screen, ha?" I kissed her lips.

"You're leaving again me again, mommy?" she pouted. Napatingin naman ako kay mama na nakangiti lang, kinuha niya si Eloise saakin at inilibang.

"Gusto mo eat ka ng... cake? Meron doon sa kitchen, tara doon," pag lilibang niya.

Sumenyas pa siya sa kamay niya na umalis na kami para hindi na umiyak si Eloise kapag nagpaalam pa ako kaya umalis na kami at agad agad na umalis sa lugar na 'yon.

Hindi pa kami dumiretso sa condo dahil hindi pa pala nakakabili ng alak ang mga kaibigan ko kaya pumunta muna kami grocery para bumili.

Ambag ambag naman dahil paniguradong mamamatay na ang wallet ni Elijah kapag siya ang nagbayad ng lahat.

"Ezryn..." pagtawag ni Elijah saakin nang maiwan kaming dalawa dito sa snacks section.

Lumingon ako sakaniya at tinanong siya gamit ang mga mata ko. "Puta 'wag na nga lang," bulong niya saka naglakad na palagpas saakin, kinuha niya ang isang chips at inilagay iyon sa basket na hawak ko.

"Ano ba 'yun?" tanong ko nang mailapag niya ang pagkain sa basket.

Umiling naman ito kaya kinuha ko ang balikat niya para maiharap siya siya saakin, "Ano nga? Kanina ko pa napapansin na parang may gusto kang itanong saakin, ano 'yun?" tanong kong muli.

Natatawa siyang umiling, "Wala nga. Kalimutan mo na 'yon.." sagot niya. Binitiwan ko na siya at naglakad na para kunin ang ibang pwedeng kainin.

Nang makabalik naman sila Allysa ay mariin ang tingin nila kay Elijah, sinisiko pa nila ito kaya dahan dahan akong lumapit sakanila para makinig.

"Ano? Natanong mo na?" tanong ni Marielle. Inosenteng umiling si Elijah.

"Amputa. Kaya nga namin kayo iniwan para matanong mo na si Ezryn na maging girlfriend mo, e." sabat ni Allysa.

"Huh?" sabat ko naman, nagsigilid naman ang tatlo naming kaibigan, si MJ ay pabalik balik ang tingin saaming dalawa ni Elijah habang kumakain.

Habang si Marielle ay masama ang tingin kay MJ kahit na wala naman itong ginagawa.

"Ez..." bulong ni Elijah.

"Girlfriend? Tama ba 'yong narinig ko?" tanong ko kay Allysa naka nakatulala saamin at hindi umiimik.

"O-oo.. tatanungin na sana kita, kaso baka ayaw mo pang pumasok sa relasyon kaya hindi ko na tinanong pa." utal na sagot niya.

"Ayaw ko talagang pumasok sa relasyon, pero 'pag ikaw, go," I smiled. Kinurot naman ni Marielle ang tagiliran ko.

"Oh so pa'no? Kayo na, 'di ba? So tara na po opo at alas syete na ng gabi," wika ni Allysa.

"Anong kami? Siraulo ka? Mamaya na, tara na," umirap ako at nauna nang maglakad papunta sa cashier. Ambag ambag kaming nag bayad at pumunta na sa condo, naka imbita pala ang boyfriend ni Allysa and Marielle.

Sinamahan naman ako ni Elijah na ihanda ang mga alak at pagkaing pinamili namin, si MJ ay inggiterong pinapanood sila Allysa at Marielle na makipag landian sa sari-sariling boyfriend.

"Gusto mo talaga ako?" walang emosyong tanong ko kay Elijah, narinig ko ang maliit na tawa niya habang inilalabas sa plastic ang mga alak. Ako naman ay ang mga pagkain ang inilalabas. "Bakit ako?"

"At bakit hindi ikaw?"

"May anak ako."

"Valid reason, please." hindi siya nagpatalo.

"Valid reason? Iyong may anak ako sa ibang lalaki, hindi ba 'yon valid reason para sa 'yo?" I raised a brow.

"Nope." umiling siya. "Ano ngayon? I can be her father, tapos sundan na lang natin kapag kasal na tayo," he smiled.

Palaro kong pinalo ang braso niya at umirap, "Siraulo ka talaga. Pero bakit ngayon ako? I mean... madaming babae dyan na walang anak, pero bakit ako pa?"

"Kilala ko ba sila? Matagal ko na ba silang kilala? Alam ko na ba ugali nila?" inilapit niya ang mukha niya saakin, kaya naisandal ko ang sarili ko sa dulo ng counter top. "Hindi, 'di ba?"

Wala sa sarili naman akong napailing. Hindi ko alam bakit naa-attract ako sa Adam's Apple niya kapag lulunok siya, sinubukan ko namang umiwas pero hindi ko magawa sa hindi ko malamang dahilan.

"Now stop asking me kung bakit ikaw, o kung bakit ikaw ang babaeng nagustuhan ko, hmm? Kung bakit ikaw, saakin na lang 'yo-" he stopped talking when someone tapped his back.

"Ano 'yan? Gagawa kayo ng bata dito sa kusina, Elijah?" sarkastiktong tanong ni Allysa, agad akong umalis sa gitna ni Elijah at agad din naman niyang inalis ang mukha sa tapat ng mukha ko.

Umiling ako at pumunta na lang sa terrace. Bakit iba naramdaman ko kanina? Puta. Hindi ito pwede, may anak ako. Hindi pwede ang nararamdaman ko para sakaniya. Gago naman.

"Beer or wine?" tanong ni Marielle na sinundan pala ako, may dala siyang wine glass at bottle of beer. Kinuha ko ang beer at hindi nagdalawang isip na itagok 'yon. "Problem?" tanong niya. Tumingin ako sakaniya at mulng umiwas.

"Bakit iba ang nararamdaman ko sakaniya, Marielle? Hindi pwede 'to, e, may anak ako, Yelle." pagsabi ko. Ininom niya ang wine niya at sumandal sa railing ng terrace gaya ng ginawa ko.

"Wala akong nakikitang problema kung may anak ka, Ez. Alam mo ang problema? Ang trauma mo, right? Na-trauma ka kay Shiro, kaya pinipigilan mo ang sarili mo na may maramdaman kay Elijah," wika niya na tinanguan ko. Tama siya. This is all because of my trauma.

"Cut that. Kilala mo naman si Elijah, 'di ba? Hindi siya ganoong tao. Masyado siyang mabait na tao, Ez, alam mo 'yan. May respeto siya sa mga babae. Hindi ka niya kayang saktan kapag naging kayo," patuloy niya at tinapik ang likod ko. "Advice lang 'to, hmm? The decision is on you pa rin." she said before walking inside.

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now