Chapter 38

1.2K 31 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maghahanda ako ng gamit namin ni Eloise.

Hindi na ako namroblema sa kakainin namin dahil si mama na ang nagpatuloy kila manang. Nang bumaba naman ako ay naka lagay na sa rectangular chafing dish food warmer, isa isa ko iyong tinignan.

"'Yung manok po, asan?" tanong ko nang walang makitang chicken lollipops na nakalagay. Favorite 'yon ni Eloise, baka umiyak siya kapag wala iyon.

"Niluluto pa lang po, Ma'am," ngumiti ang isang maid. Nginitian ko siya pabalik at bumalik na sa itaas. Nakita ko namang gising na si Eloise at nanonood nanaman sa iPad. "Halika, samahan mo ako dito, pick your clothes for today, Eloise." kinuha ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa closet.

Nang makapili na siya ay bumalik na siya sa kama. Tinawagan ko naman iyong resort na pina-reserve ko para saamin lang, dahil ayokong mag-swimming si Eloise sa pool na may kasamang iba.

Ayokong makainom siya ng tubig na may dura o ihi na ng iba. Kadiri.

All set. Inaantay na lang namin sila Elijah na dumating dahil sa iisang sasakyan na kami sasakay. Hindi kasi kaya kapag iyong raptor niya ang gagamitin or kung ang sasakyan ko.

Masyadong maliit ang akin, kulang sa space, ang kanya naman ay malaki, kaso, sisikip din dahil sa mga gamit kaya hiniram ko 'yung van na ginagamit nila mama at papa kapag umaalis.

Nang makarating na sila, agad nagpabuhat si Eloise kay Elijah. Batang 'to, akala mo ay hindi mabigat.

Tinulungan ako ni Marielle at Allysa na maglagay ng mga pagkain sa kotse, habang si MJ ay nakikipag laro doon kay Eloise. Baliktad.

"Tara na," pag aya ni Marielle nang matapos kami. Alas syete pa lang, at gabi na kami uuwi dahil hindi na ako nagpa-reserve pa ng hotel doon dahil hindi rin naman 'yon ang napag usapan.

Sabay sabay kaming sumakay ng van kaya nagsimula nang mag drive ang driver nila mama. While on our way, I received a text message from tita Angelie.

From Tita:
Ezryn, kmusta kna? Limang taon na smula nung kunin kna nla.

To Tita:
I'm okay, ta. Sana ikaw din.

From Tita:
Ayos lang ako, iyong mga gamit mo pala dito, saan ko ipapadala?

To Tita:
Sa 'yo na lang 'yan. Hindi ko na kailangan ng mga gamit na iyan.

From Tita:
Kmusta kayo ni Shiro?

To Tita:
We broke up five years ago. May tanong ka pa ba?

Hindi na niya ako nireplyan pa. Hindi ko alam bakit a siya nagparamdam. I heard may asawa't anak na siya, good for her.

Hindi ko rin makakailang galit pa ako sakaniya dahil una palang pala ay alam na niya pero pinili pa rin niya ang itago sa 'kin ang mga 'yon, halos buong buhay kong hindi nakasama ang tunay kong mga magulang dahil sakaniya, sakanila.

"Are you okay?" tanong ni Elijah nang mapansing nakatulala ako. Wala sa sarili ko siyang nilingon at ngumiti.

Tinanguan ko na lang siya at hindi na umimik pa hanggang sa makarating na kami sa resort na pina reserve ko.

Hindi ko na inintay pang pagbuksan ako nung driver ng pinto at bumaba na. Entrance pa lang 'to pero maluwang na.

Wala pa kami sa gitna ng resort na 'to. Inassist ako ng isang staff, habang ang iba naman ay nakangiti at nakatingin lang saakin.

Pinakita niya saakin ang kinuha kong cottage. Maluwang ang kinuha ko dahil maraming gamit, atsaka para komportable ang lahat.

"Ang luwang ng resort na pina-reserve mo, Ezryn! Nakakahilo!" reklamo ni MJ nang makarating sa cottage. Inirapan ko ang reklamo niyang iyon at umalis na muna para tignan ang mga pools. Maluluwang talaga. Ininvite ko rin si Zaliah and Ashtriella, and their boyfriends.

"Sila Devin? Makakarating ba?" tanong ko kay Marielle nang makabalik, buhat-buhat naman niya ngayon si Eloise.

Siya lang talaga nakakatagal na magbuhat kay Eloise o sumama sakaniya, ako na sarili niyang ina hindi ko magawa dahil ang bigat niya saka ang kulit.

"Yes. Pero mamayang lunch daw," tumango siya.

"Kasama ba si Shiro?" tanong kong muli.

"Bakit? Papayag ka bang isama iyon?" sabat ni Allysa na inilingan ko.

Madaming beses ko na siyang pinagbigyang makita si Eloise, ilang beses na rin niyang nahawakan at nayakap ang anak ko, at hindi na ako papayag na madagdagan pa 'yon.

Doon na yun magtatapos, hindi na niya pwedeng mahawakan, o mayakap man lang ang anak ko. Hindi na ko papayag.

Nang magising na si Eloise ay agad siyang binihisan ni Marielle. Siya na daw ang sasama kay Eloise na mag swimming, kaya pinayagan ko na dahil gustong gusto naman ni Eloise.

Habang nag aayos ng gamit sa kwarto ng maluwang na cottage na ito ay bigla namang dumating sila Devin at Caleb, inabot naman nila saakin ang isang maliit na kahon na nakabalot.

"What's this?" I asked.

"Regalo ni Shiro sa anak niyo..." My eyes widened because of what he answered. "Ni Elijah." I sighed heavily.

"Ah, pakisabi, salamat, pero hindi naman niya kailangang regaluhan pa ang anak ko," I faked a smile.

Tumango sila at umupo na, hinandaan ko sila ng pagkain bago sinundan sila Marielle na ngayon ay nagsi-swimming na, nakangiti siya habang pinapalangoy siya ni Marielle.

Muli akong umalis don nang tawagin ako ni Elijah. Inayos lang naming dalawa ang gulo dahil may pinapasok daw silang ibang tao dito sa resort eh ang laki-laki ng binayad ko mai-reserve lang 'to.

"No! Nagbayad ako ng singkwenta mil para lang mai-reserve 'to!" pagmamatigas ko nang magpumilit ang mga taong nasa harap ko.

"Eh hindi po ba pwedeng maki-share kami sa pools dyan? For sure naman po hindi kayo makasarili, 'no?" sarkastiktong sagot ng isang babae na mukhang teenager.

"Hindi ako makasariling tao. Kung kilala mo ako, hindi mo 'yan masasabi saakin." paglaban ko. "Kaya nga ako nagpa-reserve ng resort dahil sa birthday ng anak ko, hindi para makasama kayo, mabuti sana kung hindi niya birthday, papayag ako."

"Ang sama naman ng ugali ng babaeng 'to." rinig kong bulong ng kasama nilang bakla.

May bumabang pamilyar na babae mula sa van na sasakyan nila, medyo matangkad, at maputi.

Naka-krus ang braso niya, nakasimangot pa, pero nang magtama ang tingin naming dalawa ay namilog ang mga mata niya at napaawang ang mga labi. Kumunot ang noo ko, pamilyar na pamilyar siya, parang nakita ko na siya sa panaginip or what.

"Ate Ezryn?" narinig ko ang pangalan ko kaya muli ko siyang nilingon.

"Shertia, kilala mo 'to?" tanong ng kasama niya.

Tama ang nasa isipan ko. Si Shertia nga. Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. Ang laki na niya, ah. Tinanguan niya ang mga kaibigan niya at tumingin sakanila.

"Ex-girlfriend ni kuya Shiro," she answered.

I bit my lower lip, "Sige na, ate, sunod ko na lang 'yung idadagdag kong twenty thousand, papasukin niyo na po sila," I smiled.

Ngumiti silang lahat at nag uunahan na pumasok. Sinundan na din sila ni Elijah kaya naiwan ako dito na kasama si Shertia.

"Kamusta ka?" tanong ko saaniya habang mabagal kaming naglalakad papunta sa cottage.

"I'm okay, ate! You know what? Nung naghiwalay kayo ni kuya, grabe 'yung iyak namin ni Mommy! Kasi... hindi ka na namin makikita ulit. Tapos ate alam mo si kuya? Kapag kaharap niya kami, ang cold niya, and lagi siyang naka simangot, walang nginingitian, pero kapag nasa kwarto niya siya, ate? Lagi niya tinitignan 'yung pictures ninyo sa computer niya! There's this one time na nakabukas 'yung door ng room niya, so sumilip ako and nakita ko siyang walang suot na damit sa swivel chair niya, then when I looked at his computer, I saw you kissing him on lips! Siguro thirty minutes or one hour niyang tinitigan 'yon!" pagdaldal niya. Hindi ako na-inform na madaldal pala siya.

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now