Chapter 43

1.3K 29 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay matapos kong kitain ang mga kaibigan ko ay nakita kong nakabihis na si Eloise, nakaupo siya sa sofa ngayon at kasama si Shiro.

"Saan punta niyo?" tanong ko. Hinalikan ko si Eloise sa pisngi at ngumiti naman kay Shiro.

"Mall! Let's go, mommy!" excited na sagot ni Eloise.

"Kanina ka pa niyan inaantay, eh." ngumiti si Shiro. "Hanggang 8pm lang, Ezryn. Iuuwi ko kayo rito,"

"Uhm... okay."

Hindi na 'ko nakatanggi pa dahil nakabihis naman na si Eloise. Nang makarating kami sa mall ay napagdesisyunang kumain muna bago pumunta sa arcade.

Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa arcade. Marami kaming nilaro at nakakuha rin ng stuff toy si Eloise galing sa claw machine, tinulungan siya ni Shiro.

We also took pictures from SnapShot. Nilagay ko muna 'yon sa bag dahil baka magusot kapag sa bag ni Eloise nilagay.

"Dito lang ba kayo? I need to buy a perfume sa Dior, eh." tanong ko kay Shiro.

"Sama na kami sayo, tapos na rin naman kami maglaro." he answered.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa Dior akala mo nama'y mauubusan ng pabango. Pagdating ko ro'n, inassist agad ako ng saleslady sa perfume na gusto ko.

"What do you think about this scent, Shiro?" I asked.

"Smells good," he smiled. "Pero mas bagay sayo yung sweet and mild scent."

Kinuha ko 'yong perfume na sinasabi niya at babayaran na sana nang makita ko ang lipstick kaya napunta nanaman doon ang atensyon ko.

"Hmm? Red or Light pink?" I asked Shiro. Talagang siya ang tinatanong ko eh 'no kahit na wala naman siyang alam sa mga gan'to.

"Red." he answered.

Nililibang niya si Eloise para hindi siya mainip. Kinuha ko na agad ang red lipstick dahil baka mainip na si Eloise.

Marami pa kaming pinuntahan, nang makauwi naman na ay dito ko na pinatulog si Shiro dahil gabi na rin at malakas na ang ulan.

Binigay ko ang damit niya at pinasuot 'yon sakaniya.

"Dyan ka sa kaliwa, ako rito sa kanan." sabi ko nang makapag bihis na. Tulog na agad si Eloise dahil sa pagod.

"Lights on or lights off?" I asked.

Nanlaki ang mata nito saakin, "W-what?"

"Hindi kasi ako makatulog pag may ilaw." paglinaw ko.

"Ah. Papatayin ko na lang 'tong lamp para mahimbing kang makatulog." he said. Agad naman niyang pinatay ang lamp nang tumango ako.

"Okay na ba sayo 'yung lamig ng aircon? Gusto mo iswitch ko pa yung isa?" I asked. Alam kong hindi 'to sanay sa gan'tong lamig ng aircon. Gusto pa niya ng mas malamig.

"Pwede?" nahihiyang tanong niya.

Tumayo ako at swinitch ang window type aircon. Kaya dalawa ang aircon dito dahil madalas kulang pa kay Eloise ang lamig nung split type kaya bumili ako ng isa.

"Okay na?" I asked. Tumango siya kaya bumalik na ako sa pagkakahiga. Parehas kaming nakayakap ngayon kay Eloise, ang kamay niya ay nasa ibabaw ng kamay kong nakayakap kay Eloise.

Kinabukasan, tulog pa rin silang dalawa, hindi manlang nabago ang pwesto ko.

Hindi ko papatayin ang dalawang aircon dahil paniguradong magigising ang isa sakanila, kahit na lamig na lamig na 'ko.

Bumaba na lang ako para magkape, naabutan ko pang nagkakape si Papa sa dining table.

"Good morning po," bati ko st hinalikan siya sa pisngi.

"Where's Shiro? Wake him up para sabay-sabay na tayong kumain ng umagahan dito," utos niya.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay umakyat agad ako para gising si Shiro, hindi na si Eloise dahil magagalit siya.

"Wake up, sabay-sabay na raw mag-breakfast sa baba," inalog ko ang balikat niya.

He hummed as a response.

"Wake up, Shiro." utos ko. Pumunta muna ako ng walk-in-closet para magpalit. Mamaya na 'ko maliligo pagkatapos kumain ng breakfast.

"Good morning po Tito." magalang na bati ni Shiro.

"Sit beside Ezryn," he commanded.

Umupo naman ito sa tabi ko at nagsimula nang kumain.

"Mukhang hindi ka pa makakauwi ngayon, Shiro. Stranded ka, baha na sa daan dahil malakas ang ulan kagabi at hanggang ngayon umuulan pa rin," sabi ni Mama.

"Susubukan ko pong umuwi, Tita. Maaga pa po kasi ang meeting ko bukas..." bakas pa rin ang hiya sa boses niya.

"Dito ka na lang ulit matulog kung hindi pa huhupa yung baha hanggang mamaya." sabat ko.

Tatlo silang napatingin saakin dahil sa sinabi ko.

"Kesa naman ma-stranded ka sa daan, mas delikado 'yon," pahabol ko.

"Tama si Ezryn, Shiro. Dito ka na ulit matulog mamayang gabi," pagsang ayon ni Papa.

"Uuwi na lang po ako mamayang madaling araw, Tito, Tita. Maaga po kasi talaga ang meeting ko bukas." he said.

Hindi na 'ko sumagot pa. Bakit ba ayaw niyang matulog dito?! Ang choosy naman niya! Minsan na nga lang akong pumayag na dito siya matulog, choosy pa!

"Maliligo ka na ba? Para mahiraman na kita ng damit kay Papa ngayon." tanong ko nang makabalik kami sa kwarto.

"Why do you want me to sleep here?" he asked.

Umirap ako at inayos ang higaan kahit na tulog pa rin si Eloise.

"Hindi kita gustong matulog dito." I sighed heavily. "Inaalala ko lang na baka 'pag sinubukan mong umuwi, ma-stranded ka pa sa daan. Delikado 'yon."

Hindi na siya sumagot. Humiga siya sa tabi ni Eloise at hinalikan ang anak namin.

"Huwag mong gigisingin 'yan kung ayaw mong magalit." paalala ko. "Maligo ka muna, hiraman lang kita ng damit kay Papa."

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ng magulang ko kung saan si Papa.

"P'wede pong humiram ulit ng damit ni Shiro?" tanong ko.

Ngumiti saakin si Papa at tumayo para pumunta sa walk-in-closet kaya sumunod na 'ko sakaniya.

"'Yang silk pajamas para mamayang gabi na niya 'yan para hindi ka pabalik-balik dito, ha?" sabi ni Papa sabay abot saakin ng damit. "Sigurado ka bang okay lang sayo na matulog siya rito?"

"Para kay Eloise po. Alam ko gusto pa niyang maka-bonding ng mas matagal ang Daddy niya kaya ibibigay ko 'tong araw na 'to sakanilang dalawa." I answered.

"Tama, huwag mo rin siya masyadong pagbabawalan, 'nak." sabat ni Mama. "Andito naman sila sa loob ng bahay, hayaan mong gawin nila ang gusto nila."

"Hindi ko naman po pinagbabawalan, Ma. Minsan pinipigilan ko lang po kasi hindi ko gusto 'yung ginagawa nila," pagsagot ko.

"Hayaan mong mag-enjoy si Eloise kasama ang Daddy niya, huwag mong pagbabawalan para hindi sila mabibitin. Matagal-tagal silang hindi nagkasama, isang araw lang 'to, 'nak. Ibigay mo na."

THE CEO's WEAKNESS

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now