Chapter 29

1.2K 26 0
                                    

"Ma, iwan ko muna sainyo si Eloise, ha, sunduin lang namin yung kaibigan namin sa Airport." I told my mom as I walked downstairs and saw her sipping on her tea while watching on the television.

"Oh, sure. I'll take care of her, anak." she smiled.

"Ando'n po siya sa taas, kasama ni ate Maricel." tumingin ako sa relo ko nang marinig ang busina ng kotse ni Marielle. "Gotta go, bye!" I kissed her cheeks and ran outside to ride the car.

Si MJ ang nakaupo ngayon sa shotgun seat, habang si Marielle naman ang magda-drive, kaya ang kasama ko dito sa backseat ay si Allysa.

"Alam ni Elijah na kasama ka?" tanong ni Allysa habang ang atensyon ay nasa telepono. Nagsimula nang mag-drive si Marielle, habang ako ay nakatingin lang sa daan at naka-krus ang braso.

"Hindi." umiling ako.

"Oy Ezryn!" lumingon saakin si MJ habang nangaasar gamit ang mapangasar niyang ngiti.

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Ano?" mataray na tanong ko.

"Namimiss ko na 'yung inaanak ko, kailan ko ba siya pwedeng makita ulit?... Ano nga ulit pangalan niya?" tanong niya.

"Wow. Ninong ka hindi mo alam? Inutangan mo na si Eloise ng regalo, hindi mo pa alam ang pangalan niya? Malupit ka." Marielle laughed.

"Kung ako sa 'yo Ezryn tatanggalin ko na 'yan bilang ninong ng anak ko, baka kalandian lang ituro nyan sa bata." sabat naman ni Allysa. Ngumuso si MJ at tumingin saakin, pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"Ano ngang pangalan niya?" tanong niyang muli.

"Eloise Theanell." I answered, bigla namang napatingin saakin si Allysa.

"Eh apelyido?"

"Salaz- Avila." putol na wika 'ko. Ayokong ilagay ang apelyido ng tatay niya sakaniya, maganda naman ang apelyido ko, pwede na 'yn.

"Elijah!" sigaw ni MJ nang makita si Elijah na nagtutulak ng trolley niyang naglalaman ng mga maleta. Lahat sila lumapit sakaniya, habang ako ay naiwan dito, mag-isa.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa, kaya pasimple ko siyang nilapitan at ngumiti. "Welcome home." I greeted.

Binitawan niya ang trolley niya at niyakap ako.

"Hindi ka galit saakin?" I asked.

"Bakit ako magagalit sa kaibigan ko? May rason ba?" he sarcastically asked back.

"Pinili 'ko ang isang lalaki over you... You should be mad at me.."

"Gusto kong magalit sa 'yo pero 'di ko magawa. Hindi kita matiis." he smiled.

Niyakap ko siya pabalik saka na kami sumakay sa kotse, magkatabi kami ni Elijah na sumakay sa shotgun seat, habang si Allysa ay kausap 'yung boyfriend niya na kaibigang ng ex ko.

"Wala na kayo?" tanong ni Elijah.

Mapait akong ngumiti at tumango. "He cheated."

"Sorry."

Natatawa akong tumingin sakaniya at nagtaas ng kilay.

"Sorry dahil wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ng masasandalan."

Palaro 'kong pinalo ang braso niya at maliit na natawa. "Ayos lang. Saka, after that pain, I found my rest and home." I smiled.

"And who's your new rest and home?" he asked with his brows furrowed.

"Eloise Theanell, sayang wala ka dito nung binyag niya, ninong ka sana."

Tumingin naman saamin si MJ. "Buti pa 'ko, ninong ako." pang iinggit niya, natawa naman si Marielle habang nagda-drive.

"Oo. Ninong ka nga at madami ka na ding utang kay Eloise." sabat ni Marielle.

Wala nang nagsalita pa saamin hanggang sa makarating na kami sa dating condo unit ni Elijah. Tinulungan namin siyang magbuhat ng gamit niya, at tutulungan din namin siyang mag ayos.

Nakapasok na ang lahat sa unit niya at ako na lang ang naiwan dito sa labas dahil mabigat ang dala ko at hindi ko ito kaya inantay ko na lang si Elijah na balikan ito. I saw Shiro who's carrying a small box, I looked away and tried to hide myself.

"Ezryn, pasok ka na don, ako na dito." wika ni Elijah. Nagtama ang tingin nila ni Shiro kaya dali dali akong pumasok at umupo sa couch.

"M-may... may gago sa labas.." bulong ko.

Kumunot ang noo nila Marielle at Allysa saka lumabas. Magkalapit na sila ngayon ni Elijah, nakabulsa ang mga kamay ni Shiro, habang si Elijah naman ay naka krus ang mga braso.

"Bakit mo ginago kaibigan ko, dre?" seryosong tanong ni Elijah. Dinala ni Marielle at Allysa yung kahon sa loob kaya naiwan ako dito na nagpapabalik ang mga tingin sakanilang dalawa. "Pinagkatiwala ko siya sa 'yo, 'di ba? Pero ginago mo lang. Sana hindi na lang ako umalis, sana andun ako nung sinaktan mo si Ezryn, Salazar."

"Elijah, pasok na tayo dito." pag-aya ko.

"Oo. Sana andun ka para nakita mo kung paano ako pinagtabuyan ng kaibigan mo. I don't know how many times I have tried to explain my side on her, but she chose not to listen." wika ni Shiro. I bit my lower lip and looked at Elijah.

"And who the fuck stupid to listen on your fucking side? You cheated. Ano pang ipapaliwanag mo?" Elijah licked his lip.

"Nagloko? Puta, hindi ko alam na nagloko pala ako." Shiro laughed sarcastically.

Gumitna ako sakanila. "Ano sa tingin mo ginawa mo? Kinama mo ang sarili mong kaibigan habang may girlfriend ka, bonus, binuntis mo pa. Hindi ba 'yon cheating?" pagsabat ko.

"Wow. Binuntis mo pala pare, e. Gago ka pala e!" Elijah wss about to punch him but I held his hand.

"Hindi ko binuntis. Nabuntis ko." Shiro defended himself. "Saka, kung magsalita kayong dalawa, parang ginusto ko, ah."

"Kung hindi mo 'yon ginus-"

"Babe, let's go. Axl is waiting for us to pick him up." sabat ni Francine at hinawakan ang braso ni Shiro.

Mariin na tumingin si Shiro kay Elijah bago hinawakan ang tagiliran ni Francine at sabay na silang umalis. Dali dali akong pumasok sa loob at kumuha ng maiinom. He changed.

Hindi niya alam na may anak kami. Dati, may balak pa akong sabihin sakaniya na may anak rin kami, pero ngayon, wala na. Hinding hindi ko na sasabihin sakaniya ang tungkol kay Eloise. Hindi na siya 'yung taong pinalaya ko. Hindi na siya 'yung taong minsan kong minahal.

Alam ko naman na lahat ng tao nagbabago, pero sa lahat ng tao, siya ang hindi ko inaasahang magbabago.

Sabagay, iba na ang nagmamahal sakaniya, hindi na ako. Una pa lang alam ko nang malaki ang ipagbabago niya kapag nagpatuloy ang relasyon nila.

And, it is okay. As long as hindi niya nalalaman na anak niya si Eloise, okay lang. Wala akong pakialam sakaniya.

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now