Chapter 10

2K 35 0
                                    

Tumawag sa 'kin si Zaliah at sinabihan ako na hinahanap ako ni Engineer Marquez. Hindi ko pala sakaniya nasabi na mawawala muna ako ng dalawang linggo kaya tinext ko na lang siya.

Bumaba na din ako agad at nakita si Shiro na nakatulog na sa sofa, si Shertia ay pinaglalaruan ang matangos na ilong ng kuya niya, ako naman ay tumulong na sa kusina na magluto.

"Girlfriend po kayo ni Sir Shiro, ma'am?" tanong saakin ng isang kasambahay habang naghihiwa ako ng rekado.

I chuckled, "Hindi po, hindi ko po siya boyfriend."

Tumango na lang siya at hinugasan ang mga nahiwa kong rekado, nilutuan ko na din ng pritong manok si Shertia para kapag ayaw niya ng ulam ay may makakain siya agad.

Habang kumakain ay may tumawag saakin, kukunin ko na sana 'yon nang bigla akong pangunahan ni Shiro, sinagot pa niya iyon.

"Who's this? My wife is busy, what do you need?" tanong niya sa kabilang linya. Amputa. Si MJ pa naman 'yung tumatawag!

Pinatay na agad niya 'yon at padabog na nilapag sa lamesa. Inirapan ko siya bago kinuha ang cellphone ko at tinext si MJ.

Ezryn Trishia:
i'm not his wife so keep your mouth shut, myles

I called him Myles. Ayaw na ayaw niyang tinatawag non, e.

MJ Ocampo:
ok, Mrs. Salazar

Umirap ako sa hangin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Epal talaga ng mokong na 'yun, misis amputa, ni wala nga akong balak maging girlfriend ni Shiro tapos... misis pa? Manigas siya.

Kahit kailan hindi ko jojowain si Shiro. Never in my life. Baka araw-arawin niya ko, charot. Ah basta, ayoko.

Hindi niya ako pinapansin kahit na kinakausap ko naman s'ya, para kaming mga tanga dito sa harap ni Shertia, magkatabi pero hindi pinapansin ang isa't isa. Wala naman akong kasalanan sakaniya, ah, ang arte naman ng lalaking 'to.

"Womanizer." pabulong na pang aasar ko. Totoo naman, e. Womanizer ang lalaking 'to, isa din 'yon sa rason bakit ayaw kong maging girlfriend niya.

Sumama ang tingin niya sa 'kin at agad ding tinanggal. Ako naman ay natatawang inirapan siya, mukha kasi siyang tanga, takot sa pusa pero babaero naman, tapos manghahalik ng babae kahit hindi naman niya girlfriend.

Tumayo ako at tinabihan na lang si Shertia, ngumiti pa ito saakin, si Shiro ay nahuhuli kong tumitingin tingin sa 'kin kaya binato ko na siya ng unan.

"What the hell is your problem?!" he yelled, I raised my middle finger on him and rolled my eyes.

Kapag sumisigaw si Shiro, natatakot si Shertia, siguro dahil ganon niya nakilala ang kuya niya. Lahat ata ay natatakot sa pesteng mokong na 'to, e. Pero ako? Tsk, hindi and never.

"Ezryn, let's talk!" turan niya saka lumabas ng bahay, nagpa-alam na din ako kay Shertia saka na siya sinundan.

"Oh? 'Di ka namamansin tapos bigla kan-"

"Stop playing with my feelings, Ezryn." wika niya, hindi pa ito nakatingin sa 'kin. Natawa na lang ako ng sarkastikto saka siya hinarap ng pwersa saakin.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now