Chapter 32

1.3K 25 0
                                    

Nang makababa ako ay andito na pala ang mga kaibigan ko, si MJ ay nakikipaglaro kay Noah, ang dalawang babae kong kaibigan ay nagke kwentuhan habang si Elijah ay seryosong nakatingin sa akin.

"Tara na." pag aya ko agad. Nagsitayuan naman na sila at sabay sabay na kaming sumakay ng kotse ni MJ. Sa wakas ay naupo ako sa backseat ngayon, si Marielle ang shotgun seat habang kasama ko naman dito sa likod si Elijah at Allysa. Ako ang gitna nila ngayon.

"Pustahan, mapupuno ang Nightmares Manila ng mura ni Ezryn," tumawa si MJ. Inirapan ko siya at tinignan na lang ang chat saakin ni Shiro.

"Bwisit na lalaki 'to, naka-leave ako, e, tapos magcha-chat pa about sa bahay niya," iritang bulong ko. Napatingin naman sa telepono ko si Elijah.

"Oh, 'di ba, wala pa tayo sa Nightmares Manila, nagmumura na," wika ni MJ.

"Sinong 'di mapapamura? Eh alam niyang naka-leave yung tao, e," I defended myself.

Shiro Ezekiel

Shiro:
hey, sorry sa istorbo, i just wanna ask kung kailan mo ko pwedeng samahan sa rizal

goodevening by the way

Ezryn:
walang good sa eve

Shiro:
:)

Ezryn:
ewan ko okay, hindi ko alam kung kailan kita pwedeng samahan don, para naman kasi wala kang mga paa at magpapasama ka para kang bata

Shiro:
Respeto.

Ezryn:
nye nye respeto respeto ako nga 'di mo nirespeto, e.

Shiro:
Uh? Tungkol pa ba sa bahay 'to, o hindi na?

Gotta go, my wife is calling. Enjoy, Architect.

Hindi ko alam pero bigla na lang gumilid ang mga luha ko sa sinabi niyang 'wife'. So kasal na nga talaga sila. Akala ko ba hindi niya ginusto? Pero bakit pinakasalan niya?

I just found myself, begging for someone to answer my questions, my whys, and my what ifs.

What if pinakinggan ko 'yung side niya? Kami pa ba ngayon?

Bakit niya nagawa sa 'kin 'yon?

Anong ginawa kong mali?

Paano siya nakakatulog sa gabi, kahit na alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako?

"Hey, let's go, andito na tayo," turan ni Elijah na nakababa na pala ng kotse. Agad kong tinago ang luha ko at bumaba na.

Nakahawak lang ako sa braso niya habang pumapasok kami sa loob, madilim pa dito, at, medyo maingay dahil sa ibang tao at mga teenagers na nagsisigawan. Bumukas ang kabaong sa harap ko at bumungad saakin ang taong dumudugo ang mata at lumuluha ng dugo, may dugo pa sa leeg niya na halatang nagpakamatay ang role niya.

Maybe... nagpakamatay because of depression? Baka nga. Ganun ang nakikita ko sakaniya, e. Some people have died because of depression, they're killing theirselves because they are tired.

Yes I know, depression is not a joke. But suiciding is not a key or a medicine to heal you. In order to heal yourself, you need to love yourself first. You need to accept yourself. You need to love who you are.

Lumayo ako doon at humawak sa damit ni Elijah, naka akbay siya saakin. Si MJ ay tumakbo naman pabalik saamin at kumapit din sa damit ni Elijah, habang ang dalawa naming kaibigan na babae ay nagkukurutan na ng tagiliran.

"Ah! Puta!" mura ni MJ. Palihim akong natawa at tinignan ang reaksyon ni Elijah, hindi naman siya natatakot. Ewan ko ba anong kinatatakutan ng lalaking 'to, hindi din siya takot sa mga extreme rides.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now