Chapter 37

1.2K 26 0
                                    

"Good morning,"

I heard Elijah's voice when I opened my eyes, and saw him shaking my shoulder to wake me up.

I looked at Eloise who's peacefully sleeping beside me. "Bangon ka na, aalis tayo ngayon, 'di ba?" wika niya.

Agad akong bumangon at nag ipit ng buhok kahit na maliligo naman na ako, hinalikan niya ang pisngi ni Eloise at humiga sa tabi nito, kaya pumunta na ko ng banyo at naligo na. Pagkatapos ko, tulog pa rin si Eloise pero nakayakap na ito kay Elijah.

"Wake up, Theanell." I shaked her shoulders softly. Hindi pa rin siya nagising kaya hinayaan ko na lang siyang matulog pa at kumuha na ng masusuot. "Which one?" I asked Elijah and showed him the two dresses.

"Why don't you try wearing pants? Or high-waisted pants? Mas bagay sa 'yo." he said, so I picked up my high-waisted pants.

Iyong black na ang isususot ko, para kahit puti na lang sa pang itaas. Muli kong pinakita sakaniya ang dalawang tops na pinagpipilian ko, pero wala akong mapili kaya siya na lang. "'Yong nasa kaliwa." so I wore it.

"Theanell, wake up." seryosong utos ko kay Eloise habang naglalagay ng earings. Naka ayos na ako lahat-lahat, tulog pa ang amo ko. Puyat pa. "Theanell ha, wake up." pag ulit ko.

"Bakit mo kasi tinatawag na Theanell?" tanong naman saakin ni Elijah. Inirapan ko siya at lumapit na kay Eloise.

"Eloise, wake up." nilapitan ko siya ulit.

Hindi pa rin nagising, pero maya't maya ay bumangon na at agad na kinuha ang iPad pero inagaw ko iyon dahil kailangan na naming umalis.

"Ate Cel, paliguan niyo na po, 'yung gamit niya sa bag niya, nakahanda na, isunod niyo na lang po sa baba," ngumiti ako at sabay na kaming bumaba ni Elijah.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa bumaba na si Eloise. Naka dress siya dahil iyon ang inhanda ko, saka na siya pinakain ni ate Maricel.

"Saan tayo?" tanong ko kay Elijah nang makasakay kami ni Eloise sa sasakyan niya.

"Saan niyo ba gustong mauna? Ako kahit saan," tanong niya pabalik.

"Eloise, where do you wanna go?" I asked and looked at her who's smiling at us.

"Arcade!" excited na sagot niya, nag taas pa ng dalawang kamay.

"Come here," tinapik ni Elijah ang hita niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang tumingin siya saakin, "Hindi ikaw."

Bigla akong natauhan at umiwas na lang ng tingin. Si Eloise pala ang pinapaupo niya ro'n. Ayos, ah.

Nang makarating kami sa mall kung saan mag-a-arcade si Elijah ay agad akong bumaba, saka inayos ang suot ni Eloise dahil magulo siya sa sasakyan kanina. Mabuti na lang at hindi pa kami kumain dahil paniguradong madudumihan ang damit niya.

"What do you want to play?" I asked when we entered the arcade. Tinuro niya ang claw machine kaya nilapitan namin iyon.

"Madaya naman 'to, e," nakasimangot kong wika nang maibagsak nanaman ng claw ang stuff toy na kinukuha nilang dalawa.

Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro hanggang sa makuha na nila 'yon. Tuwang tuwa naman ang anak ko na hinawakan at niyakap agad iyon.

Tumakbo siya sa bump cars at tinuro iyon, hinawakan pa niya ang kamay ko para sabihin na sumakay kami ro'n pero umiling ako.

"Si tito na lang," pagpasa ko.

Agad niyang hinila ang kamay ni Elijah at sabay silang sumakay sa maliit na sasakyan doon. I took out my phone to took a picture of them having their quality time together. Ang close na nila. Na-itchapwera na ko.

After that, naglaro pa kami ng iba hanggang sa mag aya na si Eloise na kumain, kaya kumain na kami sa isang fastfood restaurant.

As much as I wantes to teach her to eat vegies, I can't. Masyado siyang picky eater. Wala akong nagagawa kundi ang pakainin siya ng gusto niya. Except chocolates and other sweet foods.

"Ninang!" she stood up when she saw Marielle who tapped my shoulder and smiled. Kasama niya ang boyfriend niya. Namamasyal siguro. Tagal na rin nila, e.

"Pinagpapawisan ka," pinunasan niya ang noo ni Eloise na basa dahil sa pawis. Natatawa naman akong umiling.

"Paanong 'di pagpapawisan niyan eh kakatapos lang maglaro," paninira ko, "O'nga pala, Yelle, sa fifth birthday ni Eloise sa susunod na araw, sa resort na lang, punta ka ha, you can invite your boyfriend." I smiled. Tinulungan ko na ein si Elijah na may dala ng pagkain namin.

"Wow. Ano 'to? Family date?" natatawang tanong ni Marielle.

Umirap ako at pinaupo na si Eloise para makakain na siya.

"Sira. Oh kung gusto niyo, umupo kayo don para hindi na magmukhang family date," utos ko.

"Ah no, may pupuntahan pa kami," pagtanggi naman niya. Tumango ako at sinubuan na si Eloise na ngayon ay nanonood na sa cellphone ko nang muling tinapik ni Marielle ang balikat ko.

"Sunduin kita mamaya sa bahay nin'yo? May party si Salazar sa mansyon niya sa Rizal, e, inimbitahan kami ni Devin, and, sabi niya I can invite you since hindi ka raw niya ma-i-message, hindi mo rin daw pinapansin mga e-mails niya, so ako ang ginawang messenger para masabihan ka,"

Napariin ang hawak ko sa utensils at umiling. Nagpaalam na rin sila dahil late na daw sila kaya kumain na kami.

"Bakit ka humindi?" tanong ni Elijah habang kumakain kami. Napatingin ako sakaniya at agad ding umiwas.

"Okay lang ba sa 'yo kung a-attend ako?" tanong ko pabalik.

"Ofcourse not. Ex mo 'yun, e." natatawa siyang umiling. "Pero ayoko ring hindi ka a-attend. Respeto lang kay Salazar, nakakahiya naman sakaniya kung hindi mo tatanggapin ang pag imbita niya, 'di ba? Nung ikaw ang nag imbita nung birthday ni Eloise, umattend siya. Kaya attend ka rin." pahabol niya.

"Sure?" I asked again.

"Yeah," tumango siya.

"A-attend ako, pero ikaw ang maghahatid at magsusundo saakin, okay?"

"Sure, ako naman talaga, baka doon ka pa matulog kapag hindi kita sinundo, e." tumawa siya.

Pagkatapos naming kumain ay binilhan ko lang ng bagong case 'yung iPad ni Eloise at umuwi na kami, mag-ga-gabi na ein kasi.

Agad akong nagbihis ng pang-party na outfit at sumakay sa sasakyan ni Elijah dahil siya nga ang maghahatid saakin. While on our way, I receive a text from him.

From Shiro:
I'm waiting.

Hindi ko na nagawang replyan 'yon dahil agad din kaming nakarating. Hinalikan ko si Elijah sa labi bago binuksan ang kotse para makababa na nang bigla siyang magsalita.

"Tawagan mo 'ko kapag uuwi ka na, 'wag kang matutulog dito."

Tumango ako at ngumiti saka na isinarado ang pinto ng kotse niya. Nang makapasok naman ay agad akong sinalubong ng halik sa pisngi ni Marielle, andito rin pala si Allysa.

"Thanks for coming, Architect." I heard his voice behind me. I plastered a small smile on my lips and looked away.

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now