Chapter 39

1.2K 29 0
                                    

After Eloise's day, pinatulog ko siya sa room ng cottage dahil good for three person lang ang kama, ayos lang din dahil nasa labas lang kami, at nagiinuman.

Sila Shertia ay umuwi na, pinahatid ko na sila sa sari-sariling bahay. Habang nagiinuman, napansin kong ako na lang pala ang inaantay para maipasa na kay Marielle ang shot. Paikot ang ginawa namin. Ininom ko 'yon at tumayo para umihi sandali, sinundan naman ako ni Elijah.

"Problem?" tanong niya nang makalabas ako galing banyo.

"Wala 'to, saka, wala naman akong problema, 'no!" umiwas ako ng tingin.

He stared at my lips and licked his lower lip, "Can I kiss you?", natawa ako sa tanong niyang 'yon at pinulupot ang kamay sa batok niya.

Hinawakan naman niya ang bewang ko at hinila ako palapit sakaniya, "Damn. You're so beautiful, Ez." he whispered before kissing my lips.

Humiwalay rin agad ako doon nang makita ang isang staff ng resort na 'to na nakatingin saamin. Nakakunot pa ang noo nito. Dali dali kong hinila si Elijah pabalik sa mga kaibigan namin at umupo.

Tinignan ni Marielle at Allysa aang itsura ko na para bang iniimbistagahan nila ako, kaya pinagtaasan ko sila ng kilay at umirap. Napasa naman ang tingin nila kay Elijah na ngayon ay nakikipag usap kay MJ. Tumatawa tawa pa ito.

"Anong ginawa niyo sa C.R?" tanong ni Allysa at inilapit ang bunganga sa tenga ko. Natawa si Marielle dahil sa tanong niya, halatang alam niya ang tanong saakin ni Allysa.

"Umihi ako, bakit?"

"Eh si Elijah?" sabat ni Marielle saka maliit na natawa.

"Ewan ko. Nagkasabay lang naman kami, e." pagdadahilan ko. Walang ginawa si Elijah doon kundi ang halikan ako. Hindi din siya umihi kaya hindi ko sinagot na umihi siya. Hindi rin pwedeng sabihin ko na hinalikan niya ako. Nakakahiya!

"Ezryn, paalala ko lang, ha, maluwang ang kama doon sa kwarto, doon kayo mag jugjugan, 'wag sa C.R, okay?" puno ng sarkasmo ang boses ni Marielle.

Pasimple ko siyang sinabunutan kaya sumama ang tingin nito sa 'kin. Si Allys ay kausap na si Caleb, habang si Devin naman ay may kausap sa telepono. "Hulaan mo sinong kausap no'n." ngumuso si Marielle at tinuro si Devin na nakatalikod saamin.

"Sino?"

"Ex mo," she whispered, halatang lasing na.

"Ay, tara na, tara na, uwi na tayo, lasing na 'tong isa." tumayo ako, nagtama ang tingin namin ni Elijah kaya maliit akong natawa.

"Lasing na rin 'to, oh," tinuro ni Caleb si Allysa na hinahalik-halikan siya sa leeg. Pumasok ako ng kwarto at binuhat na si Eloise.

"Kayo na bahala dyan, i-una ko na 'to sa kotse," mabilis na paalam ko. Nagmamadali din akong naglakad papunta sa kotse dahil baka mahamugan si Eloise. Isinara ko ang pinto, at inutusan ang driver na tulungan sila doon.

Nakatulog na rin ako kakahintay sakanila, at nagising na lang na nasa kwarto na ko, katabi na si Eloise, habang nakahiga sa dibdib ni Elijah.

Napapalit ako ng pwesto at si Eloise na lang ang niyakap, bumaliktad, si Elijah ang yumakap saakin. Hinalikan niya ang pisngi ko bago natulog ulit.

Nang magising, wala na si Eloise sa tabi ko kaya bumaba ako at tinanong si ate Cel kung saan ang anak ko. Pinasyal pala siya nila mama, hindi man lang ako sinabihan.

Bumalik ako sa itaas at niyakap na lang ulit si Elijah bago matulog. As I closed my eyes, I heard Shiro's voice.

"You're lying, Eloise is my daughter, Architect. She is my daughter. And I am her father,"

Dali dali akong bumangon at napahilamos sa mukha. "Shit..." bulong ko. Bakit ganoon ang narinig ko? Panaginip ba iyon?

Hindi na ako nakatulog pa kaya naligo na lang, nang magising si Elijah ay agad niya akong hinila pahiga ng kama at pumatong siya saakin.

"Dito talaga?" natatawang tanong ko.

"Why not? Wala si Eloise.." he answered as he started to plant kisses on my neck.

"D-don't put any... mark." halos hindi ako makapagsalita. I felt his warm breath on my neck that made me smile.

Saktong may kumatok naman sa pintuan nang matapos na kami sa ginawa namin.

I saw Eloise holding Shiro's hand while looking at me. My eyes widened and my lips parted when I saw him hiding his smirk.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makuha si Eloise.

"I picked her up. Your mom called me to pick them up, so I did." he sarcastically answered.

"Mommy, what's on your neck?" Eloise asked.

Nang tignan ko naman sa camera ng phone ko ang tinuro niya ay mariin akong napapikit. Bwisit talaga si Elijah!

"M-mosquito bite.." utal na sagot ko. I heard Shiro's smirk. "Pwede ka nang umalis,"

"Thank you," maliit siyang ngumiti at naglakad na paalis. Pinapasok ko naman si Eloise sa kwarto at pinaglaro siya sa iPad niya bago sinundan si Elijah sa closet, agad ko din naman siyang sinapak na kinatawa niya ng sarkastikto.

"Gago ka. Sabi ko 'wag mag iiwan, e!" pagrereklamo ko.

"Sorry," he laughed.

Inirapan ko siya at lumabas na lang ulit bago nilagyan ng concealer ang leeg ko at bumaba. Hinanda ko ang kotse dahil ihahatid ko si Elijah pauwi sa La Union ngayon.

"Eloise, where's your tito Elijah?" tanong ko.

Tinuro niya si Elijah na nakatayo sa likod ko at naka-krus ang braso, umirap ako at inaya na siyang bumaba dahil kailangan naming bumyahe ng maaga para maaga rin akong makakauwi.

Hindi na sasama si Eloise kasi baka maboring lang siya sa haba ng ibabyahe namin. Pangasinan pa naman 'yon.

Habang nagda-drive, may tumawag sa telepono ko. I asked Elijah to answer it so he did.

"Ezryn, hinahanap ka." pinasa niya saakin ang telepono, kaya ni-loud speaker ko 'yon.

[Hi, ate. Musta?] rinig kong boses ni Shertia mula sa kabilang linya.

[Ah... Shertia, paano mo nakuha ang number ko?] tanong ko. Wala akong ka-ide-ideya kung paano niya nakuha.

[Hiningi ko kay kuya. Sabi niya you're busy daw, are you?] her voice was so soft.

[Nag-da-drive kasi ako, Shertia, I'll just call you back later, bye!] agad kong pinatay ang phone call at binagsak sa baba ng kotse.

Hindi niya pwedeng ibigay ang number ko kahit kanino!

Pagkarating sa La Union kung saan nakatira si Elijah ay inaya niya akong pumasok sa loob.

Hihindi na sana ako nang biglang lumabas ang lola niya, kaya pumasok na kami.

"Try mo 'tong ube halaya ni lola," inabot saakin ni Elijah ang maliit na platong may laman na ube at kutsara nang makaupo kami.

"Gawa niyo po 'to?" tanong ko nang matikman iyon.

"Pasensya la, ag ko la kasi aaruman ta masamit katon matabang,"

Kumunot ang noo ko sa salita nila. What was that? Pangasinan language?

"P-po?" utal na tanong ko. Maliit na natawa si Elijah sa naging reaksyon ko.

"Taga iner ya, Elijah? Aga amo makatalos ya pangasinan,"

Kinakabahan ako baka hinuhusgahan na nila ang pagkatao ko dahil hindi ko maintindihan ang lenggwahe nila.

"Pasay.." sagot ni Elijah, "Talagang 'di 'to makakaintindi, la," he chuckled.

"Ah... Ikaw 'yung arkitekto na girlfriend ni Elijah, 'di ba?" tanong ng matanda. Natatawa naman akong tumango.

"Y-yes po.."

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now