Chapter 08

2K 45 0
                                    

Nang makapasok ako sa opisina ni Zaliah para ibalik 'yung perang hiniram ko sakaniya nung isang buwan ay padabog niyang sinara ang pinto.

"Bakit kayo naghahalikan ni Mr. Salazar sa condo niya kahapon, ha?" tanong niya sa 'kin nang matanggap niya ang 500 pesos.

"Huh?" painosenteng tanong ko, paano niya nalaman?

"Sinabi sa 'kin ni Ivan."

Inirapan ko siya saka lumabas ng opisina at pumasok sa opisina ko. Gago, bakit niya pinagsabi?! Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan 'yung mokong na 'yun!

Siguro naman 'di niya pinagsabi sa kahit sino, ano? I have to be sure. Mai-issue kami ni Shiro sa kompanya kapag pinagsabi pa niya sa iba.

Ayos lang naman kay Zaliah dahil hindi naman madaldal 'yung babaeng 'yun, chismosa lang.

Nakita ako ni Ivan sa labas ng office ko kaya nagtago agad ito sa gilid ni Shiro na naglalakad papunta sa office niya. Naglakad naman ako sabay sakaniya kaya napatingin ito sa 'kin.

Palabas na sana si Ivan sa opisina nang humarang ako at ni-lock ang pinto. Si Shiro naman ay pangisi ngisi lang at halatang walang alam.

"A-architect.. magseselos si-"

"So bakit mo sinabi sa kaibigan ko?" I cut him off.

Napa-atras naman ito dahil naglalakad na ako palapit sakaniya.

"Nadulas ako." pagdadahilan niya. Ulol Ivan.

"Why? Ano bang sinabi niya?" sabat ni Shiro. Halatang inosente.

"Master, nasabi ko kay Architect Abella na nakita ko kayong naghahalikan ni Architect Ezryn sa con-" hindi na naituloy ni Ivan ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang suntukin ni Shiro.

"Kanino mo pa sinabi?!" sigaw ni Shiro sakaniya habang hawak nito ang kolar ni Ivan, pilit 'kong kinukuha ang kamay niya pero ayaw niyang magpa-awat.

"W-wala na. Pasensya na, Sir." sagot ni Ivan na dumudugo na ang labi.

"You fucking shit!" sinuntok ulit siya ni Shiro saka na nagpa-awat saakin. Bakit ang pogi pa rin niya kahit nagagalit?

"Sir, excuse me, your Dad and your Mom is here," pagimporma sakaniya ng secretary niya.

Bakit timing pa? Gagi, galit si Shiro ngayon tapos... andito 'yung tatay niya.. what the heck?

"Another piece of shit." bulong niya bago inayos ang sarili niya at lumabas ng opisina. Si Ivan naman ay sumunod na sakaniya kaya lumabas na din ako.

Tumayo lang ako sa tapat ng opisina ko habang sinusundan sa tingin ang bawat galaw ni Shiro, kita ko ang pagpipigil niyang magmura.

Napadaan pa ako sa gawi nila dahil tinawag ako ni Zaliah na tumabi sakaniya nang biglang hawakan ni Shertia ang kamay ko saka ako niyakap.

"Hi ate!" bati niya. Tinapik ko ang ulo niya saka ngumiti.

"Hello, Shertia. Uhm... Punta lang si ate sa friend niya, ha? Mamaya, pasok tayo sa office ko, may ibibigay ako sa 'yo." maayos na paalam ko.

Tumango naman siya kaya lumapit na ako kay Zaliah, napatingin pa ito saakin na malamang ay nagtataka kung bakit ako kilala ng kapatid ni Shiro.

"Sabi na, e!" bulong niya saka kinurot ang tagiliran ko, "May something kayo ni Mr. Salazar, 'no?"

Napalayo naman ako sakaniya at napahawak sa tagiliran, "Walang something something na pinagsasasabi mo saamin. Kung meron man, ikaw ang unang makakaalam."

"Architect Avila, in my office please." pagtawag saakin ni Shiro, kinurot ulit ni Zaliah ang tagiliran ko bago ako tuluyang tinulak papalapit sa gawi ni Shiro.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now