Chapter 25

1.3K 29 0
                                    

"Ma, kakausapin niyo ba 'ko, o hindi? Pinapunta n'yo pa 'ko rito kung puro lang naman kayo walang imik." tinaasan ko ng kilay ang magulang ko.

Kanina pa ako nakaupo dito sa sofa, at silang apat naman ay nakatingin lang sa 'kin, walang imik.

"Ipangako mong hindi mo ilalayo ang loob mo saamin, Ezryn." sa wakas ay nagsalita na si Papa.

"Sabihin niyo na ang gusto niniyo, Ma, Pa. Madaming trabaho sa kompanya ang iniwan ko para lang makausap kayo dahil sabi niniyo, importante 'to." wika ko. Nagkatinginan naman si Mama at Papa, bago inabot sa 'kin ang brown envelope.

Nang buksan ko 'yon ay may nakita akong birth certificate, pangalan ko ang nakalagay doon, kung sino ang mga tunay kong magulang at kung saan ako ipinanganak.

"Bakit hindi niyo pangalan ang nakalagay dito?" inosenteng tanong ko sakanila.

Tinignan ko rin ang dalawa kong kapatid na pinagpapawisan na kahit naka-on naman ang electric fan. Mahabang katahimikan nanaman ang namuo saaming lima.

"Sasagutin niyo 'ko, o sasagutin niyo 'ko?" mataray na tanong ko.

"Hindi kami ang tunay mong mga magulang, Ezryn..." sagot ni Papa. Natawa naman ako ng sarkastikto bago isinandal ang sarili sa upuan at pinagkrus ang braso.

"Nice joke." I sarcastically laughed.

Bigla namang may pumasok sa bahay na, mag-asawa, sa gilid nila ay may batang lalaki, at sa likod nila ay 'yung mga maskuladong lalaki na nagpunta rito noong nakaraang linggo.

"M-ma'am.." utal na turan ni ate Elaiza.

Hindi siya pinansin ng babaeng nakatayo ngayon sa harap ko, at nakatingin lang saakin na para bang gusto akong lapitan pero hindi niya magawa. Ang asawa naman niya ay ganon din, nakatingin lang din saakin.

"Sino kayo?" mataray na tanong ko. Wala ata akong ginawa ngayong araw kundi magtaray dahil nag-away din kami ni Shiro nung isang araw. Ang epal kasi.

Agad naman akong niyakap ng babae ng mahigpit bago ako hinalikan sa pisngi. "Putcha." bulong ko nang maialis niya ang yakap niya.

"H-how are you?" tanong niya.

Pinagirapan ko siya ng mata bago inayos ang upo, at tinignan ulit ang birth certificate na iniabot sakin ni Papa kanina. Ibinalik balik ko ang tingin ko doon sa at sa mag-asawang nakatayo ngayon sa harap ko.

"Sa 'yo ata 'to, oh. Kapangalan ko pa anak mo." I smiled and gave them the birth certificate. Hindi ako naniniwalang hindi ako anak nila Mama.

"Ezryn, sila ang tunay mong magulang.." wika ni Mama, masama akong tumingin sakaniya bago ngumiti muli sa batang lalaki na nasa harap 'ko.

"What's your name?" I asked him.

"My name is Noah Atticus." he smiled back. "And you are?"

"Ezryn Trishia." I answered.

"Ezryn, pasen-"

"Isa isa sainyo, umamin. Ngayon!" inis kong saad at tumayo. Tumingin saakin ang dalawa kong kapatid.

"Hindi ka namin tunay na anak, Ezryn." pag-amin ni Papa.

"Paano niyo nasasabi ang mga 'yan? Dahil ba ilang linggo lang akong hindi nakapasyal dito, gagawin niyo na 'to? Dahil ba hindi ako nakapag bigay ng pera, gagawin niyo na 'to?" sunod-sunod kong tanong. Kanina ko pa alam, hindi lang talaga ako naniniwala.

"Sa tingin mo ba gano'n kami kababaw para gawin sa 'yo 'to?" sabat ng panganay na anak. "Kung ano man ang nangyayari ngayon, walang halong biro 'yon."

Humarap ako sa mag-asawa. "Kayo ba ang tunay kong magulang?" I tried to be calm. Tumango sila kaya mas lalong nagdagdagan ang nararamdaman kong sama ng loob.

"Why? Bakit niyo ko pinamigay sakanila? Akala niyo ba naging maganda ang trato nila sa 'kin?" sunod-sunod kong tanong pero kahit isa roon ay wala silang naisagot.

"Hindi." my voice broke. "Hindi naging maganda ang trato nila..." pagsumbong ko.

"Pero kahit gano'n? Wala akong sasamahan sainyo. Kahit... isa. Wala akong pipiliin. Pareho kayong may kasalanan saakin, so why would I choose between of you?" I sarcastically asked. "Galing."

"Nanakit kayo... nanakit kayo ng sobra sobra, bakit naman ganon? Kung kailan napamahal na ako sakanila, saka naman kayo lilitaw.."

Agad akong tumakbo papunta sa kotse at nagdrive na paalis nang sinubukang hawakan ng tunay kong ina ang kamay ko.

Hindi ko alam saan ako pupunta, pero gusto 'ko lang muna mapagisa. Hindi 'ko alam bakit nila kailangang ipamigay ang anak nila, tapos, kukunin nanaman nila na para bang laruan.

Sa huli, ay umuwi ako ng condo, at umakyat sa rooftop ng building na 'yon, tumungtong pa ako sa pinakadulo, dahil 'yun ang gusto kong gawin ngayon, ang magpakamatay, at saktan ang sarili.

"Hayop na buhay 'to," natawa ako ng sarkastikto habang dinadama ang simoy ng hangin at ang init ng araw. "Bakit pa ako binuhay, kung puro sakit lang naman mararamdaman ko?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam na aabot ang lahat sa puntong 'to, dati pa lang ay nakakuha na ko ng clue na baka hindi ako tunay na anak pero binalewala ko 'yon at ngayon, nagkatotoo.

Ang hilig nilang manakit, a-asta silang may care sa 'yo, pero sa huli, sila rin ang mananakit ng sobra. Grabe, bente singkong taon nilang itinago ang putanginang katotohanan na 'yon!

Nang umupo ako sa pinakadulo ay bigla namang may tumawag saakin. "Keep youself safe, Miss Avila... 'Wag na 'wag kang magkakamaling lumapit kay Salazar sa makalawa, baka madamay ka." banta niya bago niya pinatay.

Napatingin naman ako sa number na 'yon at tinext kay Shiro.

Shiro Ezekiel

hey, trace this number if you can. they called me and binantaan nila ako na 'wag daw ako lalapit sa 'yo sa makalawa.

0970*******

where are u love? are you okay? are you in a safe place?

don't mind me. trace that number, now.

tell me where u are.

just fucking trace it. 'wag mo muna akong intindihin, gusto 'kong mapagisa.

just keep yourself safe, okay? i'll see u tomorrow, i love you always

Hindi ko na siya nireplyan at pinatay ang phone. I blocked my two fake sisters, and deactivated my facebook account. Sinimoy ko ang hangin, bago nagtangkang bumaba pero may humarang na dalawang lalaki at may dalang baril.

"S-sino kayo? Paano niyo nalamang andito ako?" utal 'kong tanong habang naglalakad paatras.

"Architect Ezryn Trishia Avila." ngumisi ang isang lalaki, habang ang baril niya ay nakatutok saakin.

"Anong kailangan ninyo?" pinagtaasan ko sila ng kilay.

"Kung gusto mong makitang buhay pa ang kasintahan mo, 'wag na 'wag kang lalaban." sabat naman ng isa. "Kailangan lang namin ng isang bilyong piso galing sa kasintahan mo."

"Patayin niyo na lang ako. 'Wag na 'wag niyong idadamay si Shiro, please.." I begged.

"Wala naman kaming mapapala sa 'yo, pero,
pwede ka naming gamitin bilang panakot sa kasintahan mo." tumawa naman ng sarkastikto ang isa.

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now