Chapter 35

1.4K 34 0
                                    

Nang makapasok ng opisina ko ay sumunod naman saakin si Zaliah saka hinawakan ang palad kong may bandage pa din.

"Anyare dito?" tanong niya.

"N-nasugat ako sa bubog.." utal na sagot ko nang maalalang si Shiro ang unang nag gamot sa sugat kong 'to.

"O'nga pala, bago ko makalimutan, pinapasabi lang naman ng expensive mong ex na may ari ng kumpanyang 'to na pumunta ka sa opisina niya kapag dating mo, so go girl, punta ka na ron." excited na wika niya.

Iniwan ko siyang nakatayo doon at nakangiti, saka na pumunta sa opisina ni Shiro. Sa nakaraang apat na taon, ngayon lang ulit ako pumasok dito.

"Masakit pa?" tanong niya habang may pinipirmahang mga papeles. Nasa gilid lang niya ang secretary niya.

Hindi ako sumagot at umupo na lang sa couch dahil baka hindi ako ang tinatanong niya. Inantay kong makalabas ang secretary niya saka na ako umupo sa tapat niya.

"Why?" I asked.

"Masakit pa?" tanong niya pabalik. "Let me see."

Tumayo ako sa gilid niya at inilahad ang palad ko sakaniya, minasahe niya 'yon gamit ang hinlalaki niya habang hinihipan, bigla namang bumukas ang pinto at tumakbo papunta sakaniya ang anak niya kaya agad kong kinuha ang kamay ko. Pumasok na rin si Francine na nakangiti pero nawala ang ngiting 'yon nang makitang nakatayo ako sa tabi ng asawa niya.

"Anong ginagawa ninyong dalawa?" tanong niya na para bang pinagbibintangan akong kabit dahil sa tono niya.

"Nothing, why?" malamig na tanong sakaniya ni Shiro.

"Nagkabalikan na ba kayo? Shiro Ezekiel, ha, tandaan mo, may anak tayo," paalala niya at nilapag ang bag niya sa lamesa ni Shiro.

May anak din kami, Francine.

"Uhm no. Nagpatulong lang siya saakin na ayusin ang mga papeles niya dahil kararating lang nung secretary niya kaya ako ang tinawag niya," pagsisinungaling ko.

"Eh bakit kailangang ikaw pa? Puwede namang ibang tao na lang," umirap siya saakin.

"Because she's the one who knows how to organize these papers." binagsak ni Shiro ang ballpen niya, kaya napalayo sakaniya ang anak niya at lumapit na kay Francine.

I was about to leave his office when I heard him stopped me, "Architect, stay here, we're not done yet,"

So I stayed. Kahit na ayaw ko, nag-stay ako.

"You, Francine." mariin na tawag niya. "What are you doing here?"

"Hinatid ko 'yang anak mo," mataray na sagot ng asawa niya. "Pero mukhang gagawa ka pa ng isang anak sa ibang babae,"

"And so? Ano namang paki mo kung magkakaanak ulit ako sa ibang babae?" Shiro asked coldly.

"Wow. Nakakahiya naman ho sa 'yo, may anak ho tayo, opo," sarkastiktong wika ni Francine.

"May anak tayo, pero hindi tayo kasal, so you have no rights to stop me from what I want to do," Shiro fired out.

Mariin akong napapikit at naramdaman ang pagtabi saakin ng anak nila.

"Look at them, they're fighting again.." he sighed heavily.

Ako ang naaawa sa anak nila. I won't let my child see me and her father fighting. Hindi magandang inpluwensya 'yon sakaniya.

"Are you.. okay?" I asked. Tumango siya at tumingin na lang sakanila na magsagutan sa harap niya. Wala naman akong magawa, kundi ang hayaan na lang silang mag away sa harap naming dalawa.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now