Chapter 50

2K 29 0
                                    

"Mommy! Another mosquito bit your neck! Look, kuya!" tinuro ni Eloise ang nasa leeg ko. Narinig ko naman ang maliit na tawa ni Shiro kaya kinurot ko ang tagiliran niya at umirap. "Daddy, look!"

Tumayo ako at nilagyan 'yon ng concealer. Gago talaga 'tong si Shiro. Nang pumasok siya sa walk-in-closet ay sinarado ko ang pinto non at sinabunutan siya.

"Gago ka, 'no?" umirap ako matapos siyang sabunutan.

"Mommy! Tita Ash is here!" Eloise was so excited.

Dali dali akong bumaba at nakitang nakaupo si Ashtriella sa sofa at may mga designer paper bags sa tabi nito, naka-shades pa.

"Ash!" agad ko siyang niyakap. It's been a month since the last time I saw her. Masyadong busy si Ash dahil ang dami niyang shoots. Nakikita ko nga ang mga magazines niya. "I missed you!" I kissed her cheeks.

"I missed you more! My God! You are so damn prettier now!"

"Ang arte mo na magsalita," panghuhusga ko agad. "Anyway, kailan ka pa nakauwi? Saka, paano mo nalamang dito na kami nakatira?" I asked.

I heard Zaliah's faked cough behind me so I hugged her. Umalis siya dahil may inayos siya sa ibang bansa, ewan ko sa dalawang 'to kung sabay ba silang umuwi.

"Grabe kayo. Iniwan niyo 'ko rito." ngumuso ako at nagkrus ng braso.

"Atleast ikaw, magaasawa na! Eh kami?! Aasawahin ang trabaho!" umirap si Zaliah saakin.

"Architect!" rinig kong bati saakin ni Ivan at binigay ang pinakuha kong blue print ng kopya ng bahay niya sa office ko.

"Hoy hindi 'to libre, ha!" wika ko nang matanggap ang iniabot niya.

"Grabe 'to! Libre mo na saakin 'yan, regalo mo na din, kakasal na ko, e," kumindat kindat pa ito.

"At kanino ka naman ikakasal?" nagtaas ako ng kilay, inagaw naman ni Ashtriella ang blue print na hawak ko.

"Advance gift." he smiled.

"Ivan," sabat ni Shiro saka hinawakan ang bewang ko, "May ipabibili ako sa 'yo."

Lumayo sila saamin. Pinalo naman saakin ni Ashtriella ang blue print at umirap.

"So bakit ikaw mag aasawa na at kami hindi pa?" sarkastiktong tanong ni Zaliah. "Ganda pa ng bahay ninyo, ito ang tunay na Sana All." nilibot niya ang buong paningin sa bahay.

"Lumandi ka rin kasi, ang bagal mo, e!"

"Sinong lalandiin ko, aber?" inirapan niya ako.

"Si Ivan. Ang ganda ng gagawin kong bahay niya!" ngumisi ako ng sarkastikto at kinuha kay Ashtriella ang blueprint. "Ayan, oh, tignan mo!" pinalo ko 'yon sa ulo niya.

Nangulit lang sila saakin at napagdesisyunan nang umalis, nang makabalik naman si Ivan ay may dala na itong mga alak. Malamang ay pinabili ni Shiro dahil sabi niya kanina ay gusto daw niyang uminom.

Nang makapasok naman ng kwarto ay nakitang binabato ni Eloise si Axl ng nga laruan, habang ang lalaki naman ay walang ginagawa kundi ang tanggapin ang binabato sakaniya ng anak ko.

Kinuha ko ang mga laruan na binabato niya niya at pinatigil siya. Hindi ko alam saan nakuha ni Eloise ang gantong ugali.

"Say sorry to him," utos ko habang nililigpit ang mga kinalat niya sa sahig, "Say sorry to him, magagalit sa 'yo ang daddy mo, Eloise." pag ulit ko.

Hindi niya ako sinagot at padabog na lumabas ng kwarto, pagtapos iligpit ang mga kalat nila ay tinabihan ko si Axl at inayos ang sarili nito. Tahimik lang siyang bata.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now